Share

Chapter 3: The Letter

Lilie

I feel empty. 

Sobrang bigat ng nararamdaman ko. Pakiramdam ko kulang na lamang ay mamanhid ako sa sobrang sakit habang nakatitig lamang ako sa kabaong ni Mama ngayon. Pakiramdam ko, kasalanan ko ang lahat, kung bakit siya nawala sa akin. 

Noong oras na tumawag sa akin si Tita at pinaalam sa akin ang nangyari kay Mama ay para akong mababaliw. Hindi ko matanggap, ang bilis ng pangyayari. Noong isang linggo ay kausap ko lamang si Mama pero ngayon… nawala na lamang siya bigla. Iniwan niya ako. Nang-iwan si Mama. 

Habang nakatitig lamang ako sa kabaong ni Mama ay bumalik sa alaala ko kung humantong sa ganito ang lahat. Sabi ni Tita, plano niyang bisitahin si Mama sa bahay para kamustahin pero pagdating niya raw doon ay walang sumasagot.

Kaya nagdesisyon siyang pumasok sa bahay pero ng pagbukas niya ang pinto ng bahay namin ay nagulat siya sa nakita niya. 

Si Mama nakahiga na sa sahig at naliligo sa sarili niyang dugo.

Dahil doon ay tumawag si Tita ng ambulansya, habang pilit niyang ginigising si Mama ay nakita niyang may mga picture na nakakalat sa sahig.

Nang tingnan niya kung ano ang mga ito ay nagalit siya dahil ang nilalaman ng mga litrato na 'yon ay ang babae ni Papa na magkasama ang dalawa.

Nang malaman ko 'yon ay nanlamig ako at nagalit sa sarili ko. Sinisi ko ang sarili ko dahil humantong sa ganito ang lahat. Kung maaga pa lang ay sinabi ko na kay Mama at hindi ko itinago sa kaniya, nandito pa rin ba siya?

Alam kong naging tanga at duwag ako, pero masisisi niyo ba ako kung kapalit ng pagsasabi ko ay pagkawala naman ng taong mahalaga sa akin.

Pero kahit magsabi pa ako ng totoo ay alam kong mawawala at mawawala sila.

"Lie, condolence." Napatingin ako sa katabi ko na ngayon ay umiiyak. Isa siya sa mga taong naging malapit kay Mama at itinuturing siyang pangalawang anak. Nang makita ko siya ay hindi ko na mapigilang humagulgol. Akala ko ay wala na akong mailuluha pero meron pa pala.

"Dria, it's all my fault. Kasalanan ko ang lahat, kasalanan ko kung bakit nawala si Mama," saad kong habang humahagulgol. Nanginginig ang mga kamay ko at bumibigat na rin ang paghinga ko dahil sa nararamdaman ko.

Niyakap naman ako ni Dria at pilit pinapatahan. "Shhh, hindi mo kasalanan Lie. Walang may kasalanan, okay?" Humiwalay siya sa akin at tinitigan ako ng diretso sa mata kaya marahas akong umiling.

"Hindi, hindi Dria. Kasalanan ko. Sana sinabi ko na kay Mama hanggat maaga pa. Sana ipinaalam ko sa kanya, edi sana nandito pa siya. Naduwag ako, naging selfish ako."

"Lie, listen to me. Tita Hera will not be happy to see you in that kind of situation and you're not selfish. Tinago mo kay Tita kasi alam mong ayaw mo siyang masaktan but in the end nalaman rin niya at humantong sa ganito. Huwag mong sisihin ang sarili mo, wala kang kasalanan." Pang-aalo sa akin ni Dria kaya unti-unti akong kumalma. 

Nang tingnan ko ang pwesto ni Tita Ella ay kitang-kita ko sa mata niya ang awa at sakit para sa akin. Alam niyang mag-isa na lang ako sa buhay dahil hindi na muling nagpakita si Papa simula noong unang libing ni Mama.

"Si Papa mo? Dumating ba?" Curious na tanong sa akin ni Dria nang kumalma na ako. Kaya umiling ako at ngumiti ng mapait.

"Hindi, hindi siya dumating kahit huling lamay ngayon ni Mama. Hindi man lamang niya ako dinamayan," sagot ko dahilan para manahimik si Alexandria at napatango na lamang.

"Ang kapal talaga ng mukha ng Papa mo! Tingnan mo, dahil sa pambabae niya ay wala na siya mukhang ihaharap. Wala na ngang naitulong sa Mama tapos ganito pa ang gagawin, iiwan ka na lang ng walang paalam!" 

Napayuko na lamang ako sa mga naririnig ko kay Tita, alam kong nasasaktan din siya sa sinapit ko at ni Mama. Hindi na ako kumibo at tumingin na lang sa labas ng bintana. 

Kahit sino pa ang sisihin ni Tita, sa bandang huli ay kasalanan ko pa rin. Alam kong kasalanan ko. Habang binabaybay namin ang daan papunta sa sementeryo ay unti-unti na namang nagsisitulo ang mga luha ko. Akala ko hindi na ako iiyak pero nagkamali ako, hindi ko pa kaya.

Hindi ko pa matanggap.

"Lie, hawakan mo itong puting bulaklak para mamaya ay ihuhulog mo habang inilalagay ang Mama mo sa lupa," saad ni Tita Ella kaya tumango na lamang ako at marahang kinuha ang hawak niyang bulaklak.

Mas lalong nanginginig ang mga kamay ko habang hawak ang bulaklak na ihahagis ko para kay Mama. Mas lalong naninikip ang dibdib ko habang papalapit sa puntod niya. Nang nasa harapan na ako nang puntod ni Mama ay mahina akong napa-hagulgol kasabay no'n ay nanginginig kong inihagis ang bulaklak.

"Ma, sorry. It's my fault, I'm sorry, I'm sorry…" Mahina kong usal at tahimik na umiyak. Katulad ng ginawa ko ay ganun din ang ginawa nang iba.

Nang matapos na ang lahat ay unti-unting nagpaalam ang iba naming kamag-anak. Napatingin ako kay Dria na ngayon ay nasa tabi ko pa rin, hindi niya ako iniwan.

"Hindi ka pa umuwi? Gabi na, oh. Baka pagalitan ka na," nag-aalala na saad ko pero umiling lang siya at niyakap ako.

"Ayaw ko pa, hindi kita pwedeng iwanan ngayon lalo sa kalagayan mo. Baka mamaya may gagawin kang hindi maganda," sagot niya dahilan para mapangiti ako.

"Wala akong masamang gagawin sa sarili ko, kung mayroon man, deserve ko 'yon," seryosong sabi ko dahilan para mapatingin siya sa akin at binatukan ako.

"Gaga, lalong magagalit sa'yo si Tita. Baka mamaya multuhin ka, sige ka," pananakot niya kaya napailing na lamang ako at natawa.

"Mas mabuti pa 'yon." 

Napatingin ako kay Tita Ella ng tawagin niya kami para umuwi na. Bago pa ako tuluyang umalis ay nagpaalam na ako kay Mama. Sabay na kaming sumakay ni Dria sa Van at umalis na sa lugar na 'yon.

Habang yakap-yakap ko ang picture ni Mama ay walang nagsasalita sa amin kaya mas lalong bumigat ang nararamdaman ko. Hindi ko na lamang pinansin at tumingin sa labas ng bintana para kahit papaano ay makakatulong ito para gumaan ang nararamdaman ko.

Pagbaba ko sa Van ay napatingin ako kay Tita Ella na ngayon ay punong-puno ng pag-aalala sa mukha niya.

"Lie, sigurado ka bang kaya mo nang mag-isa sa bahay niyo?" Naka-limang tanong na siya pero tanging pag-tango at pag-ngiti lamang ang ginawa ko.

"Tita, kaya ko na po. Kilala mo po ako, sanay na po akong mag-isa." Naiiyak kong saad kaya magaan niya akong niyakap at inalo.

"It's okay to cry, Lilie. Cry all you want, dahil puwede itong makatulong na gumaan ang nararamdaman mo." Saad niya kaya naiiyak akong ngumiti.

Matapos ang masinsinang pag-uusap namin ni Tita Ella ay kumaway na ako at tumalikod na. Nang buksan ko ang pintuan at pumasok ay doon na akong tuluyang umiyak at napaupo na lamang sa sahig.

Ngayon ko lang naramdaman ang matinding sakit, lalong-lalo na sa puso ko. Alam na ng utak ko na wala na si Mama pero ang puso ko ay hindi pa kayang matanggap. Paulit-ulit pumapasok sa isip ko ang malamig na katawan ni Mama ng nakita ko siya sa morgue. Gusto kong magwala pero hindi ko kaya, sobra ang panghihina ang katawan ko. 

Nanghihina akong napaupo sa sofa at doon nahiga. Habang ninamnam ko ang bigat ng nararamdaman ko ay napatingin ako sa isang papel na nasa ilalim ng mesa at may pangalan ko.

Lilie

Nang makita kong sulat kamay ito ni Mama ay nanginginig ko itong binuksan at binasa. Mas lalo pa akong umiyak dahil dito.

Lilie,

Matagal ko nang alam ang panloloko sa akin ng Papa mo, alam kong alam mo na ito pero naghihintay ako ng pagkakataon na sabihin mo sa akin. Sa bawat titig mo sa akin ay alam ko nang gusto mo nang sabihin pero alam kong natatakot ka. Natatakot kang masaktan ako.

Pero anak, tanggap na ni Mama. Tanggap na tanggap na pero ang hindi ko alam kung saan ako nagkulang. Anong kulang ko bilang isang asawa at ina? May pagkukulang ba ako para gawin niya iyon?

Pinalampas ko 'yon, Anak pero mas hindi ko nakayanan ng makita ko ang mga litrato ng Papa mo kasama ang babae niya. Sobrang saya niya habang ako naman ay nasasaktan. Hindi lamang para sa akin kundi para na rin sa'yo.

Alam kong mahal mo rin ang Papa mo, Lilie. Kaya siguro hindi mo masabi sa akin ay ayoko mo lang akong nakikitang nasasaktan. Hanggang sa umabot na pinaghalo-halo na ang nararamdaman ko. Hindi ko na alam ang ginagawa ko sa sarili ko. Lilie, anak. Kung umabot man si Mama sa isang pamamaalam lagi mong tatandaan na mahal na mahal ka ni Mama.

Hindi kita sinisisi, Lilie. Ayan ang huwag na huwag mong itatak sa sarili mo kung bakit humantong sa ganito ang lahat. Patawarin mo si Mama kung hindi ko na natupad ang pangako ko sa'yo na ako ang magsasabit ng medalya mo sa kolehiyo. Pero lagi mong tatandaan na proud na proud ako sa'yo. 

Hanggang sa muli, Lilie. Mahal na mahal kita. Sorry, sumuko agad si Mama.

Nagmamahal,

Mama

Napasigaw na lamang ako hindi dahil sa sobrang sakit na nararamdaman ko, kundi dahil nagagalit ako. Nagagalit ako dahil all this time alam na ni Mama. Hinihintay na lamang niyang sabihin ko sa kanya.

Ang tanga kong Anak. Ang sama ko, pakiramdam ko wala akong silbi. Ramdam na ramdam ko ang paninikip ng dibdib ko dahil sa sobrang pag-iyak ko.  Pero hindi ko ito ininda ang napahiga na lamang sa sahig dahil sa sobrang sama ng loob ko para sa sarili ko. Kahit wala na siya ay ako pa rin ang naiisip niya at ang nararamdaman ko.

Habang ako naman ay nagpaka-duwag at hindi man lamang ang iniisip ang nararamdaman niya noong mga panahong naghihintay siya na sabihin ko.

"Ma, paano ko hindi sisisihin ang sarili ko kung sa una pa lang ang may alam ka na pero ang inisip mo pa rin ako ang nararamdaman ko pati na rin ako. Bakit ka ganiyan?"

Mga Comments (2)
goodnovel comment avatar
Riza Mchole Ruiz
ay chapter 3 pala hahahha
goodnovel comment avatar
Riza Mchole Ruiz
omg ...chapter 2 pa lang grabe na luha ko bat ang sakit nmn..
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status