Share

The Pretending Heart - Chapter 2

The Pretending Heart - Chapter 2

NANATILI kay Alison ang depresyon hanggang sa mga sumunod na araw. Nawalan siya ng ganang kumain. Palaging tahimik at malalim ang iniisip. Hindi makatulog sa gabi.

Nag-alala na nang husto si Nana Senyang.

"Alison, iha, ano bang nangyayari sa 'yo? Baka magkasakit ka na n'yan?"

"E-ewan ko ho ba, Nana. Parang wala na akong ganang mabuhay..." ang matamlay na sambit ng dalaga.

"Iha, iha, 'wag kang magsalita ng ganyan." Inalo agad siya ng matandang babae. Niyakap at hinaplus-haplos ng kulubot na kamay ang ulo at likod niya.

"Matanda na ako, Nana. Hindi na ako magkakaasawa..." patuloy niya, pa-hikbi.

"Oh, ang batang 'to! Am'bata-bata mo pa, iha! Aba'y treinta'y singko ka pa lang, a? Pero wala sa hitsura mo!" pagbubusa nito. "Sino'ng me sabi sa 'yong matanda ka na, ha? Si Edward ba?"

Tumango si Alison. Hindi na makapagsalita dahil nagpipigil sa pag

Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status