Share

The Dubious Caretaker - Chapter 8

The Dubious Caretaker - Chapter 8

Naging matagumpay ang kanyang operasyon.

Sa ikapitong araw lang ay pinayagan na siyang umuwi.

Ngunit habang nasa ospital siya, palaging dumadalaw si Elan tuwing umaga at gabi. Sa tanghali ay nagpapadala ito ng mga pulang rosas at mga sariwang prutas.

Pinilit niyang huwag maapektuhan. Kinumbinsi niya ang sarili na pawang pakitang-tao lamang ang mga ginagawa ng lalaki.

Bagong kasal sila kaya inaasahan ng mga taong nakapaligid ang kaunting romansa.

"Uuwi na tayo, Martinne," pahayag ng lalaki. Masuyo ang tono. Magiliw ang tono. Iniangat nito ang isang overnight case. "Tutulungan ka na ni Nurse Daisy sa pagbibihis."

"S-salamat," tugon niya. Kapag ang espesyalista ang kaharap, nakakapagsalita na siya ng tuwid. Sa una ay paunti-unti lang na dumarami at humahaba habang tumatagal.

Pero kapag si Elan na ang kausap, naglalaho ang kumpiyansa niya.

Dalawang bestida ang laman ng overnight cas

Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status