Share

Chapter 2: Aloof Businessman

A few days later, walang classes since it's vacation and I’m free to party naman anytime.

Pero my dad wants me for dinner with some famous families in town. Kaya naman sino ako para humindi? My dad gave me everything.

Lalo na sa mga gastos ko sa sarili, that’s why I took a business course. My father is a doctor yet he’s handling our business with help of mommy naman.

“Magbihis ka ng maayos, presentable anak.” My dad reminded me and so I did.

Nag-dress ako, not a sexy dress but a presentable and elegant dress. Pagkatapos ko gawing presentable ang sarili ay sinulyapan ko si mommy na inilalagay ang necktie ni Zian.

Yeah, my very chivalrous brother.

“You look gorgeous, ate.” Napairap ako sa sinabi niya, “As always.”

“Ano’t binobola mo ako? Siguro hihiram ka sa akin ng pera ‘no?” asar ko, natawa siya at inakbayan ako dahil hamak na mas matangkad siya sa akin.

“Hindi ‘no, daddy gave me a extra allowance.” Pagmamayabang niya kaya natawa ako, not until my mommy started giving us sermon.

“Ikaw Zian sa susunod na may umiyak na namang babae sa akin dahil sa kagagawan mo sinasabi ko sa’yo babawasan ko ang allowance mo.” Napangiti ako.

“Mommy naman,” reklamo ni Zian at napahawak sa batok.

“Kay bata-bata mo kasi ay panay ka na babae. Mana ka talaga sa daddy mo,” pasinghal na sabi ni mommy dahilan para lumingon agad si daddy nang gulat na gulat.

“Wow, matagal na akong retired babe. What the heck, ang faithful ko na mula ng dumating ka sa buhay ko.” Napangiwi ako sa sinabi ni daddy.

“Oh come on Zai Garcia, you broke my heart—“

“And as if you didn’t break mine first, babe?” Nang magsimula silang magtalo ay hinila ko na si Zian sa van.

“Hayaan mo na sila.” Natawa si Zian.

“I hope I won’t be like dad, he loves our mom so much. Nakakatakot magmahal, ate.” Naupo kami sa likuran ng van dahilan para matanaw namin sila mom at dad na naglalambingan na.

“Nakakatakot? Bakit ka matatakot?” sumbat ko punong puno ng pagtataka.

“Sa landi mong ‘yan natatakot ka?” Napahawak siya sa dibdib niya sa sinabi ko.

“Sapul.” Natawa kaming dalawa sa reaksyon niya, “I’m scared of commitment, look at how guys treat you nga ate. ‘Di ba? What if magkamali ako and do that?” Nanlaki mata ko sa sinabi niya.

“Tanga ka ba? Edi iwasan mo.” Umirap siya ngunit gwapong ngumiti sa akin kaya ngumiwi ako at maya-maya ay dumeretso na kami sa venue.

Isang maganda at sikat na restaurant sa loob ng isang magandang hotel, yes 5 star. Ganoon yata talaga pag engagements?

Pagkarating sa restaurant ay kinakabahan ako for some reason, pagka-upo ay sunod rin na pumasok ang isang pamilya ngunit hirap na hirap akong tawagan ang walang kwenta kong boyfriend.

He’s damn ghosting me for three days already, hindi na lang siya makipag-hiwalay right?

I-I don’t miss him at all, sakit lang siya sa ulo.

“Ate, gwapo yata yung heir nila. Mamili ka na lang.” Nalingon ko si Zian sa binulong niya sa akin, taas kilay kong sinulyapan ang naupo sa harapan namin.

Ngiwi kong tinignan ang lalake, gwapo nga pero wala ako sa mood lumandi dahil sa walang kwentang lalake.

“Sierah, Zian.” Napatayo kami kaagad at sumunod kay daddy, we took their hands at nang sa isa na ang kamay na kukunin ko ay masungit niya akong tinignan.

Ginawa ko rito?

Hindi siya ganoon kaputi, ngunit hamak na mas maputi siya sa akin. Hindi ko kasi nakuha ang kutis ni daddy, tamang morena lang ako ‘no.

“Tinitingin tingin mo?” bulong na singhal ko at tsaka naupo na lalo na nang samaan niya ako ng tingin.

We started eating not until our parents talked about life, heir, and relationships. “My eldest is 23 years old, he’s in business.” Nakangiting sabi ng parents ng dalawang magagandang binata sa harapan ko.

So sino ang eldest?

Parang hindi ko mawari kung sino mas matanda sa kanila, “My younger is 21 years old. Hindi sila nagkakalayo kasi you know, glad my wife gave a normal birth.” Hindi ko sila maintindihan.

Habang kumakain ay napalinga ako ngunit natigilan ako ng makita ko ang pamilyar na bulto ng lalake, napatigil ako.

“Si Renzo ‘yon, ‘di ba ate?” bulong ni Zian sa akin, tumikhim ako at sinundan ‘yon ng tingin.

Sandaliang umawang ang labi ko ng makita ang babaeng kasama niya sa club last time.

Napaiwas tingin ako at tumingin sa kinakain ko, I tried to divert my attent to the food and to the wine they gave. Pero mas lalo lang akong naiinis.

Tumahimik na lang si Zian, but then later on I saw Yuno enter the restaurant with three guys. Mukhang dito sila kakain, hindi ko na pinansin ‘yon.

Kinuha ko ang cellphone ko and tried to contact Renzo, my current boyfriend and my 5 months boyfriend.

Yes, 5 months.

After eating the food, “Excuse me, I’ll just get some fresh air.” Paalam ko sa kanila at bahagyang yumuko tsaka ko piniling pumunta sa open area ng hotel.

Sa balcony nila papuntang special garden, tinatawagan ko si Renzo not until makita ko yung lalake na kasama ko sa dinner table.

“Why are you here?” sumbat ko.

Nangunot ang noo niya at nagsalubong ang makakapal at maiitim niyang kilay, his hazel eyes glared at me. “What will you assume?” Noong marinig ang boses niya ay natigilan ako.

Tumikhim ako, masyadong malalim ang boses niya hindi ko inaasahan. “Assume? Wala. Dapat ba meron?” maarteng sagot ko at umirap.

“Bakit ka ba nandito?” naiiritang tanong ko.

I stopped when I saw him take out a cigarette and a nice and unique lighter. He placed it in between his lips that answered my question.

I swallowed hard when he lit it while staring at my eyes, “Damn, smoker.” Bulong ko at umiwas tingin na tsaka ko tinignan ang cellphone ko na nag-vibrate.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status