Ang totoo ay alam na ni Chardon na si Rosalie ang nag-dala ng poison sumac kay marigold. Nang bumalik siya sa kumpanya kagabi kasama si Mr. Javier ay nagsiyasat siya sa opisina ng dalaga. Nang nagawi siya sa mesa nito ay nakakita siya ng kaunting pulbos na para na rin'g alikabok doon. Mabuti na nga lang at hindi iyon agad hinawakan ni Chardon. Sa halip ay nagtaka ito at binalingan si Mr. Javier. Nagtanong ito kung meron bang nagliliinis ng opisina ng nobya at bakit ganun karumi.Sinabi ni Mr. Javier na pang-gabi ang taga-linis nila. Kapag nakauwi na ang mga nasa opisina ay saka ito pumapasok para magtrabaho, para hindi nito ma-abala ang mga empleyado. Doon nagkaroon ng hinala si chardon. May nagliliinis naman pala ngunit, bakit marumi ang lamesa? Nakaligtaan kaya ito ng naglilinis?Saka naisip ng binata ang babaeng nagdala ng mga files kay marigold. Tumingin siya sa mesa at na-imagine ang mga files na nakapatong doon.Ipinakuha n'ya ang nasabing files kay Mr. Javier sa kany
"Are you really not going to stand up?"Lalong humigpit ang pagkakahawak ni Sofia Kay Chardon. "No! I know you need me. You need woman." Isinandig niya ang ulo sa dibdib ng binata habang ikinikiskis ang kanyang katawan dito.Sa kabila ng ginagawa ng babae ay tila wala itong epekto kay chardon, lalo lang itong nasuya. "Fine...." At walang sabi-sabing tumayo bigla ang binata.Hindi iyon inaasahan ni Sofia at kahit naka-hawak ito nang mahigpit ay nahulog pa rin ito. Pagkalaglag sa sahig ay hindi lang ang matambok na puwit nito ang nasaktan, damay maging ang kanyang balakang.Pagtayo ay hindi nilingon ni chardon si Sofia. Dumiretso ito sa kinaroroonan ng banyo.Tatayo sana si Sofia para sundan ang binata, sa pagbabakasakaling baka doon niya maisagawa ang kanyang plano. Ngunit napa-ngiwi ito at hindi na nakatayo habang sapu-sapo ang balakang.Nang maka-alis si Chardon ay lumapit si lalaine na naka-kubli lang sa di-kalayuan at tinulungan ang pinsan. "Sofie! Ayos ka lang? Anong nangya
Sa isang sulok ng maingay na bar ay mag-isang umiinom ang isang lalaki. Hindi nito alintana ang maingay na tugtugan at ang paglapit ng ilang babae para magpakilala dito. Tila may sarili itong mundo.Nakayuko ito, tanda na may tamà na ito ng alak. Maya-maya ay nag-angat ito ng ulo. Dinampot nito ang isang bote at tutungga sana, nang malaman'g wala na palang laman iyon.Tinawag nito ang papadaang waiter at umorder ng beer. Napakamot sa ulo ang waiter pagbalik dahil natu-tulog na ang lalaki. Kinalabit pa niya ito at ginising.Nang magising ay muli na naman itong uminom. Dinampot nito ang isang bote at itinaas iyon. "Con... Congratulations....sa (hik) inyong dalawa..... K-kuya Chard at.....(hik) Marigold....." At tinungga nito ang bote.Pinahid nito ang alak sa gilid ng kanyang labi at sumandal. Maya-maya ay tumayo na ito para umuwi na. Nang papa-alis na ay hinabol ito ng isang waiter at ibinigay ang bills nito. Hindi inalam ng lalaki ang bayarin niya. Dumukot lang ito sa bulsa p
Tuwid na tuwid ang pagkaka-upo ni Mr. Javier habang naka-siksik sa gilid sa loob ng Bentley. Sinisikap nitong mabawasan ang kanyang presensya, at gaputok man ay pinipilit nitong hindi makagawa ng ingay. Kahit nangangati ang kanyang lalamunan at kahit gusto na niyang iubo iyon ay hindi niya magawa. Napapasulyap ito sa amo na may madilim na mukha.Hindi niya nalaman kung ano ang ibinulong ng may-edad na banyagang iyon kanina at nawalan na rin siya ng pagkakataon'g tanungin ang amo na'ng magbago't sumamâ bigla ang mukha nito. "Jonathan...."Halos magitla si Mr. Javier nang biglang tawagin ng amo."Y-y....yes.... sir.""Investigate them...... I know, they are illegal syndicate."Nang makabalik sa kumpanya, pagbaba ni Chardon ng sasakyan ay saka lang naka-hinga nang maluwag si Mr. Javier. Sumunod ito sa amo nang may tatlong metro ang layo.Pagbukas ng pinto ng opisina ay bigla na lamang may humahangos papunta kay chardon. Hindi naman nagdalawang-isip ang binata na saluhin iyon."Surpris
Biglang nagkaroon ng katahimikan. Napayuko si marigold at umalis sa pagka kandong sa nobyo. Tumayo ito. "B-bakit.... Anong dahilan at kailangan mong umalis?"Hindi muna umimik si chardon, ngunit makikitang hindi nito masabi-sabi ang sagot sa katanungan ng nobya. "I'm sorry mari.... But this's highly confidential and no one should know about this–""Kahit ba ako?"Tumango ang binata. "Um, including you..... I'm sorry."Napahimutok sa inis si marigold. "Puro ka I'm sorry, I'm sorry..... Ako naman ito e, hindi naman ako ibang tao. Baka naman puwede kong malaman kung saan pupunta ang boyfriend ko para hindi naman ako mag-alala, 'di ba?"Lumambot ang mga mata ni Chardon sa sinabi ng nobya at sa pag-aangkin nito sa kanya bilang nobyo nito.Tumayo ito't niyakap ang dalaga. "Just trust and believe your boyfriend, okay? I didn't tell you about it because I don't want you to worry.... Okay....." Bumuntong-hininga ang binata. "Because I can't disclose it to you, I'm giving you a clue in
"Mari- ma'm...... here's the proposal from Wanda Group. But, they demanded 63%, because they said, they have the implementation for this project." Ani ng naka-kunot noo'ng si Mr. Javier. Mukhang hindi ito nasisiyahan sa hawak na report. Hanggang ngayon ay parang hindi pa rin ito sana'y sa tawag niya sa 'kin. Kasi naman, sinabi ko naman sa kanyang huwag na 'kong tatawaging ma'm, e. Hindi naman kasi iyon kailangan dahil acting Ceo lang naman ako.Dalawang buwan mahigit na ang nakakalipas buhat nang umalis si Chardon. At hanggang ngayon ay wala pa rin kaming koneksyon at balita sa kanya. Dalawang beses siyang tumawag noon at hindi na naulit iyon. Ang huling tawag niya ay sa villa.Nagulantang ako nu'ng sabihin sa 'kin ni Mr. Javier at Mr. Villaflores na ini-appoint daw ako ni Chardon bilang acting Ceo habang wala pa siya.Tinanggihan ko kaagad iyon, kasama ng inis ko sa kanya dahil sumira siya sa pangako n'ya. Ang pangako niya ay lagi siyang tatawag pero hindi nangyari, tapos y
"Cheers!" "Cheers!" "Cheers!"Sabay-sabay nag-toast ang tatlong foreigner sa isang bar. Napa-aga ang pagbubukas ng bar na ito dahil sa tatlo. Dahil na rin sa ayos ng mga ito kung kaya hindi na tumutol ang manager ng bar nang sabihin sa kanyang mag-bukas na sila."Tu es vraiment fou! Pourquoi avez-vous décidé d'y laisser notre bombe déraillée?""C'est bon. Ce n'est pas important. en plus, c'est mon cadeau pour leur nourriture désagréable."Dahil maaga at hapon pa lang kung kaya't ang tatlong foreigner pa lang ang kustomer.Habang nag-iinuman ay panay naman ang linis ng mga staff. Bagaman mukhang hindi nila alintana ang mga foreigner, ngunit pa-simpleng lumilingon ang mga ito sa tatlo.Nakatayo ang baklang manager malapit sa pinto habang nakamasid. Nilapitan ito ng isang staff."Ma'm Georgia, sino ba'ng mga 'yan? Mukha silang mai-impluwensiyang tao a. Hindi kaya miyembro ng gang ang mga 'yan?""Ewan ko ba. Pero sa asta nila, mas tama sigurong ilarawan na goons ang mga
Maaga pa lang ay nagdudumadali nang pumasok sa kumpanya si Marigold. Pag-akyat sa top floor ay agad nitong tinungo ang opisina ni Mr. Javier. Nagulat ang assistant na noo'y kasalukuyang nagsusuklay ng basa niyang buhok, nang bigla na lang magbukas ang pinto. Sa gulat ay nabitiwan nito ang suklay.Dinampot nito ang suklay at humawak sa kanyang dibdib. "Mar-ma'm..... nakakagulat ka naman! Akala ko kung ano na e. Ano bang meron?" Tanong ni Mr. Javier sa bahagyang humihingal na si marigold."Mr. Javier.... " Lumapit ang dalaga sa mesa. "Magsabi po kayo ng totoo, tumawag na po ba siya sa inyo?"Napamaang si Mr. Javier. "S-sino?""Si chardon! Malakas kasi ang pakiramdam ko na nariyan lang siya sa tabi e. Pero nagtataka lang ako, kung totoo mang nandito na siya, bakit naman hindi siya nagpapakita?"Bumuntong-hininga si Mr. Javier. Nauunawaan nito ang pinagdadaanan ni marigold. "Ma'm, wala pa si sir. kaya sana lang ay magpakatatag ka habang hinihintay ang pagbabalik niya. Alam kong nam