"Wow naman! ang saya saya nila, ang galing!" nilapitan sila nito."Audrey!" awat niya "ayoko ng gulo, please.!""Baby, hindi naman ako manggugulo. Binabati ko lang kayo," maangas na sagot ng babae, "well.. at mukhang nagienjoy ka na, kasama ang mga pangit na yan!""Nasaan ba ang pangit dito?" nagkunwari sina Dahlia na hinahanap ang tinutukoy ng babae, "nangangamoy ampalaya na naman dito.""Baka sila ang tinutukoy ni Audrey na pangit" sabi ni Amihan, "ikaw Malena, may pangit ba dito?""Demonyita meron," sabay nguso nito kay Audrey. Nagkatawanan ang mga kasama niyang babae."Hoy! kilalanin nyo ang binabangga niyo!" banta ng kasama ni Audrey kina Dahlia."Pustahan ulit tayo gusto nyo?" hamon ni Amihan, saka nagbigay ng isang mapaglarong ngiti."Girls, enough, wag nating iruin ang moment natin ng dahil lang sa mga basurang ito. Bye, baby!" hinalikan siya ng babae sa labi.Sinimangutan ni Dahlia ang babae na nagbabay pa sa kanila bago umalis. Napakamot naman siya sa kanyang batok."Let's go
Hindi niya makontak si Harvy. Dalawang oras na siyang naghihitay sa park na tagpuan nila noon. kanina ay marami pa ang mga tao doon, subalit ngayon ay mangilan ngilan na lang ang mga ito. Karamihan sa mga naroroon ay magkakarelasyon. Agaw pansin siya doon, dahil kakaiba ang kanyang ganda at tangkad. "Miss, magkano ang isang oras mo?" tanong ng isang lalaki sa kanya na medyo matanda na. "Tseh!! hindi ako pumapatol sa walang pera." sagot niya. "Kakapanalo ko lang sa sabong, malaki laki din ang napanalunan ko. Ayoko namang umuwi agad sa bahay at makikita ko na naman ang asawa kong laging amoy ulam. Ni ayaw ng mag ayos ng sarili. Kapag nagsisiping nga kami, nakapikit na lang ako at siya na ang natrabaho. Matagal akong labasan.." kwento nito, na kahit hindi siya interesado ay hindi niya maiwasang marinig ang sinasabi ng lalaki. "Hoy, pareng Turing, anong ginagawa mo dyan?" may dalawang lalaki pa ang lumapit sa kanya. "Tinatanong ko kung magkano ang oras nitong magandang babaeng ito eh.
Nagising siya sa mga katok sa pintuan ng kanyang kwarto. Tiningnan niya ang oras.. Alas singko pa lamang ng umaga. Napuyat sila ni Dahlia pag istar gazing kagabi kasama sina Malena at Amihan. Naiinis siyang tinungo ang pinto. Ang mommy niya."Anak, nariyan ang tatay ni Audrey, bilisan mo." sabi ng mommy niya."Bakit daw po" nagulat siya sa sinabi nito na naroon ang ama ni Audrey. 'Ano kayang ginagawa niya dito ng ganito kaaga?'Sumunod na lang siya sa ina. Naroon ito at nakaupo, kausap ang kanyang ama."Anak.." tawag ng tatay niya," may nangyari daw hindi maganda kay Audrey.""Ano po yun?" naupo siya."Nasa ospital ang anak ko ngayon Harvy, nakita siya kahapon ng mga residente sa kabilang barangay, walang saplot sa katawan, at bugbog sarado. Ginahasa ang anak ko Harvy!" umiyak ang matandang lalaki. "Hindi ko alam kung anong ginagawa niya doon, bakit siya napadpad doon.. At ngayong nagising siya, ikaw ang hinahanap niya. Nakikiusap ako sayo, puntahan mo ang anak ko.."Para siyang binuh
Ang daddy niya ang nagdrive ng sasakyan pauwi ng bahay. Parang hindi niya kayang magmaneho sa nakitang kalagayan ni Audrey."Ano kayang ginagawa ni Audrey sa park ng ganoong oras?" basag ng mommy niya sa katahimikan."Baka totoo ang balitang pick up girl siya," sagot ng daddy niya."Naririnig ko nga yun sa mga amiga ko," sagot ng mommy niya."Wag kayong mag isip ng masama tungkol sa kanya, wala kayong alam!" natahimik ang mga magulang niya sa sinabi niya. Alam ng mga ito na pag nagtaas siya ng boses, ay galit siya. "Alam niyo ba kung bakit siya naroroon? magkikita sana kami, hindi ko siya sinipot! kasalanan ko! at alam niyo, ayaw niyang malaman ng iba ang kalagayan niya, dahil sakin, bukod sa kahihiyan at ayaw niyang kaawaan siya, baka masira ang buhay ko! ngayon, anong kasalanan niya? anooo?!""A--anong ibig mong sabihin anak?" naguguluhang tanong ng mommy niya."Tanghali pa lang, nagkita na kami mommy, nagtext siya sakin na magkita kami don, hindi ko siya sinipot. Pinatay ko pa ang
"Maaga po silang umalis?" tanong niya kay lolo Harry."Oo. May sumundo daw kanina sabi ng isang katulong," sagot ng matanda ,"malamang, naglambing na naman si Alma na lumabas sila ng maaga. Matagal na kasi nilang hindi nakakasama ang anak nila, lalo pa ngayon at ikakasal na siya," sagot nito sa kanya."Pupunta po ba kayong office? sasabay na po ako," sabi niya sa matanda."Mabuti pa nga, iwasan mo na ang magmaneho lagfi, lalo na at lagi kang pagod sa pag aasikaso ng kasal niyo."Lumabas ang tatay niya mula sa kusina na kausap si tita Claudia, nginitian niya ang mga ito."Aalis na ba tayo sir?" tanong nito kay lolo."Anong sir? kapag nasa bahay, tito na lang." sagot ng matanda. Medyo nahiya itong lumingon sa kanya, "hindi pa ba alam ng anak mo?"Napakamot sa ulo ang tatay niya, "eh.. hindi pa po.""Papa, wag kang mag alala, pansin na namin yan ni Malena, saka nag usap na kami ni tita kagabi, wala naman akong tutol.""Talaga?" nagulat ito, "bakit wala ka namang nabanggit sakin?" baling
Wala si Harvy pag uwi niya ng bahay. Hinanap niya ito sa loob ng green house subalit wala pa rin ito. Magulo ang higaan ng lalaki. Malamang, natulog ito maghapon, kaya ganito ang kwarto nito. Nasa kama ang cellphone nito, marahil ay low bat. 'Nasaan na kaya ang lalaking yun?'Nakasalubong niya si Malena na may dalang bed sheet."Anong ginagawa mo dyan?" tanong nito."Hinahanap ko kasi si Harvy.""Ah, umalis siya mga alas kwatro, ang sabi pa niya, kapag hinanap mo daw siya, sabihin ko, may pinuntahan lang."Bakit hindi niya dala ang kanyang cellphone?""Malay ko dun. Ang weird nga kanina eh. Mukhang aburido. Sabi pa niya, palitan ko ang cover ng kama niya. Basa ng pawis, siguro nakatulog siya na hindi nabubuksan ang aircon. Lasing pa nga siya eh.""Bakit kaya?""Ewan ko ba dun, ang saya nya pa kahapon hindi ba? Tapos ngayon, nagbago na naman ng mood. Sabi ni mama, baka daw ganun talaga kapag ikakasal na.""Hindi naman siguro.. Baka may pinagdadaanan lang.."Subalit ilang araw na itong
Parang mali ang sinabi niya kay Dahlia, hindi niya intensiyon na saktan ang dalaga, subalit nahihirapan na siyang harapin ito. Para sa kanya, mas madali na siguro na hindi niya ito kinakausap kesa magiguilty siya ng dahil sa nangyari kay Audrey. Pero nagsisi siya masyado ng umalis si Dahlia. Tinatawagan niya ito sa intercom, iba ang sumagot, at sinabing umalis nga daw ang babae. Sinubukan niya itong tawagan, subalit hindi ito nasagot.Tinawagan niya si Amihan para tanungin kung magkasama sila, subalit hindi daw nito alam kung nasaan ang dalaga. Sinubukan din niya itong patawagan kay tito John, ayon sa matanda, nagpapahinga lang daw si Dahlia. Halata daw sa tinig nitp na may dinadamdam ito.Nag alala siya bigla para sa kasal nila bukas..'Paano kung hindi siya dumating? paano kung hindi siya makonsensiya sa kung anong mangyayari kay lolo? Hindi kasi ako nag iisip! Kahit kailan talaga Harvy, tanga ka!' sigaw niya sa isipan, 'sana hindi ka na lang nagsalita ng hindi maganda. Sana , nagso
Nag umpisa na ang entourage. Una silang lumakad ng mga magulang, kasunod niya si Arvin. Kumakanta na ang singer na nahired nila. Isa isa ng lumalapit ang mga abay. Hanggang sa mga sponsors, at pinaka huli si Dahlia. Nakasuot ito ng belo, Ang ganda nitong panoorin. Lahat ng suot nito ay perfect sa kanya. Kinakabahan siya habang papalapit sa kanya. Nagmano siya sa tatay nito, humalik naman ito sa mga magulang nila, Bago niya inabot ang mga kamay nito at inakay siya sa harapan ng altar."Akala ko hindi ka na sisipot," sabi niya dito."Bakit? ayaw mo ba?" malamig ang tinig nitong sagot sa kanya."Hindi naman.. pasensiya ka na kahapon.""Wag na nating pag usapan yan, at baka umatras pa ako sa kasalang ito," sagot ng babae sa kanya.Inumpisahan na ang kasalang iyon. Smooth ang naging takbo ng seremonyas."Now, I pronounce you, husband and wife, you may now kiss the bride.." anunsiyo ng pari.Itinaas niya ang belo ni Dahlia, "May I?""Do i have a choice?" mataray na tanong nito.Hinalikan