Share

The Fake Wife - Chapter 3

CHAPTER THREE

     ANG unang ginawa ni Auntie Mina ay ang paglilipat nito sa kanilang lahat sa isang condominium unit.

     Wala silang dinalang gamit, maliban sa mga librong pag-aari ng public school na pinapasukan ng mga kapatid.

     "Bibili kayo ng lahat ng mga kailangan n'yo," wika ng matandang dalaga.

     "Ma-mi-missed ko kayo," ani Marita sa kanila, maluha-luha.

     "Hmm, ikaw ba si Marie?" sabad ni Auntie Mina.

     "E, o-opo," ang tarantang tugon ni Marita.

     "Sasama ka sa kanila, Marie," pahayag nito.

     Nanlaki ang mga mata ni Marita. "E, hindi naman po ako kapatid ni Catherine," paliwanag nito, kandautal.

     "Pero gan'on ang turing nila sa 'yo, I'm sure," pakli nito. "Kaya sasama ka."

     Gulat na gulat ang kaibigan ni Catherine. "P-pati po ako?

Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status