CHAPTER THIRTEEN
Hindi kumibo si Catherine. Itinuon niya ang buong konsentrasyon sa pagkain.
Pinilit niyang ubusin ang laman ng pinggan niya. Pati ang sa tasa niya.
"Nagmamaktol ka ba?" untag ni Ruel nang tumagal nang tumagal ang katahimikan.
Umiling ang dalaga. "Hindi."
"Bakit hindi ka na nagsalita?"
"Wala naman akong sasabihing importante," katwiran niya.
"I see."
Muli silang natahimik.
Nang magsalita uli ang lalaki, tapos na sila parehong kumain.
"C'mon, magpunta na tayo sa studio ko," aya nito.
Tumango si Catherine. "Tatawagin ko lang si Maya para mailigpit ang mga ito."
"Hihintayin kita sa sala."
Nakasalubong nila si Maya sa koridor
CHAPTER FOURTEEN Kinusut-kusot ni Ruel ang mga mata. Para bang ginigising ang sarili kung sakaling bangungot na naman ang nagaganap. "Talaga bang nandito ka na ngayon uli sa piling ko, Arminda?" tanong nito, paanas. "Oo, Ruel," tugon ni Catherine. Nangingilid sa luha ang mga mata. "Hindi ka na aalis?" Umiling si Catherine nang magkaroon ng bara ang lalamunan. "God, Arminda!" bulalas nito habang isinusubsob ang mukha sa kanyang leeg at balikat. "You didn't know how I hated myself! How I felt guilty--nung mawala ka!" Halos wala sa loob, hinaplos ng mga daliri niya ang matatag na hubog ng mga pisngi at panga ni Ruel. "Ssh, tama na 'yan," anas niya. Ang tanging alam ni Catherine, nais niyang maibsan ang paghihirap ni Ruel.  
CHAPTER FIFTEEN Who is this woman? tanong ni Ruel sa sarili. Magmula pa nang una niyang makita ang babaeng sinasabi ni Auntie Mina na si Arminda, nawalan na siya ng katahimikan. Paano'y inuusig na naman siya ng kanyang konsensiya. Niloloko niya ang kanyang tiyahin, ang kanyang sarili--at ang babaeng ito. Ngunit hindi niya magawang ipagtapat ang tutoo. Nais rin niyang magkunwaring nasa piling pa nga niya si Arminda. Ayaw niyang matapos agad ang panaginip... Tinitigan niya ang babaeng nagpapanggap na asawa ni Ruel Cervantes. Ano ang motibo ng babaeng ito? Pera. Ipinilig niya ang ulo nang sumulak ang pagkadisgusto sa kanyang kalooban. Nais sana niyang magpatuloy ang pagkabighani niya para dito--kahit na hindi it
CHAPTER SIXTEEN Sa una lang ang kirot. And it was worth it, bulong ni Catherine sa sarili. Dahil ang sumunod sa sakit ay pulos walang kahulilip na ligaya. Parang hindi siya makapaniwalang nalasap na niya kung paano ang maging ganap na babae. At ang puro at ang dalisay na satispaksiyon. Parang walang katapusan ang pagsikdo at ang pagpintig ni Ruel habang pinadadaloy ang katas ng buhay sa kanyang katawan. At hindi pa rin ito umalis sa ibabaw niya kahit na nanumbalik na ang mga payapang alon. Aywan kung gaano katagal silang nanatili sa gayong ayos bago nag-angat ng ulo si Ruel. Tinunghayan siya nito. May kislap ang mga matang nakatitig nang buong pagsuyo. "I want you again," sambit nito habang ngumingiti ang mga
CHAPTER SEVENTEEN Natulig si Ruel sa sinabi ng babae. Ayaw niyang maniwala ngunit punum-puno ng sinseridad ang malambing na tinig nito. Habang naririnig niya ang mga hagulgol nito, parang may pinupunit sa kalooban niya. "Tumahan ka na," utos niya rito. Pilit na lang ang tigas sa tinig niya. Tinangka niyang hawakan ito sa balikat ngunit nanlaban ito. "H-huwag," pakiusap nito. "P-pabayaan mo na lang ako. Gusto kong mapag-isa!" Napilitan siyang pagbigyan ang babae sa hiling nito. Lumakad siyang palayo dito upang mapigilan ang sarili sa pag-alo dito. Tumanaw siya sa labas. Hindi na niya naaaninag ang di-kalayuang karagatan ngunit naririnig niya ang pagdating at pag-alis ng mga alon sa dalampasigan. Sumasaliw ang mahihinang hikbi ng babae.
CHAPTER EIGHTEEN "I-ikaw na ang magbukas, Inday," utos niya sa kausap. Kahit na sabihin niyang imposibleng masundan siya ni Ruel dito, hindi niya magawang iwaksi ang takot. Si Auntie Mina ang dumating. Agad siyang yumapos sa matandang dalaga. "Oh, Auntie!" Hindi na niya napigil ang mapaiyak habang nakayupyop siya sa dibdib ng butihing babae. "Tahan na, iha," pang-aalo nito. "Salamat at dumating po kayo!" hikbi niya. "Huwag ka nang mag-alala, iha," dagdag ni Auntie Mina habang panay-panay ang paghagod sa kanyang ulo at likod. "Nandito na ako. Hindi kita pababayaan." Unti-unting huminto ang pagluha niya. "Oh, Auntie, hindi ko na po alam ang gagawin ko!" "Ano ba ang nangyari? Bakit bigla ka na lang umalis sa resthouse?"
CHAPTER NINETEEN "W-WALA siya dito?" bulalas ni Ruel. Umiling si Auntie Mina. Pormal ang tono at ang anyo nito. "Wala dito si Catherine, iho," ulit nito. "Halika. D'on tayo sa library. Naghihintay ang meryenda. Siguradong pagod na pagod ka sa biyahe." "Hindi naman," tugon niya, halos wala sa loob. Magmula sa Yachts' Club sa Manila Bay, ipinasundo siya ng tiyahin kay Mang Ped. Ipinilig niya ang ulo habang sinusundan ang maliit na hugis ng nag-iisang kamag-anak. Hindi niya maintindihan ang mga damdamin na nagsalimbayan sa kalooban nang malamang wala sa mansiyon ang babaeng impostor. "Catherine," sambit niya nang makabawi na naman ng wisyo. "Catherine ba ang pangalan niya?" Sumulyap sa kanya ang tiyahin. Nakangiti nang bahagya ang makipot na bibig. "Catherine Almonte, iho," anito habang tumatango. "M
CHAPTER TWENTY Panay ang yapos ng dalawang bata sa kapatid na panganay na matagal na nawalay sa paningin. Ilang linggo na siyang namamalagi sa condo. Siya ang naghahatid sa mga ito sa eskuwelahan at siya rin ang sumusundo. Kumbaga, bumabawi siya sa matagal na panahong hindi sila nagkikita. "Tutoo, Ate Cat? Talagang hindi ka na aalis nang madalas?" Paulit-ulit nang nagtatanong si John. Ngunit hindi naman nagsasawa si Catherine sa pagtugon. "Oo naman," aniya. Nakangiti nang buong giliw sa dalawang kapatid. "May kaunting ipon na ako. At puwede na tayong magnegosyo nang maliit. Tutulungan n'yo ba ako?" "Aba, oo, ate!" ang maagap na tugon ni Polly. "Tutulong kami ni John sa 'yo. Basta't nandito ka lang palagi sa piling namin!" "Tama 'yan, ate!" dagdag ni John. &n
The Pretending HeartSYNOPSISIsang heredera si Alison na sobra-sobra ang yaman para sa kapakanan niya bilang dalaga. Ang mga lalaki ay naaakit sa kanyang salapi.Hanggang sa magpanggap siyang ordinaryong babae at magkatagpo sila si Armando, isang binatang magsasaka at mahirap lang. Umibig sa kanya nang buong puso. Ipagtapat na kaya ni Alison ang tutoo?* * *The Pretending Heart - Chapter 1MASAYA ang ngiti ni Alison. Magaan ang mga paa niya sa pagpanaog sa hagdanang marmol na mistulang abanikong nakabuka ang hugis.Espesyal ang gabing iyon, kaya naman ang mahaba at tuwid na buhok niya ay nakapusod sa ituktok ng ulo. Bumagay sa suot niyang off-shoulder white evening gown. Ang tanging alahas na isinuot niya ay ang pearl earrings na iniregalo ni Edward nung nagdaang Pasko."Aba, ang ganda-ganda naman ng señorita ko," ang pabirong bati ng mayordoma, at dating yaya ni Alison,