Share

Kabanata 20.2 (Present)

NAKAHANDA na ang mga gamit ni Rence para sa pagpasok nito sa school. Dahil nakapili na sila ng preschool na malapit lang sa kanila pero at the same time, maganda ang feedback ng mga magulang ng mga nag-aaral doon, Ann and Clayton decided to enroll Rence there. 

Rence was ecstatic to know that he’s finally going to school. Kinagabihan bago ang unang pasok nito sa school, paulit-ulit na chine-check ang mga gamit nito sa school. Hindi pa nakuntento si Rence, nakasukbit sa likod nito ang Iron Man themed bagpack at panay ang lakad sa buong sala. Ang gusto pa ng bata, isama hanggang sa kama ang bag. Baka raw kasi paggising nito kinabukasan, wala na ang gamit nito. 

Nailing na lang ni Ann ang ulo. "Rence, sa baba na lang ng kama mo ilagay iyong bag mo, ha? Bawal mo siyang itabi sa ’yo at yakapin. Hindi naman mawawala ang bag mo. Walang kukuha n’yan, ha? Baka malukot iyong coloring book at drawing book mo

Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status