Share

V - Hermes Bag

Asteria's Point of View

Ilang oras na akong umiirap habang nag-uusap ang dalawa sa harap ko. At talagang sa harap ko pa silang dalawa nagharutan. Well, wala namang problema sa gano'n, pero nakakairita kasi sa pakiramdam.

Maggagabi na ngayon at talaga namang nakakatakot na ang daanan habang ang simoy ng hangin ay dumadampi sa balat ko na nakakapanginig sa akin.

“Alam mo ba, Gray? Ilang araw na akong nasa bahay ng tiya ko. Kakauwi ko lang dito sa probinsya and guess what?” wika ni Leiya na nagpakilala sa akin kanina. Mukhang galing din siya sa syudad kagaya ko.

Kanina lamang ay nagpakilala ito sa akin. 

“Gray,” tawag nito na ikinalingon naming dalawa. Habang nakataas ang kilay naming dalawa sa isa't isa ay hinarang ni Gray ang kamay niya sa amin na agad niyang ikinatawa.

“Ano ka ba, Gray? Na-miss lang kita. Mukhang may kasama ka, hindi mo naman siya kasintahan, hindi ba?” tanong nito. Idinidikit nito ang katawan kay Gray habang nakatingin sa akin. Kumpara sa kanya, walang-wala ang kasuotan niya na kinulang sa tela kumpara sa branded na damit ko.

“Ano ka ba, Leiya. Anak siya ng dating amo ni Ina. Hayaan mong ipakilala kita sa kanya,” wika nito. Natatawa-tawa naman ako sa reaksyon niya. Ako lang pala ang tinawag nitong binibini. Akala ko ay required ito sa buong lugar nila.

“Well, I am Asteria. No need to handshake or hug, I don't do those. Besides, I don't like hugging plastics,” usal ko. Napaangat naman ang isa niyang kilay sa sinabi ko, pero nang makita niyang nakatingin sa kanya si Gray ay ngumiti na lamang siya.

“I am not a plastic person. I'm Leiya. Gray's childhood friend. Just an info, if you don't know yet.” She smirked while saying those. Agad naman akong ngumiti sa kanya at nagsimula na kaming maglakad paalis doon.

“What is it?” sagot ni Gray sa kanya. Nahahalata ang saya nang makita ang childhood friend niya kuno. Daig ko pa na nasa isang lugar kasama ang mga pipe dahil sila lang naman ang nag-uusap. 

“Dito na rin ako mag-aaral,” masayang saad niya. Natawa ako nang mahina dahil baka 'yong palda niya ay kasing-ikli lang ng short na suot niya ngayon.

“Mabuti at pinayagan ka ni Tiyo na rito ka mag-ara,l” sagot ni Gray na nakangiti sa kanya. Mayamaya pa ay nakarating kami sa kubong tinitirhan nina Gray at sumalubong sa amin ang nakangiting si Tiya Cecilia.

“Narito na pala kayo, at ikaw rin, iha,” wika nito saka sinalubong ng yakap ito. Agad naman akong nagtuloy-tuloy sa pagpasok nang pigilan ako ni Gray.

“Sandali, binibini, ang iyong sandalyas,” sabi niya. Agad naman akong napabuntong-hininga at tinanggal na lamang ito. Nagulat ako nang tapikin ako ni Tiya Cecilia.

“Iha, halika na at pumasok ka. Kakain na tayo. Ang iyong kuwarto naman ay sa baba ng double deck ng kubo, ayos lamang ba iyon?” tanong nito sa akin. Tumango na lamang ako. Iniiwasan kong mapalapit sa mga tao rito dahil temporary lang naman ako rito.

Naririnig ko ang masaya nilang kuwentuhan habang nagpapalit ako ng damit sa kuwarto na sinabi ni Tiya Cecilia. Doon ako sa taas ng double deck kaya kailangan ko pang umakyat sa hagdanan nito na kahoy upang makaakyat doon. Isinuot ko ang silk night gown ko na hinuhubog ang aking kurba. Ito ay kulay puti na mayroong bulaklak sa bandang ibaba na p-in-artner-an ng robe. Itinali ko ang buhok ko habang tinitingnan ang sarili sa vintage nilang salamin at tuluyan nang lumabas.

Pagkatungo ko sa kusina nila ay natigil naman ang kanilang kuwentuhan. Dalawang pamilyar na mukha naman ang aking nakita.

“Iha, maupo ka rito,” wika ni Tiya Cecilia na pinapaupo ako sa upuan na katabi ng isang hindi pamilyar na lalaki.

“Hindi, rito ka na, binibini,” offer naman sa akin ni Gray na katabi sa upuan ni Leiya. Agad na lamang ako ngumiti sa kanya dahil napipikon pa rin ako sa kanya sa hindi pagpansin sa akin simula nang dumating si Leiya. Naupo ako sa upuan na sinasabi ng kanyang ina at nagsimula na ulit manaig ang katahimikan.

“Oo nga pala, Asteria, iyang katabi mo ang aking panganay na si Blake, at ito naman ang aking asawa na si Sebastian,” paglalahad niya. Tumatango-tango na lamang ako. Agad namang naglahad ng kamay si Blake at ramdam ko ang tingin sa akin ni Gray. Nakaisip naman ako ng ideya at iniabot ko ang kamay nito.

“I am Asteria. I like your hairstyle,” pekeng puri ko rito. Nakita ko naman na napakunot ang noo ni Gray. Nagulat ako nang bigla itong pumeke ng ubo kaya napatuon ang atensyon naming lahat sa kanya.

“Simulan na natin ang pagdarasal. Pangunahan mo na, anak, Gray,” wika ng kanyang ina at nagsimula na kaming magdasal. Nakikita ko sa peripheral ko ang pagtingin-tingin sa akin ni Gray habang nanalangin.

Pagkayari nito ay nagsimulang sandukan ni Leiya si Gray na ikinataas ko ng tingin. Kaya agad akong kumuha ng kanin at sinandukan ko rin si Blake na nagtatakang nakatingin sa akin. Marahil ay iniisip niyang may gusto ako sa kanya.

“Salamat, Asteria,” bulong ni Blake. Nginitian ko na lamang siya. Nagsimula kaming kumain. Wala namang tigil ang pagkwekwento ni Leiya sa kanila tungkol sa buhay niya sa syudad. Kulang na lamang ay ikuwento niya na ang talambuhay niya.

“Alam n'yo po ba na nakuha rin ako ng model sa LV na brand para i-promote ang brand nila?” wika niya. Masaya namang nakikinig si Tiya Cecilia sa kuwento niya habang si Gray naman ay kumakain lamang. Agad akong nag-iwas ng tingin nang madako ang tingin niya sa akin.

“Narinig ko nga ang brand ng LV. Sikat ito na bag ng mayayaman, iha. Napakagaling mo naman pala, binabati kita,” papuri sa kanya ni Tiya. Agad naman nabaling ang tingin nilang lahat sa akin nang matawa ako.

“I never heard your name on LV's brand.  I'm fond of their brand ever since,” wika ko sa kanya. Agad naman napataas ang sulok ng labi ko nang makita kong nakatingin sa akin si Gray habang nagsasalita. Totoo namang hindi ko pa naririnig ang pangalan niya sa social media about that.

“Excuse me?” nakataas na kilay na wika ni Leiya. Masyado yatang mataas ang tingin niya sa sarili para maging model ng LV.

“What? Tama naman ang sinabi ko para sa kagaya ko na mahilig sa fashion.” Nginitian ko na lamang siya. Hindi naman mapinta ang mukha niya. Tatayo na sana siya nang unahan ko ito.

“Wait, let me get something for you,” wika ko sa kanya. Nakatuon lamang ang tingin nila sa amin. Nang makarating ako sa kwarto ay kinuha ko ang bagong bili ko na Hermes bag na dinala ko pa rito sa probinsya.

Pagkabalik ko ay agad ko namang ibinigay sa kanya ang Hermes bag ko. “Here, this is my gift for you,” bigkas ko. Nakatingin naman ito nang masama sa akin. Halata naman ang gulat sa kanya kahit na hindi niya ito ipakita.

“Well, you can sell it if you want. It costs 1.2 million pesos, by the way,” wika ko sa kanya.

Napanganga si Tiya Cecilia sa sinabi ko. “Napakamahal naman palang bag niyan, iha,” wika niya. Umupo na lang ulit ako sa silya habang nang nakangiti lamang sa kanila.

“Well, that's cheap for us,” confident na sagot ko at nagsimulang tapusin ang kinakain.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status