Share

The Pretending Heart - Chapter 5

The Pretending Heart - Chapter 5

ISANG umaga, nagising si Alison sa malakas na buhos ng ulan sa bubungan ng bahay. Kaya pala maalinsangan kagabi, may balak magsungit ang panahon kinabukasan.

Nakatulugan niyang nakabukas ang bintana kaya may pumapasok na anggi ng ulan sa loob ng kuwarto. Dali-dali siyang bumangon mula sa papag para isara ang dahon na yari sa pawid at kawayan.

Ngunit napapatda siya sa tanawing nasulyapan sa labas. Nasa gitna ng palayan si Armando! Umagang-umaga'y nagpapaulan dahil sa pagtatrabaho. Ni walang pandong o balabal man lang bilang proteksiyon.

Kumunot ang noo ni Alison. Saglit na nag-alangan kung ano ang dapat gawin. Maya-maya'y maliksi siyang nagbihis. Pinalitan ng blusa at pantalon ang suot na padyamang pantulog.

Saka na siya mag-iisip.

Sa kabila kasi ng puspusang panliligaw ni Armando nitong mga nakaraang araw at gabi, ang pinag-aaralan niyang kasagutan ay ang pagbigo rito. Kaya ang ipapakita niyang pag-aalala par

Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status