Share

Kabanata 35

Unang Araw

Tuluyan na nga kaming nakarating sa tahanan ni Senyora Valleri. Walang niyebeng bumabagsak ngunit ramdam pa rin ang lamig. Ito na ang pangalawang beses na makita nang malapitan ang tahanan ng Senyora, sa ibabang bahagi ay gawa sa bato at semento.

Mayroon iyong pintuan sa gilid—sa likod ng papaakyan na hagdan. Habang ang kalahati na pang-itaas naman ay yari sa matibay na kahoy, mga patrayangulong bubong at may tsimenea kung saan doon lumalabas ang usok mula sa pugon.

Nanguna na ang Senyora sa pag-akyat ng hagdan, umalis na rin ang sinakyan naming karwahe. Sumunod ako sa kanya at pagbukas ng pintuan, makikita ang maayos at malinis na sala. Nakita ko na ito nung unang bisita namin dito ngunit wala pa ring nagbabago sa nararamdaman kong paghanga sa loob at disenyo ng tahanan.

Humarap naman sa akin ang Senyora, kapagkuwan ay nagsabi siya.

"Sa ngayon ay magpahinga ka muna. Ang ating gagawing pagsasanay sa susunod na araw at sa susunod pa ay mas komplikado. Kung kaya't mas mainam
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status