Share

Kabanata 3

"Who is this?"

"Oh, just a random call but thank you for answering. I love your voice, huh—"

Mabilis kong in-end ang call bago pa siya makauna. Binalik ko ulit ang phone sa aking bulsa. I'm a competitive person, gusto ko palaging nanalo o nauuna kahit sa maliit at walang-kwentang bagay.

Oddly, someone was just trying a random call... and it happened na ang phone number ko ang natawagan? Noong isang araw, I received a text from an unknown person. Someone's fooling me, I don't believe in such coincidence. Sigurado akong gumamit din ng voice changer ang tumawag.

"Miss, pabili nga pong isang kilong bigas at isang pack rin ng gatas." Kumuha ng pera ang babae sa kaniyang wallet at saka binigay sa akin.

I never vision myself working like this. But life is full of surprises, expect the unexpected. Mas pipiliin ko pa na dito manirahan kaysa bumalik sa aking pamumuhay noon.

Here in the island, nililimitahan ang paggamit ng plastic kaya ang mamimili ay may dalang mga basket o paglalagyan ng kanilang mga pinamili.

Noong unang trabaho ko rito, maraming mamimili ang nagrereklamo kay Tita Mila dahil sa masama raw ang ugali ko. After weeks, wala naman akong naririnig pa. Nasanay na rin siguro sila. Bakit kailangan ko pang ngumiti, eh, hindi naman 'yon ang pinunta nila rito. If they're having a bad day, hindi ko na kasalanan 'yon.

"Ang ganda mo naman, my Caroline."

Napalukso ako ng may biglang lumundag sa harapan ko na parang rabbit, but this one is not cute.

I crossed my arms. "Excuse me?"

Inayos nito ang kaniyang buhok saka kumindat. "Don't you worry. I'll always make a way for you, my Caroline."

"I'm not your Caroline! At para ka talagang kabute, no, kung saan-saan sumusulpot."

"At para ka namang pinaglihi sa sama ng loob, my Caroline," may pagkapilyong saad nito. "How's your day so far? Wala namang weird na nangyari?" pang-uusisa niya. Kumuha pa ito ng upuan at saka nilagay sa harapan ko.

"Walang weird na nangya—" Napatigil nang may sumagi sa isipan ko. 

"Something happened?" tanong niya sa mahinang boses.

Mapanuring tingin ang ginawad ko sa kaniya and noticed how serious his face right now. Agad ding ngumiti nang makitang tinitingnan ko siya.

Well... that's strange. He's always a jolly person at sa ilang araw na nagpupunta siya rito ay ngayon ko lng nakita how serious he is. Ilang araw na rin siyang pabalik-balik rito para sirain ang araw ko. Parang hindi naman siya galing sa break up. Baka naman naghahanap ng rebound? Hindi ko mawari ang pinaplano niya pero kailangan kong bantayan ang bawat kilos nito. 

"I don't trust you." Looking at his eyes to impart to him that I'm dead serious on my words.

"Hindi ko hinihiling na pagkatiwalaan mo ako, Caroline."

"Mabuti, kasi wala akong plano na ipagkaloob kung ano man ang kahilingan mo."

"Hindi mo maipagkakaloob 'yon kasi hindi ka naman isang genie." Humalakhak ito at nagpapalakpak pa na para bang may nakakatawa sa sinabi niya. Siraulo.

He rose from his seat and ginulo ang buhok ko. "Pero may gusto akong gawin mo."

I raised my right brow at tinampal ang kamay niya. "Whatever it is, do you really expect me to do it for you?"

"Hindi ito para sa akin. Remember that Caroline means free..." He pointed his finger at me. "... and you are Caroline. Huwag mong hayaang mawala ang kalayaan mo sa 'yo. Nagagapos ang masyadong nagtitiwala."

"You don't want me to trust anyone here, right?"

"Kakailanganin mo ang tulong nila pero huwag kang magtitiwala." Pinanuod ko ang pagbukas niya ng pintuan hanggang 'di ko na siya nahagilap pa. 

Sino ka ba talaga at ano ang balak mo, Arkhyl?

Si Arkhyl ang sumagip noon sa akin na hindi naman dapat niya ginawa. May mali talaga sa kaniya. His actions these past few days were dubious.

Alas tres y media nang matapos kong basahin ang libro na tungkol sa iba't ibang klase ng mga baril. Walang masyadong tao ngayon kaya may time ako na tapusin ang dalang libro. Isinarado ko ito saka inilagay sa bag.

Four o'clock in the afternoon came and I decided to close the grocery shop. Pwede akong umuwi nang maaga kapag Biyernes. I make sure na nasa backpack na ang aking cellphone bago umalis.

I felt hungry as a savory aroma infiltrated my nose but, having not enough time, I just passed the restaurant and pulled the door of a library.

"Hintayin mo lang ako doon. Ibibigay ko kapag wala ng tao," someone muttered.

I quietly moved my feet, stepping into the mahogany floor and marched to my favorite spot. I surveyed the whole place and noticed na tatlo lang kami ang narito. Mula sa pwesto ko, makikita ang isa pang lalaki na hindi ko makita ang mukha na nagbabasa ng libro. Obviously.

I lied on the smooth wooden table, my head resting on my crossed arms while gazing forward.

This place made me love a simple but peaceful life. Until now, I'm hoping that the serenity I felt in this place would not fade away... forever. Ngunit alam kong may katapusan din ang lahat.

"Who are you?"

Gaya nito...

Natigil ang aking pag-iisip sa mga bagay-bagay nang may bulto ng lalaki ang biglang tumayo sa harapan ko. I just glared because I know who is it. Kahit gamitin niya pa ang relo para matakpan ang scar sa kanang kamay, nakikita ko pa rin ang maliit na bahagi nito. 

Another devil wanna test how long my patience is!

Umayos ako ng upo saka bored siyang tinapunan ng tingin. "Oh, I didn't expect that you have plans on knowing me."

"I'm serious, lady. Bakit ka nandito?"

His question make me face-palmed. "Do I look like I'm joking? Sino ka ba? At bakit ang dami mong tanong?"

He aggressively pulled the chair na nasa tapat ng lamesa ko at umupo. He clenched his hands in raised position and looked at me with his dark brown eyes.

"Hindi mo gugustuhin na mawalan ako ng pasensiya, lady. Sagutin mo ang tanong ko," ma-awtoridad na sabi niya.

I let out a playful smile and began to stroke my chin. "What's your question again, mister?"

"Mister, huh. Mukhang nalimutan mo na kung sino ako." He draw his face nearer and smirked playfully. "I'm Cade. I know that you can't resist on my charm pero ayaw ko sa babaeng makakalimutin."

"Hindi ako nakakalimot... sadyang may mga bagay o tao lang na hindi importanteng alalahanin."

He slammed the table with his two palm. "Sino ka ba, Carol—"

"That means you know me. Wala akong dapat ipaliwanag sa 'yo. Wala namang batas sa isla na hindi pwede ang isang magandang Caroline rito."

"Paano kung sabihin kong umalis ka na sa lugar na ito?"

"Sa 'yo ba ang isla?" 

"Sa akin nga, aking binibini. Kaya sabihin mo na kung bakit narito ka." Biglang pumungay ang kaniyang mga matang nakatingin sa akin.

Gulat man sa sagot niya but I leaned closer to him and whisper to his ear. "Kung gan'on wala akong pakialam kung ilang ulit mo 'yon sabihin. You can't command me kung ano ang dapat at hindi ko dapat gawin."

Masyadong malapit ang mukha namin, walang balak na kumalas ng tingin ang isa't-isa. I could already smell the mint on his breath.

"Mang-iistorbo sana ako, pwede ba?"

Mabilis kong inilayo ang mukha sa kaniya habang siya ay patuloy sa pagtitig sa akin. Pinasadahan ko sandali ng tingin ang babaeng dumating saka nilipat sa taong nasa aking tapat.

"Sa susunod ayaw ko na ng istorbo." Hindi pa rin niya kinakalas ang titig sa 'kin. "Nice seeing you here, Caroline."

"The feeling is not mutual." I rolled my eyes and extended my middle finger towards him.

Cade rose from his seat and shooked his head like he's disappointed on what I did. "Not cool, my lady. The next time we will meet, I will make sure na hindi mo 'yon makakalimutan even my name." 

Tuloy-tuloy lang siya sa paglalakad until he disappeared on my sight. Ni tapunan ng tingin ang babaeng parating ay 'di niya nagawa. 

Mapanuring tingin ang iginawad naman ng bagong dating. Hinampas nito ang aking balikat at inilahad ang isang rose taupe na box. I looked at the box intensely before observing the whole place. This is confidential kaya walang dapat makaalam tungkol dito.

"Ito na ba ang kailangan ko?" tanong ko para makasigurado. Palinga-linga pa rin at nakikiramdam sa paligid.

"Don't worry... tayo nalang ang narito. Makakaasa ka na hindi ko ito sasabihin sa kanila."

"Dapat lang, Una. Alam mo ang kaya kong gawin kapag hindi ka tutupad sa usapan," I cautioned her.

She smiled at hindi seryosong nag-salute. Agad din itong umalis dahil may gagawin pa raw siya.

I don't want to trust you, Una... just my gut feel telling me to rely on you.

Hinawakan ko nang mahigpit ang box na binigay niya at inilagay sa backpack na dala ko. Dapat na maging maingat ako ngayon lalo na't hinahanap na ako ng lahat. Lumabas ako ng library, hindi na nakapag-paalam kay Elle dahil kahit anino niya ay hindi ko na makita. 

Nagkaroon ng pagkulog sa tiyan ko nang dumaan ako sa restaurant. Gutom na gutom na talaga ako. Nilagpasan ko ulit ito hindi dahil wala akong pera, kundi may importanteng bagay akong dala at kailangan ko ng makauwi.

I already satisfied and full nang ininit ko nalang ang pagkain na hindi ko naubos kaninang umaga. It's felt relaxing nang nakauwi ako ng matiwasay sa bahay. I put the backpack on my bed before going to the shower. Ang malamig na tubig na patuloy sa pag-agos sa morena kong balat ay siyang naghahatid ng kapreskuhan. Hindi rin biro ang araw ko. Talking to two devil and still control myself not to do something bad is rarity.

 

After taking a bath, I wear a black pajama paired with a white spaghetti double strap crop top. Na uh! Me being hot in a cold night.

I touched the zipper of the backpack at hihilahin na sana ito when I heard footsteps galing sa labas ng bahay.

Kung gan'on alam na nila kung nasaan ako. Ang hihina naman! Isang buwan pa bago ako mahanap. Tss!

Hinablot ko ang brown hoodie saka sinuot ito. I'm not wearing bra when I'm going to sleep  because it suffocates me. Tumakbo ako palabas ng walang anong footwear, maingat ang bawat paghakbang, sinisiguradong hindi nakakagawa ng anumang ingay.

Sinalubong ang aking mukha ng lamig ng simoy ng hangin mula sa dagat. The sound of each pounding wave greeted my ear as well. Ikinubli ko ang sarili sa madilim na parte malapit lang sa labas na bahagi ng kwarto. Nakakatulong din ang madilim na kalangitan. Tanging ang buwan at poste lang sa harap ng bahay ang nagsisilbing liwanag sa paligid.

Naging alerto ako nang may narinig ulit. Mukhang naapakan ng kung sino man ang mga tuyong niyog na nasa likod ng bahay. Hindi nagtagal ay may nakita akong bulto ng tao. Nakatalikod ito at parang may sinisipat. Paisa-isa kong hinakbang ang mga paa papunta sa kinaroroonan niya. Nakatulong din na nakapaa ako ngayon.

Ngunit binilisan ko ang paggalaw nang mabilis siyang kumilos patungo sa taniman ng niyog. Sinuyod ko ang lugar ngunit dahil sa kadiliman ay hindi ko na nasundan ng tingin kung sino man 'yon. Padabog kong ibinaba ang hood dahil sa inis. 

Weakling! Hindi kita hahayaang makaalis dito ng wala man lang galos! Nagpatuloy ako sa pagsuyod ng lugar, hindi alam kong saang bahagi na ng taniman.

Argh! 

Napaluhod ako nang matisod ang paa habang nagmamadaling habulin ang taong 'yon. Bakit ba sumunod pa ako rito? Sa kagustuhang masundan siya, agad akong tumayo at pinagpag ang kung ano man na nasa aking pajama.

Mukhang nasugatan pa ang paa ko. Ang malas naman ng araw na 'to! Ang malas... malas!

Wala akong magawa but to sighed heavily and gritted my teeth when I felt something I'm familiar with pointed on my nape.

"You do not belong here."

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status