Share

Chapter 23

Umaga na pero wala pa ring tulog si Louise at ang kanyang mga kasamahan. Wala pa ring nagpapakita na Oliver kahit anino nito. Hindi na niya alam kung ano ang dapat isipin sa mga sandaling iyon. Hindi niya pwede hayaan na hindi nila kasama si Oliver.

“Magkape muna kayo.” Umangat si Louise ng tingin sa kanyang ina, may dala-dala itong tray na puno ng mga tasa ng kape. Inilapag nito ang tray sa lamesita sa kanilang harapan at inabutan sila ng tig-iisang tasa ng kape.

Nasaan ba si Oliver?

Sabay-sabay silang natigilan at napatingin kay David nang mag-ring ang cellphone nito.

Mabilis tumayo si David para sagutin ang tawag. At dahil ni-loudspeaker nito ang cellphone ay narinig nila ang boses mula sa kabilang linya. It was Olga.

Inabot sa kanya ni David ang cellphone at agad naman niyang kinausap si Olga.

“Olga. . .”

“I'm sorry about last night. I can't make a phone call—”

“Yes, I understand, Olga. I was there,” wika niya.

“Really? You came here?” mas humina ang boses ni Olga ng itanong iyon.
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status