Kabanata 20
"RENCE, this is letter A. Ang basa sa english ay ‘ey’ tapos sa Tagalog naman, ‘ah’. Naiintindihan mo ba si Mama?"
Namimilog ang mga mata ni Rence habang nakatitig kay Ann. Pagkatapos ay binalik nito ang tingin sa librong hawak ni Ann bago ito kumamot sa ulo.
"Ah po tsaka ey, Mama? Tama ba si Rence?" tanong nito. Tumango si Ann at pinalakpak ang mga kamay. Malawak na ngumiti rin si Rence at gumaya kay Ann para pumalakpak. Hindi nakatiis, hinalikan ni Ann ang bata at niyakap-yakap.
"Ang galing-galing naman ng Rence namin!"
Rence giggled and kissed Ann, too. "Talaga, galing ako, Mama?"
"Oo. Magaling si Rence. Tingnan mo, nabasa mo kaagad itong tinuturo ni Mama. Yey! Aral pa tayo uli, ha? Para kapag papasok ka sa school, hindi na mahihirapan si Teacher mo na turuan ka. After natin magbasa, sleep ka muna then later, susulat ka naman n
NAKAHANDA na ang mga gamit ni Rence para sa pagpasok nito sa school. Dahil nakapili na sila ng preschool na malapit lang sa kanila pero at the same time, maganda ang feedback ng mga magulang ng mga nag-aaral doon, Ann and Clayton decided to enroll Rence there. Rence was ecstatic to know that he’s finally going to school. Kinagabihan bago ang unang pasok nito sa school, paulit-ulit na chine-check ang mga gamit nito sa school. Hindi pa nakuntento si Rence, nakasukbit sa likod nito ang Iron Man themed bagpack at panay ang lakad sa buong sala. Ang gusto pa ng bata, isama hanggang sa kama ang bag. Baka raw kasi paggising nito kinabukasan, wala na ang gamit nito. Nailing na lang ni Ann ang ulo. "Rence, sa baba na lang ng kama mo ilagay iyong bag mo, ha? Bawal mo siyang itabi sa ’yo at yakapin. Hindi naman mawawala ang bag mo. Walang kukuha n’yan, ha? Baka malukot iyong coloring book at drawing book mo
Kabanata 21 "CLAYTON, hindi ka ba talaga titigil sa kakainom mo? Baka hinahanap ka na ng mag-ina mo. Hoy, tama na ang inom," ani Aaron. Pinilit nitong abutin ang shot glass na hawak ni Clayton noong iiwas niya iyon. Imbes na tumigil ay naglagay pa uli si Clayton ng alak sa baso at inisang tungga iyon. "Dude, ano bang nangyayari sa ’yo? Para kang walang pamilya kung umakto ngayon, ha? Baka hinihintay ka ni Ann at Rence. Umuwi na tayo. Ihahatid na kita." Sinubukan siyang itayo ni Aaron ngunit tinabig niya ang mga kamay nito. Nagulat ang kaibigan sa ginawa ni Clayton at napaurong pa ito. "Clayton! P’re, ano ba?" malakas nitong tanong. Sandaling sinulyapan ni Clayton si Aaron at sinamaan ito ng tingin. "Huwag mo akong p
NOONG MAKITA ni Ann kung sino ang nasa kanyang harapan, mabilis niyang itinago si Rence sa likuran niya at diretsong tumingin kay Sheena na nakangisi sa kanya ngayon. "Anong ginagawa mo rito?" Hindi man kalakasan ang boses ni Ann, dama roon ang kalakip na galit at inis dahil nakikita niya ang babae ng asawa niya. Mas lalong lumawak ang pagkakangiting tagumpay ni Sheena at sinulyapan pa ang likuran ni Ann, iyong tipong gusto nitong makita si Rence. "Gusto ko lang ipakilala ang sarili ko magiging stepson ko. Kailangan niya ring malaman na may kapatid na siya. Hindi ba, Rence?" Naramdaman ni Ann mula sa likod ang pagpulupot ng maliliit na braso ni Rence sa beywang niya. Mahigpit ang pagkakayakap nito at dama rin ni Ann ang panginginig ng bata. Hinawakan din ni Ann pabalik ang kamay ni Rence at hinaplos-haplos iyon. "Shhh, Rence. Mama is here. Cover your ears, anak." Inalis nga ni Rence ang mga braso sa kanya at tinakpan nit
Kabanata 22 RAMDAM ni Clayton ang kanina pang panay na tingin ni Rence sa kanya. Palihim niyang sinilip ang bata at nasa may pinto ito, nakatago ang katawan at ang maliit na parte lang ng mukha ang nakikita niya. Halatang pinagmamasdan siya nito kaya bumuntonghininga si Clayton at tinaas ang tingin. Doon naman mabilis na nagtago si Rence. When he saw what Rence did, he let out a breath again. Nandito siya ngayon sa study room at nagbabasa ng mga previous report noong nakaraang taon at ikokompara iyon sa report ngayong taon na ito noong mapansin niyang sinisilip siya ng bata. Hindi niya malaman kung ano ang ginagawa ni Rence ngunit hindi niya ito pinansin. Dahil kung papansinin niya ito, wala siyang matatapos. Iniling ni Clayton ang ulo at binalik ang atensyon sa binabasa. Nagsulat siya ng note sa dulo nang
NAKATULALA pa rin si Ann kay Clayton na nakadikit ang mga labi sa kanya. Halos maduling siya sa pagtitig dito at ilang segundo pa ang lumipas bago bumalik sa huwisyo at maitulak si Clayton. "I-Ikaw!" akusa niya rito na nanlalaki ang mga mata. "Let me explain first, okay?" Alanganing ngumiti sa kanya si Clayton at bago pa siya makatanggi, kinuha nito mula sa bisig niya si Rence. Sumama naman si Rence sa ama nito bago nagpapapalit-palit ang tingin sa kanilang dalawa. "Mama? Dada?" Sinapo ni Clayton ang likod ng ulo ni Rence at pinatong iyon sa balikat nito tsaka siya nito sinulyapan. "Ann, I think you just misunderstood something. Please, let’s talk about this inside the car." Sinamaan niya pa rin ng tingin si Clayton at nanatili lang itong nakangiting
Kabanata 23 KANINA PA PINAGMAMASDAN ni Ann ang mga niluto niyang pagkain. Panay ang tingin niya sa pinto at sinisilip kung dumating na ba ang sasakyan ni Clayton ngunit katulad ng kanina, wala pa rin ito. Napabuntonghininga siya at saka sinulyapan si Rence na nakapangalumbaba na pinagmamasdan ni ang spaghetti na nasa harapan nito. "Wala pa Dada, Mama?" Mahinang iniling ni Ann ang ulo. "Wala pa ang Dada, Rence, e. Kain ka na muna, ’nak? Kanina mo pa tinitingnan ’yang pagkain mo, o. Lalamig na ’yan." Rence picked up his fork and tried to scoop a little. But he put it down without eating the spaghetti. He pouted his lips and scratched his head. "Gusto ko wait Dada, Mama. Konti na lang?" pakiusap nito. Dahil gusto pang maghintay ni Rence kay Clayton, tumango na lang si Ann. Kinuha niya rin ang cellphone at sinubukang tawagan si Clayton nguni
CLAYTON was having a little rest before he’s going to settle the documents he’s done reading when the door of his office suddenly opened and Aaron strode inside. Tumingin siya sa kaibigan na hindi maipinta ang mukha habang nakatitig sa kanya. Nagtataka si Clayton sa inaakto ni Aaron kaya nagtanong na siya. "What? Do you have a problem?" "You fired your secretary?" Hindi niya alam kung ano ang konekta ng madilim nitong ekspresyong pinapakita sa naging tanong ngunit tumango si Clayton. "Yes." "Are you really playing with Ann? Gusto mong paniwalain na pinutol mo na ang koneksyon mo sa secretary mo pero tutuloy mo pa rin?" Mas lalong hindi naintindihan ni Clayton ang gustong iparating ni Aaron. Kahit Tagalog ang sinasabi nito pakiramdam niya, nagsasalita ng ibang lenggwahe ang kaibigan. "...Are you fúcking with me? I don’t understand you, dude." Pabuntonghininga na umupo si Aaron sa may sofa na nakapwesto sa
Kabanata 24 LAMAN pa rin ng isip ni Ann ang naamoy na pabango sa coat ni Clayton. Dahil doon, lutang si Ann at hindi alam kung paano tatanungin ang asawa. Sinuri naman niya ang mga kilos ni Clayton ngunit wala namang kakaiba sa lalaki kundi ang malamig nitong pakikitungo sa kanya. Napahinga si Ann nang malalim. Siguro ay masyado lang siyang overthinker kaya ito ang nasa isip niya. Ayaw niyang kung anu-ano ang iisipin kaya para maalis ang nasa isip, tinuruan niya ang anak na magbasa at magsulat. Nilibang niya rin ang sarili sa pag-aaral noong tulog si Rence. Hindi man siya nakabalik sa pag-aaral, ayaw niyang mabura ang mga nalalaman. Iniisip niya kasi na kapag malaki-laki na si Rence, babalik siya sa pag-aaral. Gusto niyang makatapos. Iyong bagay na hindi niya nagawa dahil nabuntis siya nang maaga.