Share

The Dubious Caretaker - Chapter 6

The Dubious Caretaker - Chapter 6

Napuna ng isang bahagi ng litong diwa ang matatag na paghakbang ni Elan sa pag-akyat sa hagdan. Parang hindi ito lasing.

Ngunit namumungay ang mga mata nito habang nakatitig sa kanya. At tila nalango na rin siya sa alak na nakahalo sa mga halik na ipinatikim sa kanya.

"Ngayon lang ako nagkaganito sa babae, Martinne," bulong nito. Magaspang ang tinig dahil sa pagkukontrol sa sarili. Inilapag na siya nito sa isang malambot na kama. Nakadagan na ang matigas na katawan nito sa kanya.

"Pinipilit kong ibaling sa iba ang pagnanasang ginising mo, pero bigo ako. Para sa 'yo lang ito. Para sa 'yo lang..."

Hindi makapaniwala si Martinne sa narinig. Atraktibo rin pala siya sa lalaking ito?

Napapikit siya nang magsimulang gumapang ang mga munting halik sa kanyang leeg, papababa sa dibdib.

"Sa unang pagkikita pa lang natin, gusto ko ng gawin sa 'yo ang ganito," anas nito. Pinaliguan ng basang init ang mamula-mulang

Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status