Share

The Unexpected Lover - Chapter 5

The Unexpected Lover - Chapter 5

"Tanghali? Isang gabi lang ang pinag-usapan natin, Mr. Rodriguez,"sunggab na naman ni Charito. "Kailangan mong magdagdag."

Isang malamig na bahagi ni Laurie ang unti-unting humahanga sa pagiging mautak ng kanyang ina. Ganito ang tunay na negosyante.

"Walang problema." Dinukot uli ng lalaki ang pitaka. Hindi na nito binilang ang hinugot doon. Iniabot na lang agad sa may edad na babae.

"Gusto kita, Mr. Rodriguez," ang nakatawang wika nito habang isinususok sa loob ng bra ang ikalawang bungkos ng salapi. "Sana'y maging suki ka ni Lota."

Sumusuray na si Laurie sa kanyang kinatatayuan. Parang nauubos na ang oksihena sa paligid niya.

"Goodnight, Madam. Sa muli nating pagkikita." Nagpaalam na ang lalaki. Naramdaman na nito ang pagsuray niya dahil lumipat sa beywang ang kamay nito. "C'mon, Lota. Let's get out of here."

Umikot ang paningin niya kaya napilitan siyang pumikit. Nang dumilat siya, nasa labas na sil

Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status