Share

I - Asteria

Asteria's Point of View

Nagmamadali akong suotin ang blouse na London Effect Bodysuit na bumagay sa kurba ng ko na 27 inches. Tiningnan ko ang mala-vintage na orasan na nakatapat sa 8 habang ang ibang daliri nito ay nakaturo sa saktong 30.

Hindi naman masama. Tatlumpung minuto pa lang naman akong late sa klase. Ibinuka ko naman ang mga labi ko para tawagin si Florentina. Narinig ko ang ingay na nagmumula sa pinto nang pumasok si Florentina habang dala-dala ang black slacks na dapat kong susuotin. Ang totoo niyan, kundi dahil sa sinabi ni Blaire na gaganapin na quiz ay hindi ako papasok ngayong araw.

Ang kursong kinuha namin nina Claire ay Business Administration dahil lahat kami ay nababagay sa kurso na iyon. Mas lalong bumagay ito sa akin dahil malls and resorts ang negosyo ng mga magulang ko habang ang kina Claire naman ay tungkol sa perfume. Kaya kadalasan ang collection ng perfume namin ay galing sa kanila.

Agad naman akong sumigaw dahil kanina pa ako nakatayo rito at mauubos ang oras ko rito kahihintay sa kanya. “Did you know the word faster? I can teach you the meaning of that if you didn't know.” Marahil, dahil wala akong pasensya sa paghihintay sa mga bagay na mabilis kong nakukuha sa isang sabi ko lamang. Kadalasan akong tinatawag na spoiled brat ng mga schoolmate ko dahil daw sa kasamaan ng ugali ko. Well, hindi nila alam ang tunay na definition ng sinasabi nila, and guess what, I always make them mad at me. It's so satisfying for me.

Madalang namang umuwi sa mansion sina Mom at Dad. Natatandaan kong huli silang umuwi para i-freeze ang account ko. Umuuwi lang naman sila kapag may nagawa akong mali. Kadalasan din ay nasa bakasyon sila upang magkaroon ng time para sa sarili nila at kung hindi naman ay sa negosyo namin. Naabala ang pag-iisip ko nang marinig ko ang malakas na katok. Mabilis ko naman itong binuksan nang makita ko ang mukha niya na parang hindi maipinta. Marahil ay natatakot siya na baka matanggal siya. Naka-point ang daliri ko sa lamesa upang ituro sa kanya kung saan niya ilalagay nang bigla itong tumango habang dahan-dahang inilalapag ang trouser ko habang inilapag naman niya ang stiletto sa sahig. 

Bago siya umalis ay nilapitan ko ang trouser para tingnan ang kabuuan nito nang may makita akong mantsa rito. “Sino ang naglaba ng trouser ko?” Kalmado pero mababakas sa sinabi ko na galit ako dahil ang pinaka ayaw ko ay nadudumihan ang kahit anong damit ko.

Napapikit naman siya sa sinabi ko at napayuko na lamang. “S...si Ginang Estella po, ma'am,” nauutal na wika niya sa akin habang nananatili pa rin sa posisyon niya na ganoon.

“Well, I don't have any time to say this word to her. Can you tell her this?” tanong ko sa kanya habang nakapamaywang. Hindi pa rin niya itinataas ang tingin niya sa akin kaya inilapit ko ang labi ko sa tainga niya upang sabihin ang gusto kong sabihin bago ako pumasok. “You're fired,” wika ko na nakapagpanganga sa kanya. Kumindat naman ako at nagmadaling kinuha ang trouser at itinapon ito sa tapunan na nasa kwarto ko.

Nakita ko na nag-bow pa siya sa akin bago umalis habang tuluyan kong binuksan ang cabinet na naglalaman ng mga backup outfits ko. Well, I need to buy a new trouser. That one is my favorite.

Agad kong dinampot ang isang trouser do'n habang nagmamadali akong suotin ito dahil kanina pa ako late sa klase namin. Pagkayari no'n ay pinagmasdan ko sa malaking salamin ang kabuuan ko. Perpekto. 'Yan ang masasabi ko sa hubog ng katawan ko habang bumagay naman dito ang wavy na buhok ko na kulay chestnut.

Kinuha ko ang may tatak na LV ko na bag. Habang papalabas ako ay agad akong tinawag ng isa sa driver namin, “Ma'am Asteria, aalis na ho ba tayo?” tanong nito na may kanin pa sa bandang labi habang napairap naman ako sa kawalan. Ano ba ang tingin niya sa akin? Bata pa masyado para hindi makapag-drive ng sarili ko?

“No, just save some gas and by the way, don't forget to buy what I told you to buy,” wika ko na lamang habang tuluyang binuksan ang Mercedes na sasakyan na binili sa akin ni Dad. Sasagot pa sana ito nang bigla akong nagsalita, “Who is your boss?” tanong ko sa kanya na agad na lang niya ikinatango. Marahil ay na-sense niya na walang patutunguhan kung makikipagtalo pa siya.

Marahil, ayaw niya rin sundin ang utos ko dahil malalagot siya kapag nalaman ni Dad na siya pala ang bumili ng rum at tequila na iinumin namin ngayong gabi dahil kaarawan ni Meghan dahil hindi kami maaaring pumunta sa bar dahil wala pa kami sa tamang edad.

Ipinasok ko ang Mercedes na sinasakyan ko sa parking ng University of San Cabrini. Nagulat ako nang may ibang nakaparada sa puwesto na lagi kong pinaparadahan. Nilagyan ko na rin ito ng pangalan upang walang magtungo roon. Ang lakas naman ng loob niyang pumarada sa teritoryo ko.

Pagkababa ko ay isinuot ko ang shades ko na nasa blouse. Habang bumababa sa sasakyan ay agad kong nakita ang isang lalaki na sa pagkakaalam ko ay si Noah dahil isa siya sa mga popular dito sa campus.

“What the hell do you think you're doing? This is my territory,” singhal ko sa kanya habang umuusok ang ilong ko sa galit. Walang bumabangga sa akin na kahit sino dahil natatakot sila na makalaban ako. Samantalang siya naman ay pumarada pa sa lote na binili ni Mom para sa akin.

“Well, this is not yours. This is the school's property,” wika niya habang taas noo pa sa pagsasalita. Mukhang may mapapahiya na naman ngayong araw. May napahiya na ako noon, at iyon ang huling tao na pumarada sa lote na pagmamay-ari ko.

Agad namang dumami ang mga tao na nakapaligid sa amin habang inaabangan ang pag-aaway namin, pero agad lang ako umirap sa kanya at tinawagan ang isa sa guard rito sa campus. Nang lumabas naman ito ay agad lang ito pinaalis.

Tumawa naman ako nang malakas para ipakita ang pagkapahiya niya at nagsimula siyang mag-park sa ibang lugar habang mayamaya pa ay dumating na si Claire kasama si Blaire. Hindi ko alam kung ano ang business ng lalaki na iyon para sabihin kina Mom na i-pull out ang investment namin.

Katulad ng nakagawian, ay yayakapin ulit sana ako ni Claire, pero agad kong iniharang ang mga kamay ko upang hindi niya magawa iyon.

“Ano ka ba, napaka-OA mo naman. Wala namang nangyari na masama sa akin at isa pa, madudumihan ang blusa na suot ko,” wika ko sa kanya habang itinataas ang shades ko na nakakasagabal sa mga mata ko. Hindi ko alam kung matatawag ba na allergy ang gano'ng bagay.

“Napakaarte mo talagang gaga ka. Baka nakalilimutan mong kaibigan mo ako,” tumataas pang kamay niyang mga sabi. Tiningnan ko naman mula ulo hanggang paa si Blaire na kasama niya. Pumasok na kami sa loob ng campus.

Pagkapasok pa lang namin sa classroom ay sumalubong sa amin ang magkadikit na kilay ni Professor Ahmad.

“Detention for the three of you!” Isang nakabibinging sigaw ang nakapagpatakip sa tainga namin. Natatawang umalis naman kami dahil sa hitsura ni Blaire na lagi siyang nadi-detention sa umaga.

Pakanta-kanta pa kami ni Claire habang papunta sa detention room. Marahil ay ayaw na naman niyang magklase. Sabagay, parehas naman kami na napipilitan pumasok.

“Did you call Meghan?” tanong ko sa kanya habang naglalakad kami patungo sa detention room.

“Yeah,” sagot niya na lamang. Hindi na sana ako sasagot nang makita ko si Shiela na nakasunod sa amin papuntang detention room. Mukhang isa rin siya sa pinalabas ni Professor Ahmad.

Pagkapasok namin sa detention room ay sumalubong sa amin ang malamig na hangin na nagmumula sa aircon habang pinaupo naman kami ni Sir Cecilion na prenteng nakaupo. Mga ilang saglit pa ay pinalabas na kami habang sabay-sabay naman namin natapos ang quiz sa tulong ni Blaire dahil siya ang nag-review para sa amin. Samantalang pinuntahan naman namin si Meghan para sa gaganaping party namin nang makita namin siya na kinakausap ang isa sa teacher niya na halatang nakikipagharutan.

“Meghan,” tawag namin sa kaniya. Halata sa mukha niya ang gulat nang makita kami na nakangisi sa kanya.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status