Share

Chapter 3: Her Vain

Sinagot ko ang tawag ni Renzo, “Good evening babe. Sorry, busy lang sa studies. Tawag na lang ako mamaya, love you!” Ngumiwi ang labi ko.

“Busy in studies? Ah mahirap ba pinag-aaralan mo kaya tatlong araw mo ‘kong dineadma?” Pabalang na sagot ko hindi iniisip yung katabi ko.

“Yes babe, mahirap. Sobra! Struggle is real kasi graduating na ako alam mo naman ‘yon.” Peke at sarkastiko akong natawa.

“Alright, aralin mong mabuti. Pagkabutihan mo, babe.” Idiniin ko ang endearment na ‘yon at pinatay ang tawag sa sobrang inis.

“Do you really need to smoke beside me? Papatayin mo ba ako?” Galit na singhal ko sa katabi tsaka siya sinamaan ng tingin at inis na iniwan doon.

Nang natanaw ko ang manloloko ko na boyfriend ay natawa ako, anong inaaral niya? Yung babae?

Bwisit!

Akala ko pa man din ay matino na ‘tong nakuha ko, panay pa-pogi lang manloloko naman.

I requested a separate wine and drank a lot of it, not until that man who came up to me a while ago grabbed a glass and drank with me.

“What the hell are your intentions?” Singhal ko sa kaniya.

Tumaas ang kilay niya, “Tulad mo, ayoko rin sa usapan ng matatanda.”

Sa sagot niya ay ngumiwi ako, “Lumayo ka sa akin kung ayaw mo napahiya.” Seryosong sabi ko.

“What?” He questioned.

“Lumayo ka sa akin kung ayaw mong mapahiya,” seryosong sabi ko habang nakatitig sa boyfriend ko at nang bago niyang babae.

Kaibigan ha, pero naka-romantic set sa restaurant na ‘to? Gago ba sila?

“Why are you so rude?” Tinignan ko ang lalake na kasama ko sa table, “You know what mister, binabantaan lang kita dahil hindi ka rin matutuwa kung malalaman ng iba na kakilala at kasama mo ako.” Nauubusang pasensya kong sabi tsaka inubos ang isang baso ng wine tsaka ko naglagay ulit at naglakad.

Naglakad ako papalapit sa kanila, nang makita ako ni Renzo ay napatayo siya kaagad ngunit natigilan ako ng iharang niya ang sarili sa babae.

Tumaas ang kilay ko at hindi makapaniwalang tinitigan sila, “Don’t make an issue, k-kumakain lang kami.” Ngumiti ako sa sinabi ni Renzo.

“Talaga?” Kwestyon ko.

Buti na lang malayo ito sa table namin at hindi nila ako matatanaw unless nakaupo sila sa seat namin ni Zian. “S-Sierah kumakain lang talaga kam—“

“Fucking liars!” Gigil na sabi ko, sa sobrang galit ko ay ibinuhos ko sa kanilang dalawa ang wine na hawak ko.

“Ang kapal talaga ng mukha niyong dalawa ‘no? Hindi na kayo nahiya.” Kumuyom ang kamao ko at tsaka ko sinamaan sila ng tingin.

“Sierah, let me explain. Please.” Kalmadong sabi ni Renzo.

“Tanga ka ba? Anong ipapaliwanag mo?” Galit na sabi ko.

“Ipapaliwanag mo ba kung paano kayo naging madumi dalawa?” Sarkastikong sabi ko tsaka ako pekeng natawa, ang iba ay pinagtitinginan na kami.

Nakagat ko ang ibabang labi tsaka ko siya sinamaan ng tingin, “Magsama na kayong dalawa, tapos na tayo Renzo.” Mariing sabi ko at tsaka ko sila tinalikuran.

“Babe!” Paghabol niya sa akin ngunit dumeretso ako sa balcony upang huminga ng maayos hanggang sa hinila ni Renzo ang kamay ko kaya naman mabilis ko siyang sinampal.

“Gago ka talaga ano?” Galit na sabi ko.

“Gago ka, manloloko!” Bulyaw ko.

“Kasalanan ko bang mauwi sa ganito, Sierah? H-Hindi ko ginusto ‘to, p-pinilit niya ako—“

“Hindi kita pinilit Renzo!” Sumingit yung babae kaya natawa ako at tinitigan silang dalawa.

“Whatever the reason is, I already don’t give a fuck!” Dinuro ko siyang dalawa.

“Ang bababoy niyo!” Nandidiri kong sabi.

“Kasalanan mo naman Sierah! Hindi mo pinagbibigyan ang nobyo mo kahit isang beses lang!” Umawang ang labi ko at halos matawa ako ng husto.

“Gaga lang ang babaeng bibigay sa walang kwentang tulad ni Renzo at ikaw ‘yon!” Sumbat ko.

“Talaga ba? Galit na galit ka kasi pinagpalit ka niya!”

“Pinagpalit? Siya pa ngang humahabol sa akin ngayon. Ikaw? Palipasan libog ka lang niya, and you know what? Nagpauto ka naman!” Bulyaw ko kasabay ng sarkastikong tawa.

“Enough of you!” Sita ni Renzo sa babae niya.

“Sierah, listen to me babe—“

“Gago!” Sigaw ko at muli siyang sinampal.

“Gago ka talaga ‘no? Manloloko ka at ang kapal ng mukha mong tawagin akong babe!” Gigil na gigil ako at nanginginig ang palad ko dahil namamanhid na ‘yon.

Bukod sa nanampal ako ay galit rin ako, nasapo ko ang mukha. “Lumayo na kayo sa aking dalawa.” Seryosong sabi ko.

“Sierah, babe, pleas—“

“Buntis ako Renzo! Ano’t nagmamakaawa ka pa sa kaniya?!” Natigilan ako sa narinig, tila trauma na sa akin ‘yon.

“B-Buntis?” Kwestyon ko.

Nagulantang ako, napatitig sa kanilang dalawa. Huminga ako ng malalim at nasapo ang mukha, nasuklayan ko ang buhok gamit ang daliri.

Nagsimula akong mahilo, “Babe.” Nang hawakan ako ni Renzo ay pumalag ako ngunit sobra na akong nahihilo.

Bago pa man magdilim ang paningin ko ay hinawakan ng lalake yung braso ko at tila ginigising niya ako ngunit hindi ko siya marinig.

Humawak ako sa braso ng lalake at tsaka ko ipinikit ang mata..

Nang magmulat ako ay nasapo ko ang ulo sa sobrang sakit no’n, naamoy ko ang amoy sasakyan kaya iminulat ko ang mata.

Natigilan ako ng makitang nakasandal at nakapikit yung lalake na kasama namin sa dinner, bunso ba ‘to o panganay? Hamak na mas matanda pa rin sila sa akin.

Bente-uno at bente-tres sila eh.

Ngumuso ako, nakakahiya na siya pa ang nakakita no’n. Nahihilo pa rin ako at naiinis ako dahil ang sakit-sakit ng ulo ko.

Bwisit na wine ‘yan, nasa huli ang sipa. “Glad you’re awake, akala ko patay ka na.” Nalingon ko ang lalake tsaka ako ngumiwi.

“Nasaan tayo?” Tanong ko.

“Somewhere? Like the parking lot of the hotel?” Huminga ako ng malalim at tsaka bumuntong hininga.

Binuksan niya ang dalawang butones ng polo na suot tsaka siya sumandal, “Tagal mo gumising.” Reklamo niya pa.

“Ba’t ‘di mo ‘ko ginising?” His lips parted a little and then he looked away.

“Mukha kang kawawa.” Sa sagot niya ay nanlaki ang mata ko.

“Fuck off. What the heck?” Singhal ko, his lips turned into a smirk.

“No matter how rock-hearted you act a while ago, I can see that you’re heart broken.” He stated in a serious tone.

“Mind your own business.” Gitil ko.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status