Share

Chapter 42

"Wow naman! ang saya saya nila, ang galing!" nilapitan sila nito.

"Audrey!" awat niya "ayoko ng gulo, please.!"

"Baby, hindi naman ako manggugulo. Binabati ko lang kayo," maangas na sagot ng babae, "well.. at mukhang nagienjoy ka na, kasama ang mga pangit na yan!"

"Nasaan ba ang pangit dito?" nagkunwari sina Dahlia na hinahanap ang tinutukoy ng babae, "nangangamoy ampalaya na naman dito."

"Baka sila ang tinutukoy ni Audrey na pangit" sabi ni Amihan, "ikaw Malena, may pangit ba dito?"

"Demonyita meron," sabay nguso nito kay Audrey. Nagkatawanan ang mga kasama niyang babae.

"Hoy! kilalanin nyo ang binabangga niyo!" banta ng kasama ni Audrey kina Dahlia.

"Pustahan ulit tayo gusto nyo?" hamon ni Amihan, saka nagbigay ng isang mapaglarong ngiti.

"Girls, enough, wag nating iruin ang moment natin ng dahil lang sa mga basurang ito. Bye, baby!" hinalikan siya ng babae sa labi.

Sinimangutan ni Dahlia ang babae na nagbabay pa sa kanila bago umalis. Napakamot naman siya sa kanyang batok.

"Let's go
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status