Share

Chapter 8: Thank You

Lilie

Nandidiri ako sa sarili ko. Pakiramdam ko kahit anong gawin kong paliligo o pagkuskos sa katawan ko ay naandito pa rin ang mga kamay niya.

Mga kamay niyang hindi ko gustong maramdaman ang hawak niya. Ayoko na ng ganito. Sa bawat araw na dumadaan mas lalo ko lamang kinamumuhian ang sarili ko.

Lagi na lamang ganito ang nararamdaman ko sa sarili ko. Pandidiri, galit, lahat na pwede kong gawin sa sarili ko.

"Nakakadiri ako, nakakadiri ako," paulit-ulit kong bulong habang sinusuntok ang sarili ko. Lahat ng parte ng katawan ko ay sinasaktan ko. Gusto ko na lang maging manhid.

"Walang tatanggap sa'yo, walang magmamahal sa'yo, Lilie. Walang tatanggap ng buong pagkatao ko dahil ang dumi-dumi ko," humahagulgol kong saad at mas lalo ko pang nilakasan ang pagsuntok sa sarili ko.

"Hey," may tumawag sa akin pero hindi ko siya nilingon dahil alam ko na kung sino siya. Ang lalaking hindi napapagod sa akin.

"Don't call yourself a worthless, don't hurt yourself, please," pagmamakawa niya. Lumayo ako at binalot ko ang sarili ko ng kumot nang tumabi siya sa akin.

"Sino namang tatanggap sa akin?" mahina kong bulong. Saglit ko lamang siyang tinapunan ng tingin.

"Ako, ako Lilie. Ako ang tatanggap sa'yo," sagot niya sa akin dahilan para biglaan akong mapatingin sa kaniya. Nakita kong nakalahad na ang kamay niya sa akin. Pinagmasdan ko lamang ito.

"I'm the one who will save and accept you, Lilie. Let me save you, let me heal you."

After 3 months...

Tatlong buwan na ang nakakalipas simula nang maka-recover ako sa pangyayari na 'yon.

Sa loob ng tatlong buwan na pagre-recover ko ay sobrang hirap ng pinagdaanan ko. Minsan ay sinasaktan ko ang sarili ko, minsan naman ay napapanaginipan ko naman ang ginawa niya sa akin. Minsan ay natutulala na lamang ako.

Bumalik sa alala ko ang nangyari tatlong buwan na ang nakakalipas. Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin makalimutan ang init ng yakap niya.

"No, please! Nagmamakaawa po ako sa'yo, huwag! Pakawalan mo na ako!" pagsigaw ko pero tila

siya ay nagbibingi-bingihanNakailang

sigaw na ako pero nagulat na lamang ako nang

bigla niya akong

tutukan ng baril

sa

ulo.

Napabalikwas ako nang

bangon

habang

sumisigaw,

pakiramdam ko ay narito lamang siya

sa

paligid at handa

ulit

gawin ang ginawa niya sa akin.

Ramdam ko rin ang malamig na pawis na tumutulo

sa

mukha ko.

"Tama na! Tama na!" paulit-ulit kong sinisigaw

habang

takip-takip ang tainga koNabigla na lamang ako ng may

yumakap

sa akin dahilan para maitulak ko siya

palayo. Mas lalo lamang nadaragdagan ang takot ko.

Pero hindi niya ako binitawan,

bagkus lalo niya pa akong

niyakapBumitaw

siya

sa

pagkaka-yakap

sa akin at pumunta

sa

harapan ko.

Hinawakan niya ang pisngi ko at pinunasan ang luha ko. "Liliesi Lucas 'to." Nang makita kong siya

nga ay namalayan ko na lamang na yakap-yakap ko siya.

"Natatakot ako Lucas, natatakot ako."

Nawala ang inaalala ko nang may isang kamay na kumakaway sa harap ng mukha ko. Pagtingin ko kung sino ay si Lucas pala na malawak ang ngiti at nakatayo sa harap ko.

"Lalim ng iniisip mo, sa sobrang lalim hindi mo na napansin ang presensiya ko," saad niya kaya natawa na lamang ako.

"Pasensiya na," sagot ko at napansin kong nakapambahay lamang siya. Minsan kasi kapag mga ala-siyete nang umaga ay nakabihis na siya at papasok na sa opisina niya.

"Wala ba kayong pasok? Diba hindi pa naman sabado ngayon." Tuwing sabado kasi ang rest day nila. Saulo ko na ang schedule niya. Sa tatlong buwan ko ba naman na pamamalagi ko dito ay baka hindi ko pa masaulo.

"Saulo mo na talaga ako, 'no? Pati restday ko alam mo," bakas sa boses niya ang saya nang sabihin ko 'yon. Kaya nginitian ko na lamang siya at tumango bilang pag-sagot.

Walang nagsalita sa aming dalawa, pinakiki-ramdaman lamang namin ang paligid. Natutuwa akong pagmasdan ang mga bulaklak, iba-iba kasi ang kulay kaya naka-karelax, nakakawala nang sakit. Nakapawi ng lungkot.

"Lucas Nixon Montiero," napatingin ako sa katabi ko ng bigla itong magsalita. "That's my full name, incase na hindi mo pa alam ang buong pangalan ko o kaya ay nakalimutan mo."

"I have a younger sister named Julie Ann Montiero at nasa ibang bansa siya ngayon. My parent named is Nixon Montiero, that's my father name while my mother is Alicia Montiero. They died in car accident intentionally," paliwanag niya kaya napatingin ako sa kaniya nang sabihin niyang intentionally ang aksidente ng magulang niya.

"Ang ibig sabihin, intensiyon nilang patayin ang magulang mo?" pagtatanong ko kaya tumango siya sa akin. "Nahanap na ba ang gumawa sa kanila? Nakulong na ba?"

"Nahanap na sila at sisiguraduhin kong hindi na sila makakalabas sa kulungan." At nang tingnan ko si Lucas ay kitang-kita ko ang galit sa mata niya. Kaya hindi ko namalayang hawak ko na ang kamay niya at marahang pinisil ito.

Napatingin siya sa akin dahil sa ginawa ko. Nginitian ko lamang siya. "Alam mo, sa totoo lang. Dapat alisin na natin ang galit sa puso natin. Ako, galit ako sa mga ginawa nila pero kapag nagagalit ako winawala ko kaagad 'yon. Dahil kapag puno nang galit ang puso natin, hindi tayo magiging masaya," nakangiti kong saad habang nakakatitig sa mata niya.

Ngumiti siya sa akin at siya naman ang nagsalita, "Ikaw? Nasaan ang pamilya mo? Kung ikaw ay may alam na sa akin, ako naman ang hindi."

Natawa naman ako sa sinabi niya. Huminga muna ako nang malalim bago magkwento sa kaniya. Siguro ay wala namang

masamadiba?

"Ang Mama ko namatay na tatlong buwan na ang nakakalipas, si Papa naman... sumama sa ibang babae. Pagkatapos mangyari ang lahat ng 'yon, hindi ko aakalaing gan'to ang mangyayari sa buhay ko."

Tumingala ako para pigilan ang luhang gustong tumulo sa mata ko, naramdaman kong humigpit ang pagkakahawak sa akin ni Lucas.

"It's okay to stop Lilie, tsaka na lamang kapag handa ka na sa aking mag-kwento," saad niya kaya umiling ako at nagpatuloy.

"Tapos, alam mo ba, noong libing ng Mama ko... hinintay ko si Papa pero hindi man lamang siya dumating. Sobrang sama nang loob ko sa kaniya no'n. Kasi kailangan ko ng may masasandalan tapos wala pa siya."

Huminga muna ako nang malalim at siya naman ang nagpunas ng mga luha ko. Nilayo ko ang mukha ko dahil nahihiya ako kay Lucas.

"Sabi ko nga sa sarili ko, sa lahat ng malas ako yata ang pinaka-malas, biruin mo ba naman. Nawalan na ako ng Mama, nawalan pa ng Papa tapos may nangyari pang hindi maganda sa akin," pumiyok ako at tuluyan na akong humagulgol sa huli kong sinabi.

Niyakap naman ako ni Lucas at inalo, hikbi lamang ako nang hikbi at ako na ang nagpunas ng luha ko. Nanginginig pa ako dahil sa pag-iyak ko.

"It's okay, I'm here. Don't cry Lilie," bulong niya sa akin at hinahaplos-haplos ang likod ko.

Kumalas ako sa pagkakayakap niya at pinahiran kong muli ang mga luha ko, napatingin ako sa kamay naming dalawa na magkahawak. Aalisin ko na sana ang kamay ko ng may bigla na lamang kumanta.

"Magkahawak ang ating kamay ng walang kamalay-malay..." napatingin kami sa kumanta at si Elise ito. Inagaw ko ang kamay ko kay Lucas at naramdaman kong namumula ang pisngi ko.

"Anong ginagawa mo dito?" pagtatanong ni Lucas kaya hinigit siya ni Elise mula sa pagkakaupo at siya ang pumalit sa pwesto nito.

"Siyempre binibisita ang pasiyente ko," sabay tiningnan niya ako, "Diba, Lilie." kaya tumango na lamang ako at tumawa dahil muli na naman niyang inasar si Lucas.

"Oh my gosh! One of the most millionaire person in the world is annoyed because I interrupt their moments."

...

Napatayo ako dahil may kumakatok sa pintuan. Pagbukas ko ay si Lucas na parang nahihiya pa. "Bakit? May kailangan ka?" tanong ko kaya tumitig siya sa akin at napakamot sa ulo niya.

"I just want to invite you, kung papayag ka. Mamamasyal tayong dalawa," sabi niya na hindi makatingin sa akin ng deretso kaya napangiti ako.

Kaya nag-isip muna akong mabuti. Wala namang masama kung pumayag ako, diba? Pambawi na rin siguro sa mga ginagawa niya sa akin.

"Okay," sagot ko na lamang at sinara ang pinto. Napangiti na lamang ako at dumiretso na sa banyo para maligo at hindi nakakahiya kay Lucas kung ako pa ang mahuhuli at paghintayin ko siya.

Pagbaba ko ay nakita ko si Lucas na nakaupo sa sofa. Nakapula siyang polo at puting khaki shorts kaya mas lalong lumitaw ang kaputian at kagwapuhan niya. Pilit kong inaalis sa isipan ko ang mga sinasabi ko. Nakakahiya kung marinig ako ni Lucas kung sa oras na masabi ko ito.

"Stop staring, alam kong gwapo ako," pagmamayabang niya sa akin kaya napasimangot ako. Aaminin kong gwapo siya pero minsan ang hangin. Kaya tumawa lamang siya at sumakay na kami sa kotse.

After 1 hour.

Pagbaba ko ay natuwa ako dahil sa Enchanted Kingdom kami nagpunta. Dalawang taon na ang nakalipas ng magpunta ako dito. Maraming alala ang pumasok sa akin pero agad ko itong inalis dahil masasaktan lamang ako nito. Kaya dali-dali kong hinila si Lucas.

"Tara na!" sigaw ko at tuluyan na kaming nakapasok sa loob. Pinagtitinginan na kami ng iba pero wala kaming pakialam. Enjoy na enjoy ako sa mga nakikita ko ngayon. Habang ang kasama ko naman ay nasa likod at hawak ang cellphone. Hindi ko alam kung kumukuha ba siya ng litrato o ewan.

"Woah!" napasigaw kaming dalawa nang matapos kami sa rollercoaster. Nagulat na lamang ako ng biglang tumakbo si Lucas sa basurahan at doon sumuka. Kaya binigyan ko siya nang tubig at hinahaplos ang likod niya.

"Ayos ka lang?" kaya natawa siya at tumango na lamang. "Ang weak mo!" sigaw ko kaya sinamaan niya ako nang tingin at lumapit sa akin kaya tumakbo ako.

Pero natigil na lamang kami dahil may lumapit na limang babae sa kaniya at nagpa-picture. Ngayon ko lamang naalala na sikat pala si Lucas.  Kaya unti-unti akong lumayo para umupo sa isang bench dahil napagod ako. Pero nagulat na lamang ako nang bigla niyang hulihin ang kamay ko at pinagsiklop ito.

"I'm sorry, we have to go," paalam niya at hinila na ako. Napanganga ang mga babae dahil sa nakita nila.

"Omygosh! Who is she?!"

"Maybe, girlfriend niya."

"Ang swerte ni girl, sana all!"

'Yan ang huli kong narinig dahil nawala na sila sa paningin ko. Napansin ko ang iba na kinukuhanan kami nang litrato kaya napahigpit ang hawak ko sa kamay niya. Nagulat ako nang yakapin ako ni Lucas  habang naglalakad kami.

"Itigil niyo ang pagkuha nang litrato," pagbabanta niya sa malamig na boses. Ang iba ay sumunod ngunit ilan sa kanila ay todo kuha pa rin, wala na kaming naggawa kundi ang magpatuloy na lamang.

...

"Hindi pa ba tayo uuwi?" pagtatanong ko habang nakaupo kami dito sa bench. Gabi na kasi kaya nagtataka ako kung bakit hindi pa kami unuuwi. At nakakahiya na dahil sobrang haba na ng oras na ibinibigay niya sa akin.

"No, hihintayin natin ang fireworks," sabi ni Lucas kaya napatingin ako sa kaniya. "Talaga?!" kaya tumango na lamang siya.

"Pero marami ka pang gagawin, may next time pa naman dito... kung meron pa," pabulong na ang nasabi ko sa huling salita na lumabas sa bibig ko dahilan para mapatitig siya sa akin.

"It's alright, Lilie. Marami akong oras pagdating sa'yo," naka-ngiti niyang saad kaya natulala ako at bumilis ang tibok ng puso ko. Mabilisan akong umiwas at pilit na pinapakalma ang sarili ko.

"Ladies ang Gentlemen, we will start our fireworks display in 10 seconds! So let's all count!" Sigaw ng emcee kaya napasigaw ang iba at ako naman ay napatayo at nagsimula ng magbilang.

Napuno ang kalangitan ng ibat-ibang kulay ng fireworks kaya ngiting-ngiti ako. Napatingin ako sa katabi ko na nanonood kaya hindi ko namalayang hinawakan ko ang kamay niya.

Siguro ito na ang oras para magpa-salamat sa kaniya.

"Lucas, I just wanted to say... Thank you for everything, thank you for saving me and thank you for coming into my life," I said and give him my genuine smile.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status