Share

Kabanata 20 Rejecting the Offer

Bago pa ito mai-send ni Andrei ay may umagaw ng telepono nito. Akala ng binata ay snatcher kaya tumigil ang pagtibok ng puso nito ng 3 segundo. Si Nessa pala! Ang babaeng makulit na kaibigan ni Liam.

“Hoy! Bakit ka palihim na kumukuha ng video? Ha? Bawal ‘yan!”

Nag-aagawan sila sa phone. “Akina ang cellpnone ko!”

Mabilis ang kamay niya. Agad niyang binura ang video. Pati sa trash ay binura niya bago ibalik ang cellphone sa binata.

“Oh, ayan isaksak mo sa baga mo!”

“Pakialamera ka! Dati ka bang snatcher? Ambilis ng kamay mo.”

“Ikaw ang pakialamero! Bakit mo pinapakialaman ang relasyon nila Liam at Mika?”

“Nakita mo naman na nakikipagtagpo sa iba ang kaibigan mo. Kunsintidora ka! Concern ang tawag doon at hindi pakikialam.”

“Kanino ka concern? Aber? Kay Mika o sa sarili mo? Huwag ako ah!”

Natigilan ang lalaki. Namumula na ang mukha nito sa inis.

“Pwede ba, hayaan mo ang ‘yun dalawa. Hindi mo ba nakikita ang labis na pag-ibig sa kanilang mga mata? Maghanap ka na lang ng iba. Andito naman
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status