Share

The Substitute Bride - Chapter 10

The Substitute Bride - Chapter 10

Natakot siyang sagutin ang tanong na iyon kaya nagdumali na lang na lumabas ng silid.

Narinig agad ni Zoe ang mga tinig na masayang nag-uusap sa sala. Nag-alangan siyang tumuloy sa paglabas, ngunit hindi siya maaaring magtago na lang sa kuwarto.

Nagpakatatag siya at nagpatuloy sa paghakbang palabas. Habang pilit na sinisino ang mga nag-uusap.

Nakilala agad niya ang boses ng asawa. Iyon ang nagdagdag sa lakas ng loob niya.

May mga boses-matanda, kaya nahulaan niyang dumating na ang mga magulang ni Jamiro.

Inaasahan niyang tatlo lamang ang madadatnan sa maluwang na sala. Kaya napapatda siya nang mamataan sina Zilla at Larry.

Nakapagitna ang pinsan sa magkapatid. Pero kapansin-pansin na mas malapit ito kay Jamiro dahil nakapahingalay sa pagkakaupo sa mahabang sopa.

Nakita rin siya agad ni Zilla. Ngunit sa halip na ipaalam sa iba na dumating n

Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status