(Angie POV)
Naglalakad ako pauwi ng bahay. Masayang nagtatampisaw at sumasayaw sa ilalim ng ulan. Walang paki-alam sa mga taong nakatingin sa akin. Malamig ang bawat patak ng ulan, ngunit napakasarap at masuyong niyayakap ako ng napakagandang pakiramdam. Binabati ko ng ngiti ang mga taong hindi pamilyar ang mga mukha nila sa akin. Niyakap ko ang aking dalang bag, saka hinubad ang aking pulang high-heel. Malayang inapak ang walang saplot kong mga paa sa kalsada. Ang ganda talaga sa pakiramdam. Ang pakiramdam na ito ay sapat na para maging mapayapa ang buhay ko dito sa mundo.
Nang dumating ako sa bahay namin, tumila ang ulan. Biglang nagpakita si haring araw na hindi ko malaman kung bakit sa oras na ito magpapakita pa lamang siya sa silangan. Medyo nasilaw ako ng malaginto niyang sinag, kaya pumasok na ako sa tarangkahan namin at maririnig ang tunog ng nagkiskisang bakal. Kahit b**ang-b**a ako hindi ko parin maramdaman ang ginaw na papawi ng kaligayahan ko. Hindi, masigla parin ako.
Sumalubong sa paningin ko ang maliit naming bakuran. Saka nakita ko ang aking kapatid na kambal at si Mama na abalang hinahanda ang hapunan sa labas ng bahay namin. Pero bago pa man ako makalapit sa kanila, may mga taong kumuha ng atensyon ko. Mga bagong mukha na hindi pamilyar sa akin. Saka ko nakita ang malaki kong larawan sa isang frame na maraming bulaklak ang nakapaligid. Merong kandila sa loob ng baso… at yung larawan ko, ay kinuha pa noong nakapagtapos ako sa kolehiyo. Masiglang nakangiti dahil sa wakas matutulungan ko na ang aking pamilya sa pang-araw-araw na kailangan namin at maubos mabayaran ang pagkaka-utang namin para makapag-aral lang ako. Isang pag-asa na nagpa-ngiti talaga sa akin ng sobra.
“Ma…” Nahihiya man lumapit na ako sa kanya. Ngunit inuna nito ang dalhin sa grupo ng aking ama ang isang botelya ng alak. Kaya naman kinuha ko ang pansin ng isa kong kapatid…
“Chin…” Ngumiti ako sa kanya ng humarap ito sa akin, kaya ngiti rin ang isinukli niya sa akin.
“Ate…” Tumakbong yumakap sa akin.
“Anong meron?”
“Ate… Patay ka na.” Saka itinuro niya sa akin ang araw na sumisikat upang tuluyan akong masilaw.
Kaya bigla akong napamulat. Nakatitig sa bintana na nilipad ng bahagyan ang kurtina ng hanging at sumisilip ang malagintong sinag ng umaga. Ramdam ko parin ang init ng nararamdaman kong kaligayahan dahil sa bisig na nakayakap sa akin. Di ko mapigilan na maramdaman ulit ang kakaibang kaligayahan na naghahari ngayon sa akin. Heto ata ang sinasabi ng kaibigan ko… ng bestfriend ko, na kapag ibinigay ko na ang pinakaka-ingatan kong bagay sa aking minamahal, tiyak liligaya ako ng lubos. Tama siya. Ang saya ko nga. Hindi ako nagsisi sa ginawa ko.
At ang ibig lang sabihin ng panaginip ko, at talagang mahilig ako magbasa ng mga ibig sabihin ng napanaginipan ko… Ay may kalakip na magandang balita, kahit nga nakatago sa di magandang paraan ng pagpapahiwatig ng panaginip ko.
Patay na ako sa aking panaginip, ngunit buhay na buhay naman ng nakita ko ang aking larawan. Ibig lang sabihin natapos na ang kabanatang ‘to ng buhay ko. Andito na ako ngayon sa bagong kabanata. Napangiti ako sa aking sarili. Salamat naman sa Diyos. Sana nga maging masaya na ako habang buhay at talagang naniniwala ako sa mga fairytales na merong happy ending.
Ulan… Ibig lang sabihin tagsibol… Napangiti ako. Hindi kaya yung nangyari ngayon sa aking gabi ay bibigyan ako ng isang biyaya? Baby?!
Masaya akong napayakap sa aking sarili. Umpisa na ba ito ng mga masasaya kong araw? Totoo bang magkaka-anak na ako? O baka pinakita lang sa akin na talagang buntis si Mama at hindi ang tatay ko ang siyang ama. Kaya nga palagi na lang sila nag-aaway dahil nga sa usap-usapan na nabuntis si Mama ng ibang lalaki.
Papa God, gusto ko rin pong maging masaya kaming boung pamilya. O kung sa tingin niyo pagiging selfish yun, nanatili parin akong nagpapasalamat sa inyo dahil binigyan mo ako ng pagkakataon na magkaroon ng kaligayahan. At si Julius An yun.
Ramdam ko sa aking katawan ang bakas ng gabing pinagsaluhan namin ni Julius. Hindi niya ako binigo sa expectation ko at lalo pa niyang hinigitan. Namumula ang aking pisngi na harapin siya. Sinasabayan ako ng alon at huni ng ibong dagat ang tibok ng puso ko. Talagang mahal ko siya.
Ipinatong ko ang aking kamay sa kamay na nakayakap sa aking bewang. Ang kinis at napakamaskulado ng kamay niya. Ang laki kesa sa aking kamay. Heto ang kamay na yumapos sa akin boung magdamag. Ang kamay din ng lalaking aalayan ko ng aking boung buhay at pagmamahal. Magkakaroon kami ng sarili naming magandang pamilya, ayun na nga sa mga pangako niyang binitiwan sa akin. Sabi niya kasi kapag isinuko ko sa kanya ang aking sarili, agad niyang aayusin ang pagpapakasal naming dalawa. At nanabik na nga akong makita siya sa harapan ng altar. Napaka-swerte ko.
Napaharap na ako sa aking katabi. Madilim pa ang boung paligid. Isiniksik ko ang aking sarili sa kanya. Ang bango niya… Napahaplos ako sa d****b niya… Napangiti ako sa aking sarili dahil napaka-swerte ko. Talagang biniyayaan ako ni Papa God ng isang ganitong klaseng lalaki.
Aksidente akong napakapa sa kanyang d****b. Ang abs niya… Parang diamante ang nahanap ko. Hindi ako makapaniwala na may ganito siyang pangangatawan, plus halos dinala nga niya ako sa langit kagabi. Sa likod pala ng uniforme niya, heto ang tinatago niya. At akin lang ito…
Biglang gumalaw si Julius. Nagising ko ba siya? Pero agad niyang hinalikan ang aking ulo matapos nga lalo niya akong isiksik sa tabi niya. Sa nararamdaman ko ngayon, pakiramdam ko tuloy parang nanaginip ako. Kahit nga may nangyari na sa aming dalawa kagabi… nanatili paring umiinit ang pisngi ko sa kanya. Parang mababaliw na ako sa isinusukli niya sa akin. Worth it naman talaga ang lahat ng pinagpaguran ko. Yung pera kong ginasta dito… sobra pa nga sa inaasahan ko ang aking natangap.
“Maaga kang nagising Sasa.” Habang patuloy niyang sinusuklay ng kanyang daliri ang aking buhok. “Matulog ka pa, andito lang ako. Alam ko na napagod ka ng husto kagabi.”
“Hindi naman sa puyat pa ako Julius at napagod ako kagabi, Julius. Kundi sobra akong nag-enjoy at nagustuhan yung…” Nang biglang na-realized ko na may mali. Ang matikas na tono ng boses niya… at ang pangalan na binangit nito. “Teka lang. Sino si Sasa?”
“At sino si Julius?” Balik niya sa akin na natigilan siya sa pagsusuklay ng daliri niya sa buhok ko. Nagkaroon ng katahimikan sa pagitan namin.
“Julius?”
“Sasa?” At sabay pa kaming dalawa napatanong sa isa’t-isa hangang sa pareho kaming napabangon upo.
Diyos ko po. Nanaginip pa ba ako?! Wag naman sanang… ibang tao ang katabi ko!
Hangang sa umilaw nga ang boung silid at halos hindi ako makapagsalita kung sinong anghel ang nasa harapan ko ngayon.
“Si-sino ka?!” Hinila ko ang kumot at napasiksik nga sa dulo ng higaan. Biglang nanlisik ang kanyang mga mata ng makita rin niya ako. Napa-iling siya at ipinikit ang kanyang mga mata habang napahilot ng kanyang leeg.
“Bulsh*t!” Ang lakas ng boses niya. Parang isang kulog.
Muli niyang binuksan ang kanyang mga mata. Mala-anghel ang mukha niya at ang pangangatawan nito parang yung rebolto na inukit sa Rome. Pero hindi talaga maganda ang nangyayari ngayon. Ang kasama ko… At may nangyari sa amin kagabi… Kuniha niya yung regalo ko na sana para kay Julius. Kung hindi ko siya kilala… Ibig lang sabihin din, di rin niya ako kilala. Anong ibig sabihin nito?!
Ngumisi sa akin ang lalaki. Hindi rin niya gusto ang nangyari. Hangang sa bumangon na siya at hihilahin pa sana nito ang kumot sa akin, na hindi talaga ako sa kanya nagpatalo. Bigla ko pa itong sinipa sa di dapat. Kaya ayun namimilipit siya sa tabi at….
“Sorry! Ayos ka lang? Sorry talaga. He-heto na yung kumot.” Dahil exposed na exposed ang h***d niyang katawan sa paningin ko.
“No!” Dahil ako ang mawawalan ng panabon. “Are you idiot?!”
Sa tanga naman talaga ako. “Don’t look at me.” Kaya pinikit ko ang aking mga mata kahit nga nakatalikod na nga lang ako sa kanya.
Saka ko naalala kagabi… kung bakit ito nangyari… Nagkalat kasi sa sahig ang mga damit namin.
Namalayan ko na lang nakabihis na ang lalaking kumuha ng hindi dapat sa kanya. Pareho pang napadako ang paningin namin sa bedsheet kung saan naroon ang bakas ng pagkadalaga ko. Lalo kong niyakap ang kumot. Napa-iling ang lalaki. May kinuha ito sa bulsa niya… isang checkbook.
“I will give you five million dollars to keep silent about this night.”
(Zayruz POV)
Damn. Another cheap girl.
Paano siya nakapasok sa silid na’to? At bakit parang innosente siya sa ginawa niya. Clueless ang mukha at lalo na ang kanyang mga mata. F*ck. Wag niya akong inaartehan ng ganito. Syempre, sinadya niyang umakyat sa higaan ko para sa pera. Kagagawan ba ito ni Michael?! Dahil impossibleng may makapasok sa silid ng hindi dadaan sa mga tauhan ko.
Makakatikim ka ngayon sa akin Michael. Alam mo namang hindi naging matagumpay ang dapat na masayang okasyon kagabi. Alam ko rin na sinadya mo akong lasingin. Sa ngayon matagumpay mong sinunod ang kagustuhan ni Grandma na may ma-ikama ako. Bwisit!
Naiinis ako.
Tignan mo kung ano pang klaseng babae ang nilagay mo sa kama ko, Michael! Parang ang tanga! Kaya sinimulan ko ng pulutin ang makuha ko mang damit. Sa aking isipan habang nagbibihis ako sumisingit ang nangyari kagabi sa aming dalawa ng tangang babaeng to. At bakit parang nararamdaman ko kailangan kong makonsensya sa aking ginawa? Nagustuhan ako ang nangyari sa amin.
Pero hindi… Hindi dapat. Siguro akala ko talaga nang gabing yun, siya si Sasa. Ang gigil kong ibinigay sa kanya… Ang nangyari sa amin… Ang matamis naming halikan… *Fuck! I thought it was Sasa. My fiancée! Kaya nga nagawa ko yun.
Nang makapagbihis ako, hinarap ko ulit siya. Lutang ang isipan niya. Alam ko masakit ang katawan niya… Lalo na… She is a petit woman. Nasaktan ko siya ng husto sa nangyari sa aming dalawa. Lasing lang ako kung bakit di nagawang maalala ang katawan ni Sasa… Ang amoy niya… at… *Fuck! Bakit kasi binigo ulit ako ni Sasa na pumunta sa wedding proposal ko sana sa kanya, sa ikatlong pagkakataon?
Nang biglang makita ko sa higaan namin ang bakas ng… Ibig ba sabihin nito, kinuha ko ang pagka-birhen niya?
…dugo.
Napangisi ako. She is not a common whore. Magaling Michael. Kaya ba nakokonsensya ako bigla. Since nagustuhan ko naman ang ginawa niya kagabi… Yung performance niya… Plus her virginity. Siguro sapat na ang limang milyong dolyar para manahimik ang konsensya ko. Higit sa lahat, ang babaeg to.
“I will give you five million dollars to keep silent about this night.”
Alam ko namang tatangapin niya ang perang to. Para sa mga kagaya niyang kalapating mababa ang lipad, napakalaki na ng perang to.
@DeathWish
(Angie POV) Dalawang taon na kaming magka-relasyon ni Julius. Nakilala ko siya sa unibersidad namin. Talaga namang tagahanga niya ako. Matalino, isang atleta at siya pa ang Student President sa campus namin. Maraming nagkakagusto sa kanya at hindi lang ako. Pero sa dami ng babaeng magkandarapa sa kanya, ako yung maswerteng pinili niya. Di ko alam kung ano ang nakita niya sa akin. Mas magaganda naman yung mga babaeng naghahabol sa kanya kesa sa akin. Pero ako talaga ang pinili niya. Biyaya na sa tingin ko pinagtadhana nga talaga kaming dalawa. Naniniwala ako sa tadhana. Napakabait niya sa akin. Nasa probinsya ang kanyang mga magulang habang siya naman nangungupahan at naghihintay ng result ng board exam niya. Parang tanga man pakingan, ngunit ako ang nagbabayad ng upa niya. Minsan pinag-gogrocery ko pa siya at lahat ng maibigan niyang bagay na nais niyang bibilhin, sinusupresa ko siyang mabili ko ito. Bakit ko ito ginagawa? Kasi yung s
(Angie POV) “I will give you five million dollars to keep silent about this night.” Inilapag niya sa mesa ang cheque. Anong ibig niyang sabihin? Tumalikod na siya sa akin para lumabas sa silid. “Teka lang!” Natigilan siya sa paglalakad. Hinihintay ang susunod kong sasabihin ngunit di ko mahanap ang aking boses. Hangang siya na nga itong nagsalita. “Don’t tell me Miss, hindi pa sapat ang perang yan.” Nanginginig ang buo kong katawan. Ang lamig ng boses niya. Sa tingin ba niya isa akong bayarang babae? At biglang tumulo ang luha ko sa aking pisngi. “Nagkakamali ka sa inaakala mo.” At bago pa man siya humarap sa akin, pinunasan ko ang aking pisngi. Malabo ang paningin ko, at medyo nga nahihilo ako. Kailangan ko ang aking salamin, ngunit di ko alam kung saan ko ito hahanapin. “Paano ka nakapasok sa silid ko?” Naitanong ko sa kanya. “Kasama pa ba ito sa mapapanalunan ko na may… Edi sana di na lang ako
Chapter 3: I’m not Slut (Angie POV) Nang magising ako sa katotohanan na, yung binasag ng lalaki… Yun ang regalo ni Mama sa akin ng makapagtapos ako sa kolehiyo. Nataranta akong pulutin ito, at di namalayan na basang-basa na talaga ang pisngi ko ng aking luha. Lahat ng bagay na ibinibigay sa akin ng mga mahal ko, pinapahalagaan ko. Bakit kailangan pa basagin ng lalaking to ang phone ko. Umangat ang paningin ko sa kanya. Siya naman, napapasabunot sa sarili, hangang sa napatitig siya sa akin. Nang biglang kinampihan ng ulan ang aking luha, lalo na… ang hardin na’to wala namang bubong. “Anong ginawa sayo ng phone ko… Bakit mo binasag!?” Nangangalaete kong tanong sa kanya. May nagtangkang payungan siya ng tinulak niya ito palayo sa kanya. Hinayaan niyang mabasa rin ang sarili. “Di naman yan mamahalin para mangalaete ka ng ganyan Miss. Kahit ilang unit ng phone at kahit yung mamahalin pa, kayang-kaya ko ibigay sayo!” “Nagkak
Chapter 3 (2) I’m Not Slut (Angie POV) Ako na ang kusang tumayo. Sa mga mata niya nakita ko ngang biktima rin siya sa nangyari sa aming dalawa. Ngunit talagang sira na ang pagkatao ko. Di ko alam kung paano magsisimula. Natatakot ako… Ngumiti ako sa kanya, at umiling dito. “Ayokong may manakit sa kanila.” “Talaga bang ganyan ka ka-martyr? Nakakasama yan. Lalo na kapag napaka-bait mo, na halos pinagka-itan mo na ang sarili mo. Tao lang tayo, hindi ka diyos para di makagawa ng pagkakamali sa minamahal natin. Minsan nga, yang pagkakamali, yan pa ang nakakatulong sa kanila para mas lalo ka nilang mahalin. May karapatan kang magalit. May karapatan kang gumanti… ako na ang magsasabi niyan sayo.” Umiling parin ako. Napabuntong-hininga ang stranghero. “Kung ganyan ka lang naman, bakit di ka na lang pumasok sa kumbento. Ahahaha. Kahit nga doon, may mga nangyayaring ganyan. Walang perpektong tao sa mundo at kapag pinilit mo yan, kawawa
Chapter 3 (3) I’m Not Slut (Angie POV) “Talo ka na Pre.” Si Julius. “Oo. Malaki ang chansa naming panalo kami. Ninety-nine percent kami ang panalo.” Segundo ni Trisha. “Bakit di ka na lang sumang ayon na malas ang babaing yan!” Biglang tumawa ang katabi ko. Ang mga tao sa paligid namin, nakatitig na rin sa akin. Sobra akong nahihiya. “My dear open it.” Ulit niyang utos sa akin. Kinakabahan man ako, pero kailangan ko nang ipakita sa kanila… Napapikit ako… Muling tinanong sa nakakataas kung talaga bang deserve ko na mapahiya ng ganito. Na talaga bang ang malas-malas ko. Sana naman ang kamalasan ko hindi ko nahawaan ang kasama kong stranghero na gusto lang naman niyang bigyan ako ng hustisya. Yung kagustuhan niya, ay sapat na sakin, pero sana hindi na niya ito ginawa. “Trust me.” Napatitig ako sa kanya… at napatango ako. Nang binuksan ko… napahiyaw ang dalawa sa tuwa… at napatitig ako sa kanila… Panalo ba silang dalawa? P
Chapter 3 (4) I’m Not Slut (Angie POV) Hinatid ako ng driver sa aking nirerentahang apartment na mas mura nga kesa sa apartment na kinuha ni Julius. Mas minahal ko nga siya kesa sa sarili ko. “Angie!” Biglang bungad sa akin ng custodian. “Pumunta dito ang Papa mo. Hinahanap ka.” “Po? Bakit po?” “Walang sinabi pero galit na galit. Siguro dahil sa nagkalat na sex scandal kaninang umaga. Hindi ka yun diba? Medyo kasi malabo na ang paningin ko. Alam ko naman na hindi mo yun magagawa. At sabi mo may seminar lang kayo, kaya di talaga ako naniwala na ikaw yun. Sinabi ko sa Papa mo na umattend ka ng seminar, hindi naniwala. Kaya sinabi niyang umuwi ka daw sa inyo. Lasing na lasing ang papa mo nang pumunta dito.” Bigla akong natigilan. Napasugod si Papa dahil sa… Kaya pumara ulit ako ng taxi, at kailangan ko umuwi para nga linawin sa kanila na… Yun ang totoo, naaksidente ako. Ako pa naman ang panganay na babae at baka m
Chapter 4 The CEO is Coming (Angie POV) “Angie, siguraduhin mong ma-encode lahat ng kailangan sa meeting bukas. Pati yung sasabihin ni Manager Peng.” Napatango ako sa katrabaho ko na pinatungan nga ulit ang tambak na folder sa mesa ko. Saka ang monitor ko… puno na ng sticky notes. Di pa sapat ang monitor, pati yung dingding ng dingding na humahati sa katabi ko. Halos di parin nagbago nga ang ikot sa opisina at lalong lumala. “Angie, di pumasok yung janitress, maari mo bang linisin muna yung restroom?” Medyo di maganda ang gising ng supervisor namin at di ko naman maaring tangihan. “Sige po.” Kaya binitiwan ko muna ang ginagawa ko at pumunta na nga sa restroom. Habang kinukuha ko yung panlinis sa may pinakadulo ng restroom, at may dalawa ngang babae na abala sa harapan ng salamin. “Siya ba ang maglilinis? Kawawa naman.” Ani ng isang babae. “Sus. Wag ka dyan maawa. Nararapat lang yan sa kanya. Malandi yan. Alam m
Chapter 5 The Unexpected Pregnancy(Sayruz POV)Bumukas ang elevator at tumampad kaagad sa paningin ko ang babaeng napakaraming dala. May dumaang mga lalaki sa kanya, at mga bastos, ni isa wala man lang tumulong sa kanya. Anong klase silang mga lalaki. Bwisit.Nang kukunin ko sana ang pansin ng mga bastos ng biglang nawala sa balanse ang dala ng babae dahilan upang sinalo ko siya bago pa man ito bumagsak sa sahig. Ngunit di ko inaasahan na ang mukha niya… pamilyar sa akin. At di ko rin inaasahan na muling magku-cross ang landas namin. Sa katunayan nga… di ako pupunta dito, kung di lang dahil sa pangungulit nga ng matanda. At kung may anong enerheyang humihila rin sa mga paa ko.Pero ang di ko maintindihan… Kung bakit ng makita ko mukha ng babaing ‘to… ay parang napawi ang uhaw ko sa loob nitong nakaraan na buwan. Natatawa ako sa sarili ko. Ngunit ang babaing ‘to ngayon… wala ngang ma