Share

Chapter 4: Few Encounter

“What’s your name again?” he asked.

“Why would I introduce myself to you?” malditang sabi ko at inirapan siya.

“I don’t know you, that’s why you have to introduce yourself. Dumb.” Naningkit ang mata ko sa pagtawag niya sa akin ng dumb.

Wow ha, close kami?!

“You know what Mr. Businessman, I’m not interested in you no matter how handsome you are looking tonight. So let’s not be friends, just strangers that had dinner tonight. I’m off,” paalam ko at inalis ang pagkaka-suot ng seatbelt sa akin.

“Alright, likewise,” he replied so I opened the door and left his car.

A few months later, nasapo ko ang noo after reading the whole lesson with fucking math.

Hindi ako matalino sa math, kaya hindi ako sumunod sa yapak ng mga pinsan kong math wizards.

Hindi ko alam kung kanino ako nagmana because both of my parents are good in math.

Graduating na rin si Yuno this year pero ako? Ito, second year ko pa lang sa business course na ‘to.

Going 3rd year naman na, hehehe. Humikab ako ngunit natigilan ako ng makita si Jami at Yuno sa hallway, inaasar niya na naman siguro si Jami.

Lalapit na sana ako ngunit natigilan ako ng yumuko si Yuno sa harapan ni Jami at kaunti na lang ang lapit ng mukha nila.

Anong meron?

Natapos lang ang bakasyon, ano kayang ganap sa kanila? Nang umalis si Jami ay nilapitan ko si Yuno. “Ginawa mo doon?” Tanong ko, natigilan siya at napatitig sa akin.

“Graduating ka rin ‘di ba?” kwestyon ko.

“Baliw, nag-graduate na ako. Waiting na lang sa board exam.” Natatawang sabi ni Yuno kaya napatango ako.

“Ah, oo nga pala,” wala sa sariling sabi ko.

“Uuwi ka na?” tanong ko.

“Nope, may maliit na project pinahahawak sa akin rito, for OJT na rin siguro?” Nagsasalita niya akong sinabayan sa paglalakad.

“Ah by the way, I saw you at a restaurant a few months ago.” Huminga ako ng malalim sa sinabi niya.

“Yeah. Wala na kami, confirmed na niloloko niya ako eh.” Peke akong tumawa, sama pa rin ng loob ko. Tatlong beses na akong naloko, what the heck?

Sumpa ba?

“Pabayaan mo na yung ganoong tao, may karma rin ‘yan. Makakahanap ng katapat or—“

“Katapat niya na ‘yon, nabuntis niya eh,” seryosong sabi ko, kinuha ko sa bulsa ko ang cellphone tsaka ko tinitigan ang text ni daddy.

From Daddy:

‘Nak, see you next week. Huwag ka sana mawawala sa opening ng isang branch ng company natin. Ikaw rin ang hahawak no’n in the future.

Ngumuso ang labi ko, I’m not yet ready to be part of the company pero for dad, sige.

“You don’t look well, is it bad news?” Yuno asked while alternatively glancing at me and at the hallway.

“No, just a company party. Sabi ni dad pumunta raw ako para siguro maaga pa lang makilala na nila ako?” Baka sakali na sabi ko sa kaniya.

“Gagi, ayos lang ‘yan. Parents ko nga ako pinaghahawak ng kumpanya, malay mo maging business partners tayo.” Sa sinabi niya ay sumaya ng bahagya ang puso ko.

“Ikaw ha, umamin ka na kung gusto mo ako maging partner.” Asar ko ngunit natawa siya at tumango.

“It would be my pleasure, Sierah. Maganda naman sa business industry, tapos may maganda pang partner.” Nag-init ang pisngi ko sa pagsakay niya sa biro ko.

Ang bango niya naman ngayon.

“So what’s the perks of being a Yuno Marshall?” I asked.

“As Yuno Marshall? Wala, maganda sa mata ng lahat. Nangunguna, pangalan pa lang.” He typically acted like a damn mahangin pero may point siya.

“Bagay sa’yo yung damit mo ngayon,” pag-puri ko, natignan niya ang suot na itim na slacks at itim rin na shirt.

“Salamat, bagay rin sa’yo yung uniform niyo.” Nakangiting sabi niya at nakalabas pa ang baon niyang dimples!

Aaaaaackkkk! Ang gwapo beh!

“Skirt nga eh.” Kuno ay nagrereklamo kong sabi.

“Still, it looks great on you. I’ll go first Sierah, see you.” Paalam niya at tinapik ang balikat ko.

“Ingat!” Masayang sabi ko.

“Salamat, ikaw rin. Ingat sa lalake!” Nakalayo na siya ng sabihin niya ‘yon kaya napangiti ako.

You’re my next, tsk.

I went to the branch opening of the company, actually it was a party already and the ribbon cutting.

I stood up straight and walked with elegance on the red carpet for my entrance. I was wearing a black silver dress and 3 inch heels.

I began to roam my eyes on the crowd and I saw this damn guy again! Yung kasama sa dinner before but he looked okay today.

Just today.

A simple pair of slacks and a black leather shoes paired with a classic button up white polo, I saw him fix his eyeglasses and he suddenly looked at me.

Nabigla ako ngunit nangunot lang ang noo ko na kunyare ay nabigla rin akong makita siya, iniiwas ko na ang tingin sa kaniya tsaka ako lumapit sa daddy ko.

“Good evening dad,” humalik ako sa pisngi niya.

“Hmm, you look great anak.” Nakangiting sabi ni daddy at tsaka siya sumulyap sa mga bisita.

“Mommy mo talaga ang scam, sabi niya malapit na siya.” Natawa ako sa sinabi ni daddy and later on that man who saw my worst break up scenario is here.

I still don’t know his name, “Nandito ka na naman?” Ngiwing sabi ko ng tumayo siya sa gilid ko dahil sa utos ng coordinator.

“Did I wish for this?” Masungit niyang sagot at bahagyang itinaas sa tangos ng ilong niya ang suot na salamin.

Bagay naman sa kaniya pero for some reason naiinis ako sa kaniya kahit na gwapo siya.

“My parents forced me to do this, ayoko ring makita ka.” Nanlaki ang mata ko at sa totoo lang muntik ko na siyang hampasin ngunit naalala ko na hindi kami ganoon ka-close.

“Duh, ayoko ring makita ka. A-Ang sakit mo sa mata.” Pagmamaldita ko ngunit pinasadahan niya lang ako ng tingin at hindi na siya nagsalita.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status