Share

The Dubious Caretaker - Chapter 7

The Dubious Caretaker - Chapter 7

Sumunod ang mahahabang sandali ng katahimikan.

Tila hinayaan munang makapag-isip siya.

Maya-maya'y muli na namang nagsalita si Elan. Naramdaman na marahil nito ang unti-unting panghihina ng kanyang loob.

Nagpatuloy sa pagsasalita ang lalaki. Alam na napukaw na nito ang interes ni Martinne.

"Bilang regalo ko sa 'yo sa ating kasal, ipapagamot ko ang iyong kapansanan. Tiyak na gagaling ka. Walang imposible kapag maraming salapi, Martinne," dagdag pa nito. Puno ng panunukso ang baritonong tinig.

Ang pangakong iyon ang higit na nagpabuway sa pagtutol niya. Habang tumatagal, lumalabo na nang lumalabo ang mga dahilan kung bakit dapat siyang tumanggi.

Bakit? Iyon ang hiyaw ng natitirang katinuan niya.

Sinapo ng maiinit na palad ni Elan ang mga pisngi niya. Upang magkausap nang masinsinan ang kanilang mga mata.

"Tanggapin mo na ako, Martinne," sambit nito. Mababa at masuyo ang tono nito.

Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status