Sa sofa sa loob ng silid niya natulog si Benedict na hindi niya tinutulan dahil gusto nitong masiguro ang kaligtasan niya. Maaga rin siyang gumising kinabukasan dahil sa pag-iisip niya sa kalagayan ng Papa niya. Muli siyang inaatake ng anxiety at mas nahihirapan siyang huminga ngayon. Pinilit niyang ignorahin ang masamang pakiramdam dahil gusto niyang mailigtas na ang ama mula sa kamay ni Octavio. Alas siyete ay tinawagan niya ang abogado ng ama sa Camarines na dalhin sa kanya ang titulo ng Rancho at ang kasulatan na ipinagkakaloob niya iyon sa tiyuhin. Nakausap niya na ito noong isang araw pa at nangako itong darating ngayong araw dala ang mga kailangan niya.
Ba
Kumatok ang isang tauhan at ipinakita ang isang papel na humihingi ng pahintulot na i-search ang buong lugar para mahanap siya. “Sabihin mong sa gubat maghanap, iligaw mo ang mga iyan,” utos nito sa tauhan. Muli siyang sumigaw pero bago pa siya muling saktan ni Octavio ay agad na naiharang na ama ang katawan sa pagkabigla niya. Ito ang itinulak ni Octavio sa dingding at muling tututukan ng baril. Pero singbilis ng pagtutok ng baril niya sa ama ay singbilis ding itinutok ng isang tauhan ang baril kay Octavio na ikinagulat nito. Ang isa pang tauhan ay sa isang tauhan din itinutok ang baril. Kinuha nito ang radyo sa bulsa at may kinausap na sa tingin niya’y isang pulis na nasa labas.
“At pumayag kayo sa lahat ng iyon?!” mabilis pa nitong wika. “That’s why Anikka married you in a hurry bago pa siya umuwi ng Rancho. Hawak ni Octavio si Agusto at ang kundisyon isa sa kundisyon nito, bukod sa ilipat sa kanyang pangalan ang titulo ng Rancho, ay ang ikasal si Anikka kay Benedict para layuan ni Ana ang lalaking iyon.”“Pero kasama ng Benedict ngayon ang asawa ko ngayon!”“Walang gagawin si Benedict sa asawa mo, Jayzee. Napapalibutan sila ng mga bodyguards na ipinadala ko para siguraduhin ang kaligtasan ng asawa mo. We can go now to check on them. Nasa ospital si Anikka dahil nawalan ng
“Jayzee!” tawag ng ama sa kanya. Hindi niya ito pinansin at tuloy-tuloy lang na lumabas ng ospital. Bumalik ang ama sa loob at siya ay sa waiting area ng emergency naghintay. Galit na galit siya sa nakita. Naiintindihan niya kung bakit kailangang bumalik si Anikka sa Camarines Norte. Pero ang makasama at makasal sa Benedict na ‘yon ang hindi niya matanggap kahit pa isang huwad na kasalan lang iyon. “Anikka loss her consciousness,” narinig niyang wika ng ama na papalapit sa kanya. Gusto niyang puntahan si Anikka pero puno ng galit ang dibdib niya.“Nandoon naman si
Pauwi na mula sa club si Jayzee nang mapansin ang isang pamilyar na mukha na kapapasok lang sa club. Inikot nito ang mga mata bago nagtungo sa bar counter at umorder sa bartender ng inumin. Sandali niya itong pinagmasdan; like Anikka, she also has a pretty face and slender body. Dark brown din ang buhok nito na mapapansin mo lang kapag tinatamaan ng ilaw na umiikot sa ceiling. Pero kung titignan mo ito’y laging nakataas ang noo while Anikka was always shy and fearful.Lumakad siya patungo sa dereksyon nito at umupo sa katabing bar stool. “What are you doing here?” tanong niya na ikinagulat ng babae. “To drink,” tip
“Ana…” Tumayo mula sa hospital bed si Agusto at agad niyakap ang anak-anakan. Nanatili lang si Ana sa wheelchair habang pinupunasan ang mga luha. Lumapit siya kaagad at ipinaalala ang sinabi ng doktor.“Baka makakasama sa’yo ang labis na pag-iyak. Don’t forget what the doctor told you.”“Anong nangyari sa’yo?” nagtatakang wika naman ni Agusto nang humiwalay sa pagkakayakap kay Ana.“I’m pregnant, Pa,” mahina nitong sagot. “Sino ang ama?”Hindi na sumagot si Ana sa tanong na iyon. “Kumusta kayo?
Alas nueve na ay hindi pa rin umuuwi si Jayzee. Binuksan niya an dating teleponong gamit at tinawagan ito. Sumagot naman ito pero narinig niya ang ingay sa background at may babae itong kausap. Nasa Zenclub ang asawa. Kung sino ang kasama nito doon ay wala siyang ideya. Must be Cindy, or Lolly o kung sino pa man. At nagsabi itong hindi uuwi dahil pinapatulog nito si Ana sa tabi niya.She was lost for a moment. Ipinikit niya ang mata para pigilan ang paglandas ng mga luha. Lumabas si Ana mula sa silid at inabutan siya sa ganoong ayos.“Diyan na lang ako matutulog sa sofa, komportable din naman d
Nakatitig pa siya sa kawalan nang biglang pumasok si Ethan at Marga sa opisina niya. Hindi pa niya gustong harapin ang dalawa pero wala ng panahon para umiwas. “Birthday bukas ni Elize at gaganapin ang salo-salo bukas ng gabi. Bring your wife and her sister dahil nasa poder mo daw siya sabi ni Dad,” wika ng kapatid. Napamura naman siya ng lihim dahil kapag mga ganoong okasyon ay hindi siya puwedeng gumawa ng dahilan para hindi pumunta. Sabado rin bukas kaya wala siyang maidadahilan. Hindi rin niya gustong malaman ng ama na hindi pa sila nagkakaayos ni Anikka dahil alam niyang makikialam ito.
Nagising si Anikka na madilim ang buong paligid. Kahit paano’y gumaan ang pakiramdam niya. Lumabas siya ng silid pero wala doon si Ana. Naisip niyang baka nag-grocery ito tulad ng suhestiyon nito kaninang umaga pero dahil gusto niyang matulog ay uminom siya ng sleeping pill na binili niya kanina sa botika.Hindi sana niya iinumin ang tabletang iyon. Sa katunayan ay tinapon niya ang una niyang binuksan. Pinagbawalan na siya ng Nanay Lucila niya dati ang ganoong tableta dahil may side effects daw. Noong high school siya kung kailan madalas siyang hindi makatulog ay palihim siyang umiinom niyon, pero nalaman din kalaunan