Share

Chapter 22 - Meeting

Sinundan ni Aeros ang babae sa emergency room. Kumubli siya sa pinto at mula doon ay naririnig niya ang pagtatalak ng babae sa matandang lalaki:

"Sinabi ko na sa inyo, di ba? Ang tigas ng ulo n'yo! Alam n'yo na ngang highblood kayo, kumain pa rin kayo ng lechon! Mabuti na lang at naagapan natin at hindi nauwi sa stroke, kung hindi.... Kung hindi...." Hindi nakapagsalita ang babae dahil naiyak na ito. Ang matanda ay kanyang lolo.

"Siya! Pasensya ka na Dianne at nag-alala ka... "

'So, Dianne pala ang pangalan mo, ha. Humanda ka sa kin ngayon. Hindi kita hahayaang makawala.' ani Aeros na nasa pinto.

"Alam mo namang Birthday ko ngayon, kaya gusto ko lang sanang maka-kain ng lechon kahit ngayon lang." Sagot ng matanda.

Biglang tumunog ang cellphone ni Dianne. "Hello Agnes?"

Natigilan si Aeros sa pinto. 'A-agnes? Agnes din ang pangalan ni panget, hindi ba? What a coincidence.'

"O, 'lo, sabi ni Agnes happy birthday daw. Pasensya na raw at hindi ka niya mabati ng personal at kung
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status