Share

Chapter 9: Leaving

Lilie

I almost cursed when I saw the news at my cellphone. Nanlamig ako ng makita kong kalat na ang litrato namin ni Lucas sa internet. Alam kong kagabi 'to dahil ako lang naman ang kasama ni Lucas.

Guilty is slowly eating me. What if Lucas reputation will be destroyed because of me? Paano kung siraan siya hanggang bumagsak siya?

All of his hard work will turn into ashes because of me. Dapat naging maingat ako sa pagkilos at inisip bago sumama sa kaniya. Nanginginig kong ibinaba ang cellphone ko at tumayo.

Pakiramdam ko ay kailangan kong mag-sorry dahil sa mga natatanggap niyang hates sa iba niyang taga-hanga. May nabasa pa akong hindi bagay sa kaniya na kasama ako at peperahan ko lang si Lucas.

Dahil doon ay huminga na lang ako ng malalim at lumabas sa kuwarto para tumulong kay Manang sa paglilinis ng bahay.

Nang bumaba ako ay kumunot ang noo ko ng magkagulo ang ibang kasambahay, nakaabang sila sa pinto na tila ay may isang taong matagal na nilang hindi nakikita.

Ang unang nakita ko ay si Lucas na may dalang bag kaya nang makita niya ako ay nilagay niya sa sofa at lumapit sa akin.

"How's your day?" Pagtatanong niya at tumabi sa akin.

'Ah, ayos lang..." sagot ko at napatingin sa babaeng pumasok at pinagkaguluhan na nila Manang. Habang si Lucas naman ay nakatitig lamang sa akin dahilan para mailang naman ako.

Ewan ko ba pero natawa na lamang ako. Napatingin sa gawi namin ang kasama ni Lucas at pumunta sa harapan ko.

Nakita ko ang kaseryosohan sa mata at mukha niya, kaya kinabahan ako. Baka mamaya ay paalisin niya ako. Nagulat na lang ako nang bigla itong yumakap sa akin at tumili pa.

"You're so maganda talaga! I can't believe na nakilala na kita nang personal," ramdam ko ang tuwa sa boses niya sa akin habang hawak ako sa balikat kaya nailang ako.

"Ah, hehe..." nasabi ko na lamang habang nakatingin sa kaniya kaya natawa na lamang siya sa naging reaksyon ko.

"I just want to introduce myself first," saad niya sa akin sabay hawi ng kaniyang buhok at nilahad ang kamay sa akin. "I'm Julie Ann Montiero, nice to meet you." She said confidently and smiled after I accepted her hands.

"And your Lilie De Vega, right?" Kaya tumango na lamang ako kahit naguguluhan kung paano niya ako nakilala.

"I know you because Kuya always kwento about you to me," natatawa niyang saad sabay turo kay Lucas at ng tingnan ko ay namutla siya.

"Julie." Ramdam ko ang pagbabanta sa boses niya at tumalikod na sa amin kaya napatingin ako kay Julie na tumawa.

"Nagbibiro lang naman ako. By the way, kunwari wala ka na lang narinig," bulong niya sa akin at yinakap ako. "I'm happy that kuya met you," dugtong  niya sa huli at nilayasan akong naguguluhan sa sinabi niya.

Masaya siya dahil nakilala ako ni Lucas? Mukhang baliktad yata, dapat ako nga iyong masaya dahil nakilala ko si Lucas.

...

Sa ilang araw na nakakalipas ay nakilala ko na si Julie. Isa siyang fashion designer sa Korea, dalawang taon siyang namalagi at doon na rin siya nakapagtapos ng pagaaral.

20 years old na siya at isang taon lamang ang tanda niya sa akin. Nakakatuwa nga dahil ang gaan niyang kasama, kahit minsan conyo siyang magsalita. Habang may binabasa ako ay narinig kong tinatawag niya ako kaya binuksan ko ang pinto.

"Ahm... can we bond together?" Pagtatanong niya. "Para makilala pa natin ang isat-isa," dugtong niya kaya nagaalinlangan pa ako bago sumagot.

"Baka magalit si Lucas sa atin." Kaya napasimangot siya sa naging sagot ko at napairap.

"Oh c'mon, Kuya will not be mad to us. Hayaan mo siya, kaya you better ligo na," sabi niya muli sa akin at pinagtutulakan na ako. Kaya wala na akong naggawa ay ang sumunod na lamang.

...

"So, psychology pala ang kinuha mo?" Paninigurado ni Julie, kaya tumango ako habang iniinom ko ang milktea na binili namin.

Gusto ko sana siyang tanungin kung may dumi ba ako sa mukha dahil kanina pa siya nakatitig sa akin. Pagkatapos kong uminom ay sumandal ako sa upuan at tumitig ng  diretso sa mga mata niya.

"Sa totoo lang... psychology nga ang kinuha ko pero hindi ko naman nailigtas ang sarili ko sa lungkot at sakit," natatawa kong saad at pinaglaruan ang straw.

Narinig kong bumuntong hininga si Julie at nagsalita, "It's not all about what course did you take to prove yourself that you will never experienced pain and misery. Kapag nasaktan ka, nasaktan ka talaga. Porket ganoong course ang kinuha mo ay kailangang alam mo sa sarili mo kung ano agad ang nararamdaman mo."

"May naging boyfriend ka na ba, Lilie?" Pagkatapos niyang sabihin 'yon ay iniba naman niya agad ang usapan kaya halos masamid ako sa iniinom ko.

"Wala!"

"May naging crush?"

"Wala rin"

"Eh si kuya... crush mo?"

Ha? hindi 'no!" Pasigaw kong sagot at naramdaman kong namumula ako kaya natawa siya.

"Hindi raw eh, bakit ka namumula? Crush mo si kuya, 'no? Pero, don't worry I will not tell to him naman," sabi niya habang naka-ngisi kahit todo iling naman ako.

"Can you tell me what happened to you 4 months ago?" Pagtatanong niya sa akin dahilan para mapatulala ako at nakita kong para siyang natauhan.

"Shit! Patay ako kay kuya, I'm sorry..." napatigil siya sa pagsasalita nang umiling ako. "You're ready to tell me your past?" Hindi niya makapaniwalang tanong.

"I mean, it's okay na hindi mo sabihin sa akin. I will respect your decisions," nakangiti niyang saad kaya napangiti ako.

"I'm sorry, Julie. I can't tell it to you right now. Hindi pa ako handa. Thank you for respecting my decisions," I said and gave her my genuine smile kaya tumango siya.

"I'm maybe a brat but Kuya always taught me to respect everyone's decision. By the way, did that moron have been caught by the police?"

"Hindi pa, pero sa ngayon hinahanap na namin at ng mga pulis."

Hinawakan niya kamay ko at tumitig sa mga mata ko. "You deserve the justice, Lilie. You don't deserve this kind of world. Just like your name, you're so pure and amazing, Lilie."

"You're so strong. You make me amazed and admire you more. Now I know why kuya fell in love to you." Hindi ko na narinig ang huling sinabi sa akin ni Julie dahil may dumaan sa tapat namin na magba-barkadang maiingay. 

...

Sa apat na buwang pananatili ko dito ay nagdesisyon na akong aalis na kay Lucas. Marami na siyang naitulong

Nahihiya na ako sa mga tinutulong niya, pakiramdam ko ay dagdag lamang ako sa mga problema sa buhay niya.

Kung sa oras man na umalis na ako kay Lucas ay ipagpapatuloy ko ang pag-aaral ko. Habang nag-aaral naman ako ay magtatrabaho ako para bayaran ang lahat ng ginastos at ginawa niya sa akin. Kahit alam kong mahirap ay kakayanin ko.

Hindi ko na dapat dinadamay ang ibang tao sa problema na dinadala ko. Hindi ko na dapat sanayin ang sarili ko na may tumutulong sa akin at palagi silang nasa tabi ko para iligtas ako.

Kailangan ko ring mamuhay ng mag-isa. Kailangan kong sanayin ang sarili ko na ako lamang mag-isa ang haharap sa mga labang dadating pa sa buhay ko.

"Kaso nga lang paano ko sasabihin kay Lucas na kailangan ko ng umalis sa buhay niya?" Tanong ko habang nakatulala sa garden at mahinang dinuduyan ang swing.

Malakas akong napabuntong hininga at nag-isip pa nang mas malalim. Kailangan kong pag-isipan kung paano ako magpapaalam sa kaniya.

"Lilie, anong sinasabi mo kanina?" Gulat akong napatingin sa taong bigla na lamang nagsalita sa likod ko. Paglingon ko ay namutla na lamang ako kung sino ang nakatayo sa likuran ko.

Si Lucas na madilim ang mukha at deretso ang tingin sa akin. Hindi ko alam kung bakit ganiyan na lamang ang reaksyon niya.

"Lilie," matigas na sambit niya sa pangalan ko kaya halos mataranta ako at hindi ko masambit ang salitang gustong lumabas sa bibig ko.

"L-lucas, nagdesisyon kasi ako na aalis na dito," kinakabahan kong saad at tumingin na rin sa  kaniya. Kitang-kita ko kung paano umigting ang panga niya sa narinig sa akin.

"Bakit kailangan mo pang umalis?" Mariin niyang tanong kaya muli akong sumagot kahit na nanginginig ang labi ko.

"Dahil marami ka ng naitulong sa akin. Hindi sa lahat ng pagkakataon ay palagi kang nasa tabi ko at handa akong iligtas. Huwag kang mag-alala, sa oras na makakuha ako ng trabaho ay agad kitang babayaran..." napatigil ako sa pagpapaliwanag ng galit siyang magsalita.

"Hindi ka aalis sa tabi ko, Lilie! Dito ka lang sa akin, tahanan mo na rin ito. Hindi mo na kailangan pang umalis dito. Hindi ka aalis," galit niyang saad at mabilisang tumalikod para pumasok na sa loob ng bahay.

Napanganga na lamang ako dahil sa sinabi niya. Gusto ko pang magsalita pero bigla na lamang siyang umalis sa harapan ko. Napasandal na lamang ako sa swing at inisip ang mga binitawan niyang salita.

Bakit ayaw niya akong paalisin dito?

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status