Share

Kabanata 14 Worth the Risk

Kasama niyang umuwi si Liam sa bahay. Nagbubuga ng apoy ang mga mata ng kanyang ama. Habang ang kanyang ina ay tahimik na lumuluha. It broke her heart into pieces. Ngunit nadapa na siya. Kailangan niyang bumangon at panindigan ang pagkakamali.

“Daddy, mommy, I’m sorry. Patawarin ninyo po ako.”

“Patawarin? Alam mo ba ang ginawa mo? Malaking kahihiyan ito sa pamilya natin,” sagot ng kanyang ama.

“Ikaw lalaki, anong trabaho mo?” tiimbagang na tanong nito.

“Wala po.”

“Anong natapos mo?”

“High School po.”

“Sinong mga magulang mo?”

“Matagal na po silang patay.”

Lalong nagtagis ang bagang ng ama. “Ano ang ipapakain mo kay Mika? Ang lakas ng loob mong manligaw sa anak ko. Wala ka namang maipagmamalaki.”

Pinigilan ng ina niya ang kamay ng ama na gustong saktan si Liam.

“Kaya ko pong buhayin si Mika at ang magiging anak namin.”

“Sumasagot ka pa! Saan ka kukuha ng pera? Magnanakaw ka o magiging pabigat ka sa anak ko?

“Ang gusto mo lang makabingwit ng mayaman at may pinag-aralang asaw
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status