Share

CHAPTER 24 - Excitement And Disappointment

Nang matapos ang trabaho ko ay umakyat ako ng rooftop.

Kumakabog ang dibdib ko sa bawat pag-akyat sa baitang ng hagdan.

Ano kayang kailangan n'ya? Magso-sorry ba ulit s'ya para ipakitang sincere s'ya?

Nang makaakyat na ako ay huminga muna ako nang malalim. Saka ko dahan-dahang binuksan ang pinto.

Pagbukas ko ay bumungad agad sa 'kin ang isang lamesa na mayroon'g kandila at bulaklak.

Teka... dinner date table ito a!

Luminga-linga ako pero hindi ko makita si Mr. Atanante.

Lumakad ako at lumapit sa lamesa.

Maya-maya ay nakarinig ako ng tugtog ng biyolin, agad kong nilingon kung saan nagmumula iyon.

Nagulat ako nang makita si Mr. Atanante na dumarating habang tumutugtog ng biyolin.

Nanlaki ang mga mata ko kasabay ng walang tigil na pagtibok nang mabilis ng puso ko.

Ang guwapo-guwapo niyang tingnan sa suot n'yang black suit habang tumutugtog s'ya na akala mo ay isa siyang professional.

Pinanonood ko lang sya habang hinihintay na matapos ang tinutugtog n'ya.

"Do you like it?" tanong niya mat
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP
Comments (1)
goodnovel comment avatar
Claudia Rico
Kaya pala Hindi nakasagot Kay Marigold SI Chardon kasi busy sa pakiglandian
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status