The Unexpected Lover - Chapter 7
KAHIT na halos gapangin ni Laurie ang pagpunta sa banyo, nagpumilit siyang magtungo doon. Gusto niyang mawala ang panlalatang nararamdaman sa buong katawan. Nalasing pala siya nang husto. Wala na siyang namalayan sa mga nangyari matapos maliyo sa ininom na whisky.
Pero maigi na rin ang gayon. Wala siyang dadalhing alaala ng unang gabing nagtampisaw siya sa putikan...
Itinapat niya ang sarili sa pinong bugso ng tubig. Maligamgam ang timpla ng tempetatura pero napasinghap pa rin siya. Paano'y mainit na mainit ang pakiramdam ng balat niya dahil sa humiliyasyon na dinanas.
Nasaan si Mr. Rodriguez? Bakit ibang lalaki ang kasama niya sa kama?
Nangaligkig na naman siya sa takot nang maalala ang madilim na anyo ng nakababatang lalaki. Para bang muhing-mihi ito sa kanya.
Kailangang makaalis siya rito agad!
Nagdumali siyang magbanlaw kahit na hindi pa gaanong nakakapagsabon ng katawan. Sa bahay na lang
The Unexpected Lover - Chapter 8SA kabila ng matinding pagpipigil hindi pa rin nakaila kay Marco ang paghihirap na dinaranas ni Laurie. Huminto ito at tinunghayan siya."Nasasaktan ka--" Napapatda ito nang makita ang mukha niya. "Damned shit! You're a virgin! A virgin prostitute!"Pumikit siya dahil hindi matagalan ang pang-uusig sa mga matang malalalim. Tumango siya habang kinakagat ang ibabang labi.Nawala na ang kirot sa laman, lumipat na sa kalooban. Masakit rin pala ang matanggihan."I--I'm s-sorry," hikbi niya. Humihingi siya ng dispensa dahil hindi naging lubos ang satispaksiyon nito sa serbisyo niya.God, talaga bang tanggap na niya ang maging isang kalapating mababa ang lipad?Hinintay niyang umalis sa pagkakadagan sa kanya ang bigat ng lalaki. Inaasahan niyang iiwan siya nito."Ako ang dapat na humingi ng sorry, Laurie," bawi nito, paanas. Malumanay na ang tono. Wala na ang tigas. Para bang inaalo siya. "My
The Unexpected Lover - Chapter 9KUMBAGA sa telebisyon, tapos na ang mga patalastas kaya tuloy na naman ang telenobela.Nasa bahay pa ang kambal nang dumating siya. Hindi pa nag-a-almusal. Wala pa raw ang kanilang ina."H-hindi umuwi?" paniniguro niya."Hindi, ate. E, ikaw, ngayon lang umuwi?" usisa ng mga ito."Er, nag-overtime kasi ako," pagdadahilan niya."E, ba't sabi ni Joanna, isinama ka raw ni Inay sa pinagtatrabahuhan niya?" sabad ni Junior. Marami na itong nalalaman--at hindi nagugustuhan sa buhay nila kaya marahil malimit magluko at magrebelde."Hindi, Junior." Pinagmatigasan niya ang pagsisinungaling. Bata pa ang kapatid para makaintindi nang lubos."Uh, puwede bang ikaw na ang bumili ng tinapay? Joanna, nakapag-init ka na ba ng tubig?" Inabala niya ang mga kapatid para mawala ang atensiyon sa kanya.Ginising niya sina Bebot at Remi para maisabay sa pagkain. Salu-salo silang lima. Napagtanto ni Laurie na palag
The Unexpected Lover - Chapter 10TUMINDIG si Marco nang makitang papalapit na si Laurie at ang weyter sa lamesa niya.Titig na titig siya sa babae. Napakalaki ng kaibahan nito sa nilalang na nakapiling niya sa nagdaang malamig na magdamag."Salamat," wika niya sa weyter habang inaabutan ng tip. Ipinaghila niya ng silya si Laurie.Naupo ito. Walang imik."Ano po'ng order n'yo, sir?" Hindi pa pala sila napapag-isa.Huminga muna nang malalim si Marco bago sumagot. Sinusupil uli ang pagkasabik na maghapong ginatungan ni Uncle Joe para manatili sa pagliliyab."Ladies drink at scotch on the rocks.""Pulutan po, sir?"Bumuntonghininga uli si Marco. "Tatawagin na lang kita kung gusto namin. Okay?"Naintindihan ng weyter na itinataboy na niya ito nang panlisikan ng kanyang mga mata. Halos kumaripas ito ng takbo palayo sa kanila."Sori, ser. Ihahatid ko po agad ang order n'yo, ser."Ibinalik niya kay Laurie a
The Unexpected Lover - Chapter 11TULUYANG nasira ang gabing iyon nang hilingin ni Marco na magpunta sila sa tinitirhan nina Laurie, matapos ang tamilmil na pagsasalo nila sa masarap na hapunan.Hinayang na hinayang siya sa masasayang na mga pagkain kaya kahit na nahihiya ay hiniling niyang ipabalot na lang ang mga natira. Mas importante ang mga kapatid niya kaysa sa kanyang kahihiyan.Mabilis ang pagpayag ng lalaki pero may kondisyon pala."Ihahatid na natin ang mga 'yan sa inyo ngayon," wika nito.Mabilis rin ang naging pagtanggi niya. Walang gatol ang pagtutol na lumabas sa bibig."Hindi," tutol ni Laurie, sabay iling.Ano'ng iisipin ni Junior? Paano niya ipapaliwanag ang presensiya ni Marco? Magdududa na naman ang kapatid niya. Mawawalan na ito ng pagtitiwala sa kanya. Pati paggalang na siguro. Kapag nagkagayon, maliligaw na ito ng landas."I'm sorry, Marco," pahayag niya, halos pabulong. Gusto niyang palis
The Unexpected Lover - Chapter 12 "HATINGGABI na naman, Laurie," bulong ni Marco sa gawi ng teynga ni Laurie. Nilinga niya ito para ngitian ng buong pagsuyo. "Nagiging paboritong oras ko na ito," dugtong pa niya. "Ako rin." Ngumiti rin sa kanya ang babae. "Hindi kaya naiinip na si Mang Nestor?" Bumadha ang pag-aalala sa maamong mukha. Bumangon siya, isinabay ang yapos na katawan ng dalawa. "Uuwi na talaga tayo ngayon," aniya, habang dinudukwang sa silya ang nakatumpok na mga damit nila. "Magbihis na tayo." Ayaw mang ipakita, halatang nahihiya si Laurie kapag nakatingin siya sa kahubdan nito. "You're a sweet woman," papuri niya habang kinukuha ang isang kamay nito para hagkan. Tinangka nitong bawiin ang kamay. "H-huwag--" pigil ni Laurie. Hindi bumitaw si Marco. Inilahad pa muna niya ang palad atsaka hinagod ng bibig ang mga kalyong naruroon. "Iniisip mong pangit ang mga kamay mo?" panghuhula niya. "Ang mga ito ang pinak
The Substitute Bride SYNOPSIS Will you let a man marry you under false pretenses? What if the bridegroom discovered your fraudulent behavior and punished you for life? Will you let your heart fall in love with your husband by mistake? Pagkakataon nang magbago ng kapalaran ni Zoe nang pilitin siyang dumalo sa kasal ng pinsang si Zilla bilang fake bride. Ngunit hindi ang suwerteng makakamtan ang naging dahilan kung bakit pumayag siya. Duwag kasi siya. Lumaking sunud-sunuran at takot sa kanyang maganda at dominanteng pinsan si Zoe. Kaya naman kahit mali, napasunod pa rin siya sa utos na magpanggap siyang si Zilla sa araw ng kasal nito kay Jamiro. Ngunit tila mas nakakatakot magalit si Jamiro. Paano na kapag natuklasan ang panloloko ni Zoe? Makayanan kaya niya ang mabigat na parusang ipapataw sa kanya? * * * The Substitute Bride - Chapter 1 Itinutok ni Jamiro ang largabista sa
The Substitute Bride - Chapter 2 Nagkamali ang ekspektasyon ni Zoe. Umuwi pa rin si Zilla sa kinamumuhiang kubo tuwing hapon. Kaya gayon na lang ang pagmamaktol ng pinsan. Kapag ganito ang lagay ng 'panahon', sa loob ng pamamahay, naglalagi si Zoe sa bukal o kaya ay sa kapilya. Nagpapaturo siya at ang ilang kabataan ng pagbabasa at pagsusulat sa butihing kura paroko. Libre ang serbisyong ito ng matandang pari ngunit nakalulungkot pa rin dahil kaunti lamang ang nais matuto ng kaunting edukasyon. Kusang-loob ang pagpunta niya sa pagamutang nasa likod ng kapilya para kumandili sa mga maysakit na nanduroon. Kumbaga, ipinapalit niya ang ilang oras niya sa panahong inaamot nila sa paring guro. Lumipas pa ang mga araw. Napansin niyang may ipinagbabago na ang pag-uugali ng kanyang pinsan. Palagi na itong napapangiti kapag inaakalang nag-iisa at walang nakakakita. Hindi na pati siya malimit singhalan. Minsan nga, kinakau
The Substitute Bride - Chapter 3 Magmula nang masaksihan ni Zoe ang eksena ni Zilla at ng makisig na lalaki, lihim na niyang minamanmanan ang pinsan. Hindi dahil ibig niyang mag-usyoso. Kuryosa siya pero hindi para makialam. Nag-aalala rin siya. Naging malulungkutin na naman kasi ang pinsan kapag nasa bahay. Palagi na namang malalim ang iniisip. Si Tiya Pura naman ay palaging wala sa bahay. Nalululong na nang husto sa pagsusugal. Kaya naiwan kay Zoe ang responsibilidad na dapat ay sa ina ni Zilla. Napuna na niya ang pangangayayat at pangangalumata ng dalagang kasambahay. Nagdaan ang isang linggo. Walang naging pagbabago. Natagpuan na lang niya ang sarili na hindi na makakatiis. Naglakas-loob siyang lapitan si Zilla para kausapin. Ngunit nang nasa harapan na siya nito, nawalan naman ng laman ang kanyang utak. Tumalikod na lang uli siya bago mahalata ng pinsan ang pag-aalala sa anyo niya. Mabuti na lang pala, nagh