Share

The Dubious Caretaker - Chapter 3

The Dubious Caretaker - Chapter 3

Tumalon na sa tubig si Elan matapos magsalita kaya hindi na nakita ang pagsenyas ng mga kamay ni Martinne na wala ang mga pagkaing hiniling nito para sa almusal.

Mabigat ang mga paa niya na nagtungo sa kusina. Maghahanap na lang siya ng kung ano ang puwedeng iluto doon.

Bahala na, aniya sa sarili.

Ilang minuto lamang na nag-ehersisyo sa tubig ang lalaki. Halos katatapos lang niyang magpatay ng kalan nang bumungad ito sa backdoor. Hindi pa nakabihis. Nakasuot lang ng maikli at itim na roba. Hindi pa nga nagpupunas dahil basa-basa pa ang maikling buhok na medyo kulot din.

"Hmm, mukhang masarap kang magtimpla ng kape, a," puri ng lalaki habang sinasamyo ang amoy ng kapeng isinasalin niya sa isang puswelo. "Dito na ako sa kusina, ha? Parang malungkot d'on sa kumedor, e. Sobrang laki kasi para sa iisang tao."

Alanganing napatango na lang si Martinne. Isa-is

Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status