Share

CHAPTER 35

"Wala lang, gusto ko lang maramdaman na pinagsisilbihan kita."

"Pagsilbihan? Ang maging labandera? Itigil mo nga 'yan. Akala mo natutuwa ako sa ginawa mong 'yan? Anak ng Presidente, nilalabhan ang mga damit ng PSG niya? Anong sasabihin ng makakita sa'yo? Bigyan mo naman ako ng kahihiyan Irish!" naiinis niyang tinuran.

"Hayan galit ka na naman, e."

"Umayos ka naman kasi. Kumilos ka ng tama."

"Ako na itong nagkukusa, ako pa itong masama. Saka matagal na itong nakatambak sa labahan natin, abala din si Tita sa mga gawaing bahay kaya ako na lang ang gumawa."

"Tumayo ka na diyan."

"Bakit?" tanong ni Irish.

Hinawakan ni Daniel ang puno ng bula na kamay ni Irish. Hinugasan niya ito ng tubig. Mabilis na nahagip ng paningin niya ang namumula at parang nagkakasugat-sugat na palad ni Irish.

"Tignan mo nangyari sa kamay mo? Kinukusot mo kasi ang mga maong na pantalon e hindi naman ‘yan kinukusot. Bina-brush ‘yan. Saka ilang pantalon na ba 'yan? Hindi ka naman naglalaba pero nagmamarunong ka!"

"Hum
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP
Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
Marivic Baliao
thanks sa pag update
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status