Share

Chapter 46: Sierah’s Fall

“Hindi mo sinabing hindi—“

“Hindi!” Sagot niya lalo kaya halakhak akong ngumisi.

“Yung salamin mo oh—“ Nang hawakan niya agad ang salamin ay natawa ako ng sobra.

“Natataranta ka ba?” Ulat ko.

“Hindi nga.” Salubong ang kilay niyang sabi at ngumiwi.

“Hula ko hindi ka tinatawagan ni Yuno?” Napatigil ako sa sinabi ni Yeon.

“Paano mo alam? Nagsabi ba sa’yo?” Lumapit ako ulit ngunit napalayo siya ng kusa kaya ngumiwi ako.

“Hula nga ‘di ba? Guess? Guess?” Umirap ako.

“Hindi nga ako tinatawagan eh, isang beses lang. Busy raw siya sa paghahanap kay Kuya Laze.” Nakangusong sabi ko.

“Namimiss ko na siya—“

“Kaso hindi ka miss?” Napatigil ako sa sinabi ni Yeon.

“Sama ng ugali mo apat na mata!” Bulyaw ko at sinipa ang binti niya na ikinatawa niya.

“What’s the tagalog of it na, wait, lemme think..” Nahawak pa siya sa tangos ng ilong niya. Mamula mula pa ang maputi niyang kamay.

“Ah, pighati.” Sa inis ko ay tumayo na ako at kumaway patalikod tsaka ako bumalik sa condo ko.

Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status