Share

The Pretending Heart - Chapter 7

The Pretending Heart - Chapter 7

WALA ring nakapansin kay Alison sa pagbalik niya sa bahay. Wala sa paligid ang dalawang matanda. Marahil ay nasa kapitbahay o nasa silid-tulugan pa ng mga ito.

Tahimik siyang kumuha ng tuwalya sa kuwarto bago nagtungo sa batalan. Dali-dali siyang naligo.

Halos pikit-mata siyang nagsabon ng katawan. Ayaw kasi niyang maalala ang mga halik na ikinintal ni Armando sa kanyang balat.

Gayundin nung nagbibihis na siya. Ikinubli niya sa ilalim ng sweater na may mahabang manggas at mataas na neckline. Ni hindi man lang siya sumulyap sa salamin. Ayaw niyang makaharap ang sarili.

Matapos magsuklay, humangos siya palabas ng kuwarto upang maghanap ng makakausap. Parang mababaliw siya kapag nanatiling nag-iisa nang matagal.

Dinatnan niya sa kusina ang dalawang matanda. Nag-uusap ang mga ito tungkol sa nawawalang termos.

"Baka naman naiwanan mo lang kung saang tabi-tabi,

Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status