Share

The Outlaw’s Darling - Chapter 3

The Outlaw’s Darling - Chapter 3

MAG-ISA lang si Leon na nanubok sa malaking bahay ni Don Paolo Martinez.

He knew Bruno's stocky figure from afar. Lumabas ito mula sa harapang pintuan, at nagtungo sa kinaroroonan ng isang bagong tayong cottage.

Nahinuha niyang hindi natutulog sa bahay ng amo ang katiwala.

Ang mga babae lang ang natitira sa malaking bahay.

"Good," bulong ni Leon sa sarili. He pulled at the thick growth of vines on the concrete walls of the big stone house.

Nang matiyak na kaya siyang dalhin ng mga halamang gapang, sinimulan na niya ang pag-akyat sa balkonahe.

Nagpasalamat siya sa buwan na hindi pa isinisilang uli. Madilim ang paligid. Hindi siya basta-basta makikita habang nakalambitin siya sa tapat ng mga bintanang nangingitim na sa kalumaan ang salamin.

Maingat niyang hinila pabukas ang isang kalawanging dahon upang makasilip sa loob.

Ngunit nawalan siya ng tinag nang may marinig na mga boses.

Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status