Share

The Fake Wife - Chapter 6

CHAPTER SIX

     ANG gabing iyon ang naging simula ng magiging buhay niya bilang 'fake wife' ni Ruel Cervantes.

     Mahirap na madali.

     Wala siyang ginagawa kundi ang palaging maging available sa lalaki kapag gising ito.

     Sumisilay ang masuyong ngiti sa bibig at mga mata nito kapag nakikita siya.

     Iyon ang paraan ng pagbati ng lalaki.

     Na nagbibigay naman ng ibayong kaba sa dibdib ng dalaga.

     "Nagpapahinga ka rin ba kapag natutulog ako?" tanong nito nang isang linggo na siyang dinaratnan palagi sa tuwing gigising ito.

     Tumango si Catherine. "Oo. Kararating ko nga lang ngayong dumilat ka."

     "I believe you," sambit nito. "You look fresh and young, darling."

     Namula ang mga pisngi niya. Umiwas siya ng tingin upang makabawi ng wisyo.

Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status