Share

Memories Of The Past

Suminghap ng hangin si Hillary. Noon lang niya na-realize na nakabitin pala ang kanyang hininga. At nasa gilid na ng silya ang kanyang puwitan.

Wala na ang lalaki pero hindi pa kumakalma ang mga balahibo niya sa batok. Wala na nga ba ito? O nakatingin pa rin ito sa kanya?

"Hill, are you okay?" tanong ni Wendy. Maging

si Sienna na tulad niyang nananahimik din ay napatingin sa kanya.

"Y-yeah. Huwag n'yo akong alalahanin." Pagkatapos ay inabot niya ang kopita ng wine at balewalang inubos ang laman niyon.

Sa gilid ng mga mata, nakita niyang nagpalitan ng sulyap ang mga kasama niya sa mesa. Sinikap niyang ibalik ang composure. Pero hindi na mapipigilan ang pagpe-play sa utak niya ng alaala nang

gabing iyon...

Flashback...

"I have an idea. Crazy idea," sabi kay Hillary ng

kaibigan at katrabaho niya na si Chloe.

Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status