Asteria's Point of View
Hindi naman ako nakapagsalita nang ilang segundo nang bigla ulit magsalita si Tiya Cecilia nang marinig niya na wala kami balak sumagot sa kanyang sinabi.
“Oo nga pala, anak. Siya si Asteria, ang anak ng dati kong amo. Sadyang kay buti ng mga magulang niya sa akin. Dahil sa kanila ay nagkaroon tayo ng sarili nating bukid,” proud na wika niya habang ang mga kamay niya ay magkahawak at nakatapat sa kanyang puso na parang nananalangin.
Hindi ko alam kung dapat ba akong makaramdam ng tuwa dahil nakatulong sila Mom sa ibang tao o makaramdam ng awa sa sarili ko dahil mabuti pa sa ibang tao ay may oras sila, kaysa sa sarili nilang anak.
“Magandang hapon, señorita,” magalang na bigkas niya habang ang mga mata niya ay nakatitig sa akin. Agad naman akong napairap sa ikinilos niya, sanay ako na tinatawag ng mga katulong ng mga ma'am o señorita, pero parang ayaw kong marinig sa kanya ang pagiging pormal. And besides, kailangan kong makisama sa kanila nang mga ilang buwan o taon, depende sa kagustuhan ng magulang ko.
“Don't be too formal, just call me by my name,” sagot ko sa kanya habang ang mga mata ko'y iniwas ko ng tingin.
Narinig ko naman ang mahinang pagtawa niya na ikinapagtaka ko. “Hindi namin ginagawa rito ang pagtawag sa pangalan ng isang binibini lalo na at ikaw ay dayo rito sa lugar namin. Mas maganda kung ang itatawag ko sa 'yo ay Binibining Paraluman,” wika niya at kumindat pa sa akin. Hindi ko naman maintindihan ang huli niyang sinabi. Hindi ako fond ng malalalim na salita sa Filipino because I prefer English language when communicating.
“Do what you want,” utal na sabi ko sa kanya. Palipat-lipat naman ang tingin sa amin ni Tiya Cecilia na animo'y naghihintay na matapos ang aming pag-uusap.
“Ayos na ba kayong dalawa?” tanong niya sa amin na parang sinisigurado na nakilala na namin ang isa't isa.
“Hindi pa, Ina, dahil hindi pa ako nakakapagpakilala sa kanya. Ako nga pala si Gray, Binibining Paraluman,” pakilala niya. Bahagya niyang kinuha ang mga kamay ko at hinalikan ito. Agad ko naman tiningnan ang reaksyon ni Tiya Cecilia upang makita ang hitsura nito. Nakatingin lang ito sa amin na parang isa lamang itong normal na gawain dito.
“U...u-hm, okay. Can we proceed?” nauutal na sambit ko at bahagyang tumalikod sa kanila upang hindi makita ang pamumula ng aking pisngi dahil sa ibang dulot ng halik niya sa aking balat.
“Oo nga pala, anak. Mas makabubuti siguro na ipasyal mo muna sa ating bayan si Asteria dahil simula bukas ay makakasama mo na siya sa paaralang inyong pinapasukan nila Solenn,” wika ni Tiya Cecilia na halos mapunit na ang labi sa tuwa. Sasagot pa sana ako nang bigla na ako nitong itulak palabas kaya wala akong nagawa kundi bumuntong-hininga na lamang.
“Ayos ka lamang ba? Maari ka naman magpahinga muna. Siguradong napagod ka sa naging byahe ninyo.” Mababakas ang sincerity sa kanyang mukha, ayaw ko namang masabi nila na ma-attittude ako dahil mas inuna kong magpahinga kaysa makisamang gumala sa kanya. Hindi ko alam kung iyon talaga ang tunay na dahilan o nais ko lang mas makilala pa ang ginoong ito. Para sa akin, unique siya. No one dared to call me binibini. Not even once. Well, anong magagawa ko kung takot nga silang lumapit sa akin?
“No, that's fine. And besides, I want to see what your village looked like,” wika ko na lamang para makampante siya.
“This way, magandang binibini,” biro niya habang itinituro pa ang mga kamay sa daan.
Ilang minuto kaming naglakad at hindi ko maiwasang mamangha sa magagandang bukirin na naroon. Ang totoo niyan iniisip ko na ang titirhan ko ay something na boring and mukhang pagkatapos nitong araw na ito ay magsisimula na ang tunay kong problema.
Kailangan ko lang ngayon ay i-enjoy ang mga tanawing nakikita ko. Kinuha ko ang cell phone na nasa pocket ko. Habang binubuksan ko ang camera nito ay bigla namang nagsalita ang katabi ko, “Mukhang kakaiba ang bagay na ’yan, magandang binibini,” wika niya na ikinairap ko.
Agad naman akong sumagot sa kanya, “Isa lamang itong technology. At hindi ito gumagana sa mga bukirin dahil walang signal,” sagot ko na lamang. Nagulat siya nang bigla kong iabot sa kanya ang cell phone ko at itinuro ang bilog na nasa ibaba na pipindutin niya.
“Can you take a picture of me with this beautiful view?” pakiusap ko sa kanya. Kahit nagtataka ay iniabot niya ito mula sa akin at tumango na lamang. Sinubukan kong ngumiti nang matagal hanggang sa matanggal na ang ngala-ngala ko dahil hindi pa rin siya bumibilang. “Ayos na ba?” tanong ko sa kanya na ikinatango niya na lamang. Nang tingnan ko ito ay makikita ang magagandang tanawin na nasa likuran ko.
Magsisimula na sana ulit siya maglakad nang bigla ko siyang hilahin at nagsimulang kunan kaming dalawa habang mababakas sa mukha niya ang gulat na ikinatawa ko.
Sadyang ang epic nito.
“Hindi ko alam na mapapasaya ka ng mga ganyang bagay,” aniya habang nakatitig sa akin. Nakaramdam naman ako ng hiya kaya agad kong itinigil ang pagtawa at nagsimulang humakbang palayo roon.
“Binibining Paraluman, narito ang daan,” bigkas niya habang itinuturo ang kabilang daan. Tuloy-tuloy naman ang lakad ko pabalik sa sinabi niyang daan nang bigla niya akong pinahinto. “Sandali, hayaan mong pagmasdan muna natin ang paglubog ng araw,” wika niya. Mukhang maganda ngang gawin ang mga bagay na iyon. Ilang minuto ulit kaming naglakad at makikitang kulay may orange sa kalangitan. Huminto kami sa ilalim ng puno ng mangga habang pinagmamasdan ang papalubog na araw.
Masasabi ko na marahil tama nga si Mom. Ito ang special day na nangyari sa akin. Naputol ang pagtitig namin dito nang biglang may kumalabit sa aming dalawa na parehas namin ikinalingon.
“Gray,” tawag ng isang boses ng babae na agad ko naman tiningnan. Halos matawa ako sa kasuotan nito nang makita ko na halos ipakita na nito ang kanyang kaluluwa. Dumako ang tingin niya sa akin. Agad na napataas ang isang kilay nito na agad ko ring sinuklian ng pagtataray. At sino naman kaya ang babaeng ito?
Asteria's Point of ViewIlang oras na akong umiirap habang nag-uusap ang dalawa sa harap ko. At talagang sa harap ko pa silang dalawa nagharutan. Well, wala namang problema sa gano'n, pero nakakairita kasi sa pakiramdam.Maggagabi na ngayon at talaga namang nakakatakot na ang daanan habang ang simoy ng hangin ay dumadampi sa balat ko na nakakapanginig sa akin.“Alam mo ba, Gray? Ilang araw na akong nasa bahay ng tiya ko. Kakauwi ko lang dito sa probinsya and guess what?” wika ni Leiya na nagpakilala sa akin kanina. Mukhang galing din siya sa syudad kagaya ko.Kanina lamang ay nagpakilala ito sa akin.“Gray,” tawag nito na ikinalingon naming dalawa.
Asteria's Point of ViewMakalipas ang ilang sandali, nagpaalam na ako upang pumunta sa silid na hinanda nila para sa akin, ginawaran ko lamang sila ng ngiti bago ako pumunta roon.Nandoon pa rin si Leiya at mukhang balak pa niyang makitulog dito. Lagi akong napapairap sa kawalan tuwing magsasalita siya. Simula no'ng mapahiya siya dahil sa binigay kong Hermes bag ay hindi na siya nagkuwento ng buhay niya sa siyudad. Sa halip ay tungkol na lamang sa pag-aaral niya na hindi naman nakaagaw ng atensyon dahil sa kayabangan niya.Kinausap din ako ni Blake kanina at nakita ko ang simpleng titig niya sa amin habang kumakain. Ayos naman ang pagkain nila rito. Sa totoo niyan, ay mas ayos ang pagkain dito dahil mas sariwa at galing mismo sa kabukiran.
Asteria's Point of ViewNagising ako sa init na nararamdaman at sa bigat na parang may nakapatong sa akin. Pagkabukas ko ng mata ay nagulat ako sa tumambad sa akin. Nakapatong lang naman si Gray sa akin habang mahimbing na natutulog. Naalala ko na naman ang nakakahiyang ginawa ko kanina. Mas mabuti kung kalilimutan ko na lamang ang ginawa ko na iyon. Dahan-dahan ko siyang inasog sa kabilang side ng kama upang makahinga ako nang mabuti.Hindi tanaw ang sinag ng araw rito, pero napakainit at hindi ako sanay sa gano'ng init. Nakabukas pa rin ang gasera na nagbibigay ilaw sa buong silid. Dahan-dahan akong umupo nang marinig ko si Gray na nagsalita.“Saan ka pupunta?” tanong niya sa akin habang nakapikit pa rin ang mga mata niya.
Asteria's Point of ViewIlang oras na akong pabalik-balik sa salamin para tingnan kung bumagay sa akin ang pagkakatali ng buhok ko. Kulay puting T-shirt lamang ang isinuot ko na p-in-artner-an ko ng itim na pantalon na binili ko sa mismong store ng Adidas noong magtungo kami roon.“Iha, halika na, baka mahuli pa tayo. Mga alas singko ng hapon ay magsasara na ang registrar,” wika nito habang kumakatok sa pintuan. Hindi naman na ako nag-atubili pa at lumabas na ng silid. Tumambad sa akin ang matamis na ngiti ni Tiya Cecilia na ibinalik ko naman.“Napakaganda mo naman, iha. Kahit ang simpleng T-shirt ay bumabagay sa iyo. Halika na at baka tayo ay mahuli pa,” saad nito at kinuha ang payong. Sinara din nito ang pintuan ng bahay.
R-18: READ AT YOUR OWN RISK.Asteria's Point of ViewSabay naming binabagtas na dalawa ang daan habang ang patak ng ulan ay patuloy na tumatama sa aming mga balat. Ito ang unang beses na nagpabasa ako sa ulan para lang makasama ang isang lalaki na kailanman ay hindi ko naisip na gawin ko sa tanang buhay ko.“Binibini, nais mo bang buhatin kita hanggang sa kubo? Mukhang napapagod ka na,” wika ni Gray habang nakatitig sa akin. Hindi ko alam kung ano ang nararamdaman ko sa loob ng tiyan ko na parang may paru-paro na lumilipad roon. Hindi ako ignorante para hindi malaman kung ano ang ibig sabihin no'n, pero ngayon ko lang naramdaman ito at kakaiba ang pakiramdam na iyon.“Gray…,” bigkas ko, nais kong malaman kung parehas ba
Asteria's Point of ViewDahan-dahang tumatama sa mga mata ko ang sinag ng araw na nanggagaling sa siwang ng bintana. Ano ba ang nangyari kagabi? Iminulat ko ang mga mata ko nang maramdaman ko na may nakayakap sa akin. Huwag mong sabihing totoo talaga ang nangyari kagabi at hindi panaginip?Tiningnan ko si Gray na nakahubad pa ang pang-itaas habang ang akin ay nakabihis na nang buo. Dahan-dahan kong inalis ang kamay niya. Tumayo ako nang makaramdam ng sakit na nanggagaling sa ibabang parte ng katawan ko. Napahawak ako sa table na nandoon dahil hindi ko maitayo ang katawan ko na parang akong napilay.“Gaano ba kalaki ang bulldog niya at ganito ang naging balik sa akin? 'Yan, Asteria, ginusto mo 'yan,” bulong ko sa sarili nang may yumakap sa akin mula sa likod.
Asteria's Point of View“Naku, iha, napakagandang balita niyan, ngunit alam na ba 'yan ng magulang mo?” tanong ni Tiya Cecilia na parang kalmado lang sa winika nito.Hindi ako mapalagay, huwag sana maging tama ang iniisip ko, kung hindi ay hindi ko alam ang gagawin ko.“Hindi pa po, pero ipapaalam ko po sa kanya once na makauwi ako sa amin,” masayang wika nito habang nakatingin nang diretso kay Tiya.Napatango naman sila nang bigla itong magsalita, “Kaya lang po, bago 'yon nais ko pong ipaalam sa inyo na si Gray ang ama,” sambit nito habang nakangiti sa akin. Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya, pero this time, hindi ko maitago ang sakit na nararamdaman ko.
Asteria's Point of View“Ayos ka lang ba?” tanong niya sa akin. Hindi ko maiwasang mamangha sa kaguwapuhang taglay niya.Napatingin ako sa lalaking sinuntok niya na ngayon ay nasa sahig na at nakahawak sa panga nito. Akmang susuntukin ulit siya nito nang hawakan nito ang kamao ng lalaki at sinipa pataas. Daig ko pa ang nanood ng action movie sa ginawa niya. Hindi mapigilan ng ibang pumalakpak habang ang bouncer ay pumunta upang alalayan ang lalaki at tinanong ang nangyari.“That man tried to harass me!” asik ko habang galit na itinuturo ang lalaki. How dare he harass Asteria Bellamy, the only daughter of the owner of the third richest company in the world?“We will check the CCTV, ma'am. If we confirmed it,