Share

TAYO NA LANG ULIT 14

May sasabihin ako, ito ang sinabi ni Angus sa akin kagabi pero bigla na lang naputol ang tawag. January two na ngayon. Bagong taon at bagong pag-asa. Hindi pa din umuuwi si Tiyong at sana ay huwag na talaga siyang umuwi pa.

Pagkatapos magtinda ng kakanin, nagsimba na muna ako. May pagkain naman na si Nanay sa bahay at napaliguan ko na ang kapatid ko kanina bago ako nagtinda.

Tahimik akong nagdasal. Iniyak ko sa Kaniya ang lahat ng frustrations ko. Sinabi ko sa Kaniya ang ninanais ng aking puso.

Alas-dose na ng lumabas ako ng simbahan. At saktong pagsakay ko ng jeep ay nakatanggap ako ng text galing kay Angus.

Tinatanong kung nasaan ako.

Para na naman akong nabuhayan dahil sa text niyang iyon. Pakiramdam ko ay uuwi siya ulit dito sa probinsya!

Nagpababa ako sa mansyon. Hindi ko din alam kung bakit dito ako bumaba.

Nilabas ko ang aking celphone. Ngayon pa lang ako nag-reply kay Angus.

"Nandito ako sa labas ng mansyon." Hindi ko alam pero umaasa talaga ako na nandito siya ngayon.
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP
Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
Deth Rosario
ang gnda nkinikilig ako
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status