Share

The Fake Wife - Chapter 17

CHAPTER SEVENTEEN

     Natulig si Ruel sa sinabi ng babae. Ayaw niyang maniwala ngunit punum-puno ng sinseridad ang malambing na tinig nito.

     Habang naririnig niya ang mga hagulgol nito, parang may pinupunit sa kalooban niya.

     "Tumahan ka na," utos niya rito. Pilit na lang ang tigas sa tinig niya.

     Tinangka niyang hawakan ito sa balikat ngunit nanlaban ito.

     "H-huwag," pakiusap nito. "P-pabayaan mo na lang ako. Gusto kong mapag-isa!"

     Napilitan siyang pagbigyan ang babae sa hiling nito.

     Lumakad siyang palayo dito upang mapigilan ang sarili sa pag-alo dito.

     Tumanaw siya sa labas. Hindi na niya naaaninag ang di-kalayuang karagatan ngunit naririnig niya ang pagdating at pag-alis ng mga alon sa dalampasigan.

     Sumasaliw ang mahihinang hikbi ng babae.

Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status