Share

TAYO NA LANG ULIT 13

Nakangiti si Nanay habang tinitingnan isa-isa ang mga pasalubong sa akin ni Sir Angus. Matagal bago niya sinatinig ang alam kong kanina pa niya gustong sabihin.

"Nobyo mo ba si Angus?" tanong niya na kinalaglag ng aking panga. Nobyo?

"'Nay, hindi po."

Kumunot ang kaniyang noo at ilang sandali na nanahimik bago muling nagtanong.

"Nanliligaw?"

"Hindi din po, 'Nay."

Wala namang sinasabi si Sir Angus sa akin at lalong hindi ko naiisip ang bagay na iyon.

"Bakit pala siya nagpunta dito sa probinsya kung ganoon?"

Nagkamot ako ng ulo dahil hindi ko din alam ang sagot sa tanong ni Nanay. Wala namang sinabi si Sir Angus. Marahil naaawa siya sa akin kaya niya ako binilhan nitong mga bagay na 'to.

"Naglilihim ka ba kay Nanay?"

"'Nay, hindi po." Hindi ba kapani-paniwala ang sagot ko? Eh, iyon naman ang katotohanan.

"Hindi ko nga po siya ka-text, e. Wala akong ka-text kahit na isa sa kanila. Kagabi lang nag-text si Sir sa akin..."

Nakagat ko ang aking dila at hindi na nais pang ituloy ang ak
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status