Share

Chapter 3

The following days were a blur until a month has passed. Hindi na umuwi sa akin si Khael. Hindi ko alam kung paanong dumaan ang mga araw dahil nagkulong lamang ako sa bahay. Gigising ako nang mugto ang mga mata, kakain ng ilang subo, iiyak, matutulog sa kama kung saan nanunot pa rin ang amoy ni Mikhael… tapos ay balik sa simula. Para akong mababaliw sa sakit at pangungulila. Nang ikatlong araw nga, isinuot ko ang damit ni Khael para lang maramdaman siyang muli. Kahit papaano, naibsan ang pangungulila ko dahil sa amoy ng damit niya. Gayunpaman, ni hindi man lang nababawasan ang sakit na nararamdaman ko. I felt empty inside and my whole body is numb. Pakiramdam ko ay mamamatay na ako.

Nakaupo lang ako sa sahig ng living room ng biglang tumunog ang doorbell. Mabilis akong napatayo, ang puso ay puno ng pag-asang si Mikhael ang nasa pinto. I went to check myself quickly in the bathroom. I combed my messy hair quickly using my fingers and grabbed the nearest lip tint to put a bit of color to my pale, chappy lips. Then I ran to the door as I think of something to say. Ngumiti ako ng bahagya saka binuksan ang pinto.

But it wasn’t my husband. My smile fell.

Bumungad sa akin ang isang mababang lalaki na may kalakihan ang tiyan. Naka-suit siya, may suot na salamin at may bitbit na briefcase. He’s far from Mikhael’s tall and muscular physique.

“Good afternoon, Mrs. Lorzano,” he greeted with a faint smile. “My name’s Richard Perez, Mr. Mikhael Lorzano’s lawyer.”

I didn’t know what to say. I just stood there and almost forgot how to breathe. A few seconds later, I heaved a deep sigh and invited him in. Mabuti na lang talaga at nakapaglinis ako kagabi bagaman umiiyak. Nakakahiya kung makikita pa ng lalaki ang kalat na senyales ng pagiging miserable ko.

Naupo kaming dalawa sa living room. Ipinaghanda ko pa siya ng meryenda na ipinagpasalamat niya naman. “Mrs. Lorzano--”

“Francesca,” putol ko sa sasabihin niya nang may malamlam na ngiti. “Please call me Francesca.” Because hearing his name to address me is making my heart breaks. 

“Okay, Francesca…” Binuksan niya ang dalang briefcase at may inilabas na piraso ng mga papel doon. “Hawak ko na ang divorce papers niyong mag-asawa. Mr. Lorzano presented some terms and conditions, and while you are also advised to add your own, you have to have your own lawyer. Base rin sa prenuptial agreement ninyo, may iilang conjugal property lang kayong dapat paghatian, kasama ang bahay na ‘to. But Mr. Lorzano said that you can have the house.”

Tumango-tango ako kahit pa para nang dinudurog ang puso ko. Hindi ko naman kailangan pa ng parte ko sa properties na tinutukoy ni Attorney. Wala akong pake sa mga iyon dahil siya ang kailangan ko. Ang asawa ko ang kailangan ng puso ko.

“Now, Ms. Francesca, do you have a lawyer?”

I shook my head. “Don’t worry, I won’t be needing one. Hindi ko naman na balak kontrahin kung ano ang gusto ni Khael.”

He nodded his head and handed me the papers, pero umiling ako at hindi iyon tinaggap. Masyado nang masakit, ayoko nang dagdagan pa kung sakali mang mabasa ko roon na hindi na ako dapat pang magpakita sa kanya bilang kondisyon. 

“Well, then. Signatures mo na lang ang kulang.”

Saglit akong natahimik. Biglang pumasok sa isip ko ang mga magulang namin. Ano na lang ang magiging reaksyon nila kapag nalaman nilang naghiwalay na lang kami bigla? “Attorney, pwede po bang huwag muna akong pumirma ngayon? I just have to talk to Khael about some matters first.”

Saglit na natigilan si Attorney, pero maya-maya pa ay tumango siya. Matapos nang pag-uusap naming iyon ay umalis na si Attorney Richard habang ako naman ay naiwan sa bahay na tulala. After a few minutes, I decided to call Mikhael.

It feels weird, me calling him. Kaya para akong batang nakatitig sa pangalan niya sa screen ng phone ko. Simula nang ikasal kami, never kaming nag-usap sa telepono o kahit text man lang. But when we were in highschool, nagtetext pa ako sa kanya para humiram ng notes kahit pa mayroon din naman ako. I think that was the last time that I ever contacted him.

When he answered the call, pareho lang kaming tahimik at walang nagsasalita. We were both breathing through the phone simultaneously, and had it not been for my agenda, I would’ve wanted to just stay that way until I die. 

Tumikhim ako at bumati. “Nagpunta si Attorney rito, pero hindi muna ako pumirma.”

“Why?” His voice was hoarse through the phone.

“Gusto muna sana kitang kausapin kung pa’no natin ipapaalam sa parents natin ang annulment. Pwede ba akong magpunta sa opisina mo ngayon?” Hinintay ko ang sagot niya, pero ialang segundo bago niya naibigay iyon.

“Okay.”

Dali-dali akong nagpunta sa opisina niya. Nasa lobby pa lang ng building, samu’t saring bati na ang natatanggap ko mula sa mga empleyadong nakakakilala sa akin bilang asawa ng boss nila. Gayunpaman, mayroon pa ring mga nagbubulungan. Hindi rin naman kasi lingid sa kaalaaman ng nakararami na napipilitan lamang si Mikhael sa pagsasama namin. Mas lalong hindi lingid sa kaalaman nila ang naging relasyon niya noon kay Blaine.

Pag-akyat sa top floor, bumungad sa akin pagbukas ng elevator ang reception desk kung nasaan ang secretary ni Khael. Gulat siyang napalingon sa akin, pero mabilis ring ngumiti at bumati.

Ngumiti rin ako at iniling na sana ay hindi halata ang namumugto kong mga mata. “Nasa loob ba si Khael?”

Agad na nanlaki ang mga mata niya na para bang may naalala. “Ay, Ma’am… nasa ospital po. Kaaalis lang--”

“What?!” gulat na bulalas ko. “Saang ospital?!”

“Sa St. Patrick po--” Hindi ko na pinatapos pa ang sinasabi niya at dali-dali nang tinakbo ang daan pabalik sa elevator. “Ma’am, saglit!” I ignored the secretary’s calls and pressed the button. Para nang sasabog ang dibdib ko sa kaba. Anong nangyari?! Bakit siya nasa ospital?!

Pagdating sa St. Patrick, mabilis akong nagtatakbo papasok sa loob. I was already expecting for the worst, pero gano’n na lamang ang gulat ko nang makita si Mikhael na nakatayo sa tapat ng emergency room. Para akong nabunutan ng malaking tinik sa dibdib nang makitang okay siya, pero hindi pa rin nawawala sa akin ang pagtataka kung bakit siya nandito. Nang mapansin niya ako, agad na nagsalubong ang mga kilay niya.

“Hey, what are you doing here?” He approached me, his eyes scanning my entire being.

“I went to your office. Sabi ng secretary mo ay nandito ka kaya akala ko kung ano na ang nangyari sa ‘yo,” I replied, worry lacing my voice.

Hindi na siya sumagot pa. We just stood there in silence hanggang sa may doktor na lumabas ng kwarto. Luminga-linga ito sa paligid na parang may hinahanap hanggang sa tumigil ang paningin niya kay Mikhael. “Sir?” he called out. Khael quickly pivoted. 

“How is she?” tanong niya kaagad at nilapitan ito. Saglit silang nag-usap, pero hindi ko marinig ng pinag-uusaspan nila kaya bahagya akong lumapit. Nang nasa tapat na ako ng pinto ng emergency room, pasimple akong sumilip sa glass pane ng pinto. To my shock, I spotted Blaine sleeping in one bed. 

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status