Share

Chapter 29

“Daddy, I want balloons! I want balloons!”

Napahinto ang kinse anyos na si Louise sa paglalakad at tumingin sa isang bata na karga-karga ng ama nito. Nakasuot ang bata ng pulang bestida at bagong sapatos. Ang buhok nito ay napakaayos, hindi humaharang sa mukha. Ang ina naman nag bata ay nakaakbay sa asawa at bitbit ang bag ng anak.

“You want balloons?” malambing na tanong ng ama ng bata.

Agad namang tumango nang sunod-sunod ang bata at itinuro ang nagtitinda ng titinda ng lobo.

“Okay, baby, we will buy you.”

Inalis ni Louise ang tingin sa mga ito at pinunas ang tagaktak na pawis mula sa kanyang noo. Bumaba ang tingin niya sa bilao na dala-dala niya at nakitang lilima pa lang ang bawas ng bananacue na inilalako niya. Kapag hindi niya iyon naubos bago mag-alas sais ay kaonting pera lang ang maiuuwi niya sa kanyang ina. Wala siyang maitatabi sa kanyang alkansya.

Bumuga siya ng hangin at muling nagpatuloy sa paglalakad.

“Bananacue. . . Bananacue po kayo. Bili na kayo ng Bananacue, masarap
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status