Share

Ang Muling Paghalik

"Oh, God. Kahit iyan na lang ang mabingwit ko, sabi ni Janice, isa rin sa mga kaklase nila noon at pinsan ni Johanna.

"Puwedeng-puwede na sa akin si Seb."

"Sebastian." agad na pagtatama ni Wendy. Naroon ang pag-angkin. Paano ay noon pa man, ito lang ang tumatawag ng "Seb" kay Sebastian.

Seb-love pa nga yata ang endearment nito sa lalaki. Hindi siya sigurado. Sinulyapan ni Hillary ang katabing si Sienna.

Si Sienna ang mayaman sa kanilang grupo. Dati pa ay napagkakamalan na itong snob dahil sa pagiging

mayaman. Pero hindi ganoon si Sienna.

Bukod sa pagiging galante, napakabait nito at maalalahanin. Naaalala ni Hillary, kapag nag-iisa siya noon ay nilalapitan siya nito. Wala itong sasabihin, tatapikin at pipisilin lang ang balikat niya sa parang nagsasabi na naroon lang ito kung sakaling kailangan niya ng kausap.

Ngayon, kahit okupado rin ang i

Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status