Share

Chapter 25

Hindi na si Louise muling lumaban pa sa kampo nila Jonas. Pero hindi ibig sabihin no'n ay sumusuko na siya sa mga ito o tinatanggap na niya ang pagkabigo niya. Ang mahalaga sa kanya ngayon ay nahanap niya si Lieutenant Evans at napatakas niya ito rito.

Napapikit siya at huminga nang malalim. Sinasabayan ng pagkirot ng kanyang ulo ang mga tama niya ng baril sa binti at braso. Dahan-dahan niyang ibinaba ang kanyang baril sa lapag ng yate upang ipabatid na hindi na siya lalaban. Ngisi-ngisi naman si Jonas na naglakad papunta sa kanya. Yumuko ito sa harapan niya at hinawakan siya nang mahigpit sa panga. Ramdam niya sa hawak niya ang gigil. Hindi pa ito nakontento at malakas pa siya nitong sinampal, sa sobrang lakas no'n ay dumugo ang gilid ng kanyang labi. Nalasahan niya ang dugo mula roon. Akala nia ay iyon lang ang gagawin sa kanya pero nang-aasar itong tumawa at hinampas siya sa batok, dahilan para mawalan siya ng malay at bumagsak sa sahig ng yate.

Hindi niya alam kung ilang minuto o
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status