Share

Chapter 19

Magkakaroon pa pala sila ng engagement party. Ayaw sana niya subalit mapilit ang lolo ni Harvy. Para sa kanya, hindi na naman iyon kailangan.

Nakalabas na kasi ito ng hospital. Medyo malakas na ang pangangatawan nito. Kaya kinausap sila nito ni Harvy.

"Ang target date ay sa sabado." sabi ng lolo ni Harvy.

"Sige po lolo, kayo ang bahala" nakangiting sagot ni Harvy. Akala mo talaga gusto ang ginagawa.

"Imbitahin natin ang mga kaibigan niyo. Kahit isang daang bisita lang." sabi pa ni lolo.

'Lang? ang dami nun' sabi niya sa isip.

"Okay po kay Dahlia yun" sagot ng lalaki.

"Hija?" kinukuha ni lolo ang sagot niya.

"Hmmm okay po lolo, wala pong problema." sagot niya.

"May ipinabili nga pala akong damit para sa inyo. Ipapadala ko na lang sa inyong mga kwarto" nginitian aila ng matanda.

Nagring ang telepono ni Harvy, kaya tumayo ito.

"Excuse po, sasagutin ko lang to" paalam mg lalaki. Lumabas ito ng kwarto.

"Kumusta nan ang apo ko, Dahlia?"

"Lolo, napakatigas ng ulo ni Harvy. Gusto kong putulin
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status