Share

The Dubious Caretaker - Chapter 5

The Dubious Caretaker - Chapter 5

Kakaba-kaba si Martinne nang sumunod sa gusto ni Elan.

Sandali lang namang ibalot ang mga gamit niya. Kasya lang sa isang kahon ng gatas kahit na idinagdag pa ang ilang pirasong libro.

"'Yan lang ba?" tanong ng lalaki nang lumingon uli sa kanya.

Tumango siya.

Madilim na sa loob ng barung-barong kaya hindi niya gaanong maaninaw ang mukha nito.

"Akina," anito, tila pa-buntonghininga. "Ako na ang magdadala niyan."

Hindi siya nakatanggi dahil kinuha na ng lalaki ang kahon. Nagpauna na ito sa paglabas.

Unti-unti nang humulas ang pagkabigla niya kaya nagkaroon na naman ng lakas ang mga tuhod. Nagawa na niyang lumakad kahit na medyo pasuray.

"Dito ka na titira magmula ngayon." Nagsalita lang uli si Elan nang nasa tapat na sila ng pinto ng isa sa mga guestroom sa ikalawang palapag ng mansiyon.

Nangungunti si Martinne dahil hindi bagay sa kanya ang ganito karangyang kuwarto.

Nabasa

Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status