Share

The Unexpected Lover - Chapter 3

The Unexpected Lover - Chapter 3

Alas nuwebe nang gabi ring iyon, akay-akay ni Charito Cruz si Laurie papasok sa backdoor ng isang sikat na klab sa Timog Avenue. Nagawang itago ng makapal na meyk-ap ang mugtong mga mata ng dalaga. Pati ang pamumula ng ilong.

Kung may nahalata man ang matronang may-ari ng klab, wala itong sinabing anuman. Basta inikut-ikutan siya nito habang nakatayo siya at saka tumango-tango.

"Magaling, Charito. Tinupad mo ang pangako mo," anito. "Mula ngayon, ikaw na ang floor manager dito. Congratulations!"

"Ay naku! Tenk yu, m'am. Tenk yu beri mats!" Isang patagong kurot sa tagiliran niya ang ibinigay ng ina. "Hindi ka ba magpapasalamat? Tanggap ka na!" bulong nito, paasik.

"S-s-salamat po, ma'am," sambit ni Laurie, kandautal.

"Huwag kang mag-alala, ma'am, madali lang 'tong turuan," pang-aalo ng kanyang ina. "Anak ko 'ata 'yan," pagmamalaki pa.

"Mabuti na ang nagkakaintindihan tayo, Chato. Probi siya hanggang sa s

Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status